CHAPTER 6: Oh! That’s Her Name
Laurentz’s POV
Kakatapos lang ng klase namin sa araw na ito. Kasama ko pala ngayon si Merz. Magkaklase kami sa mga major subjects sa minors lang hindi. Nauna kasi siyang nagpa-enrol sa akin. Nahuli kasi ako dahil galing ako ng Maynila. Na delayed pa yung schedule ng flight namin kaya ayun pinauna ko na si Merz na magpaenrol.
Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang library. Hindi ko nga inakala na sasama pala ‘to sa akin ngayon eh. Hindi naman to nagpupunta sa library.
“Merz, anong gagawin mo sa library?” tanong ko sa kanya.
“Erm, sabi kasi ng roommate ko gwapo daw yung bagong librarian. Curious lang ako kaya titignan ko. Hahaha.” sagot nito sabay tawa. “Gwapo ba siya? Parati ka namang nagpupuntang library eh.” tanong niya.
“Lalake pala ang librarian natin?” sagot ko. Hindi ko kasi napansin.
Itsura niya --------> (O.O)
“Ano ka ba Rentz! Ilang beses kanang nagpupunta sa library tapos di mo man lang na pansin yung librarian? Lumalabo na naman ba yang mata mo? Tara palitan natin yang contacts mo!” gulat na may dalang pagaalalang sabi niya.
“Okay lang naman ang mata ko. Hindi ko lang talaga napansin yung librarian. Umuupo lang naman kasi ako agad pagkatapos kong maglog-in. Di panga pala ako nakakahiram ng libro kaya hindi ko pa siya nakikita ng harapan.” sagot ko .
“Haay Rentz. Wala ka ba talagang interest sa mga lalake? Ano bang ideal man mo?”
Ideal man? Hmmm, hindi ka pa na iisip yan ah. Ano nga ba?
“Hmmm. Di ko alam. Siguro okay na yung matalino.” sagot ko
“Matalino? Paano kung walang itsura? At kung meron man, magiging freak na yung anak niyo nyan!” bulalas nito habang hinahampas hampas ang likod ko. Baliw talaga to.
“Ewan ko sayo. Kahit sino na lang siguro.” Sagot ko habang hinihimas yung likod ko. Ang sakit humampas nitong babaeng to. Parang amazona. Hahaha.
Pero seksi at maganda tong si Merz ah. Marami ngang nagkakagusto dito eh. Mababa lang siya ng konti sa akin. Pero okay lang naman ang height niya. Makinis siya at straight yung buhok. Katamtaman ang katawa niya. Di ko nga alam bakit ang lakas nito eh.
“Ano ka ba Rentz. Malapit na tayong grumadweyt tapos wala ka paring boyfriend. Gusto mo hanapan kita?” nakangiti niyang tanong.
“I’m fine Merz. Hindi ko kailangan ng boyfriend. Huwag mo akong itulad sayo na naka labing limang boyfriend na simula ng magcollege. I’m not like that.” Pagtanggi ko sa alok niya.
“Grabe ka naman Rentz. Hindi fifteen yung naging boyfriend ko ah, fourteen lang.” nangiti niyang sagot.
“Ano ka ba magkalapit lang yun noh. At tsaka wala ka namang makukuha sa pagboboyfriend nayan.” Nangiti ko ring sagot sa kanya. Tinanggi pa niyang naka 15 bf na siya at tinama pa ako na 14 lang daw. What’s the difference? Okay there is, and it is equal to 1.
“Ano ba naman yan Rentz. Ang boyfriend ay inspirasyon. Kung magkakaboyfriend ka malay mo magiging summa cum laude ka na!” nakatawa niyang sabi.
“Inspirasyon? Inspirasyon o taga bili lang ng pagkain?” kontra ko sa kanya.
“Ang sama mo Rentz. Paminsan minsan lang naman eh.” nakanguso niyang sagot.
So tama nga nagpapabili nga siya ng pagkain. Paminsan-minsan lang daw, sinong niloloko niya. Sa tuwing pupuntahan nga siya ng mga boyfriend niya eh palaging may bitbit na snack. Minsan nga binibilhan na rin ako ng bf niya ng pagkain kasi parati kaming magkasama ni Merz. Hahay, babaeng to talaga.
“Okay lang yan. Binibilhan din naman nila ako minsan eh.” Asar ko sa kanya.
“Sama mo!” sabi niya sabay hampas sa braso ko.
“Aray! Masakit ah!”
“Sama mo kasi. Bleeeh.”
At ako pa ang masama ngayon? Hihilahin ko na sana siya dahil nagmamadali na siyang umalis para hindi ako makabawi ng biglang may tumawag sa kanya sa likuran namin.
“Mercy!” sigaw ng isang babae.
Napalingon kaming dalawa ni Merz.
Kumakaway ito sa kanya. She looks familiar.
Ah! Siya yung babaeng nakabunggo ko last time.
“Oh Nataline. Anong kailangan mo?” tanong ni Merz.
Aah, Nataline pala yung pangalan niya. Bagay sa kanya.
“Kailangan nating mag meeting tungkol sa gagawin nating play sa Filipino.” Sagot ni Nataline. Magkaklase pala sila sa Filipino.
“Ganun ba.” Sabi ni Merz sabay tingin sa akin.
“Sorry Rentz, hindi kita masasamahan ngayon sa library.” Sabi niya na parang nalulungkot.
Maniniwala na sana ako pero na alala ko na kaya lang siya pupuntang library ay para makita ang gwapo raw na librarian. Tssk. Muntik na yun ah.
“Okay lang yun Merz. Di naman kita kailangan dun eh.” Bawi ko sa kanya.
Hinampas na naman yung braso ko. Hinimas himas ko na lang ang parte na hinampas niya. Ang sakit talaga.
Sige Rentz, alis na kami.” Sabi niya na nakasmirk.
Tumingin ako kay Nataline. Ngumiti siya at nagwave para magpaalam.
Naiwan akong nag-iisa at nakatulala.
-------------------------------------------------------------------------------------------
(A/N)
Sorry sa late update.... Eto na yung chapter 6.. Hope yah like it. :)
BINABASA MO ANG
Sticky Note.. (GirlxGirl)
Novela JuvenilAng LOVE ay isang napakakumplekadong salita para sa matalinong estudyante na si Laurentz. Paano niya kaya ito haharapin kung ito ay dumating na lang sa kanya ng di niya inaasahan? Ang lahat ng ito ay magsisimula ng dahil sa isang "Sticky Note".