CHAPTER 14: Kung Hindi Siya, Sino?
Rissa’s POV
Ang lambot ng higaan ko. Ang sarap hindi bumangon, pero hindi na ako makabalik ng tulog dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. Ingay mula sa baba? Asan ba ako? Pinisil-pisil ko ang inaantok ko pa ring mga mata. Nasa pamilyar akong lugar. At sa makalipas na sandali ay nalaman kong nasa kwarto ko lang pala ako. Paano ako nakarating dito? Kanina lang ay nasa tapat lang ako ng school. Ano bang nangyari? Hindi ko matandaan.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking higaan. Ang bigat ng katawan ko at wala akong lakas para maglakad para puntahan ang pinagmumulan ng ingay sa baba. Umupo na lang muna ako sa aking kama at pinakinggan ito.
“You’re her mother! You’re supposed to be taking care of her!” galit na sabi ng isang lalake. Lalake? Dad?
“You are also her father! Hindi lahat ng responsibilidad ay akin! Kaya ‘wag mo akong sinisisi!” sagot ng isang babae. Mom?
“At sino ba dapat ang sisisihin dito? Kaya nga nandito ka sa bahay ay para alagaan ang anak natin. Hindi to mangyayari kung hindi ka naging pabayang ina!” tigilan niyo na ‘to Dad, Mom please.
“Kahit kailan hindi ako naging isang pabayang ina sa anak natin. Pero ikaw, kahit kailan ay hindi ka man lang nagkaroon ng pag-alala sa anak mo. Puro ka lang trabaho!
“Mom, Dad please stop this.” Naiiyak kong sabi.
“Nagtratrabaho ako para sa kanya hindi ba iyon sapat? Gusto ko lang maibigay ang lahat ng pangangailangan niya kaya ako nagpapakasubsob sa trabaho. Hindi pa ba ‘yon sapat?”
“Kailangan din ni Rissa ang atensyon natin. Hindi ko alam kung ano pa ang susunod na mangyayari kung hindi natin to malulutas.”
“At anong sa tingin mong kailangan kong gawin? Tumigil sa pagtratrabaho at pumalagi dito sa bahay? Anong sa tingin mong kakainin natin? Buhangin at bato? Wag ka ngang magpaka-istupida Lucy! Ikaw ng bahala sa anak mo. Marami pa akong gagawin.”
“Robert! Robert! Hindi pa tayo tapos mag-usap.”
Hindi ko na pansin pero humahagulgol na pala ako sa pag-iyak. Parati na lang ‘tong nangyayari sa bahay. Kung hindi nag-uusap si Mom at Dad ay nag-aaway sila. Humiga ako sa aking higaan at nagpatuloy sa pag-iyak. Bakit ba parati na lang ganito? Ang dami ko ng iniisip tapos dumadagdag pa ito ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko namalayan ang oras sa kaiisip at napagod na rin ang mata ko sa kakaiyak. Ang sarap ng matulog.
Laurentz’s POV
Lunes. Umpisa ng araw sa school sa week na ito. Ang sarap hindi bumangon pero kailangan. Pagkatapos gawin ang aking morning routine ay bumaba na para umalis.
“Good morning baby girl.” Bati sa akin ni mama.
“Good morning din ma. Alis na rin ako. Maaga ang schedule ko ngayong araw. May make-up class kami sa major class ko.”
“Paano ang almusal mo?” tanong nito.
“Doon na po ako kakain. At promise kakain talaga ako okay? Wag ka ng mag-alala ma.” Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Sticky Note.. (GirlxGirl)
Ficção AdolescenteAng LOVE ay isang napakakumplekadong salita para sa matalinong estudyante na si Laurentz. Paano niya kaya ito haharapin kung ito ay dumating na lang sa kanya ng di niya inaasahan? Ang lahat ng ito ay magsisimula ng dahil sa isang "Sticky Note".