CHAPTER 18: Hello B.G.

1.4K 32 5
                                    

(A/N)

Yeeeey! After 123465798 years nakapag-update din! Yaaah I know I need to be scolded. Sorry talaga at ngayon lang ako nakapag-update. :( Pero ang saya-saya ko dahil ang dami ng votes at reads ang book na ito. Sarangheyo chinggus. Mwaaah mwaaah. This is for yah all and I hope you will enjoy it. Gud nyt. zzZZ

-----------------------------------------------------------------------

CHAPTER 18: Hello B.G.

Laurentz’s POV

                Bagong araw, bagong simula. Ang sarap talagang pumasok. Marami kang matutunan. Pwera na lang kung ikaw ‘tong katabi ko.

                “Ahh! Kapagod. Bakit ang hirap ng lessons natin ngayon.” Pagririklamo ni Merz.

                “Anong mahirap dun? Di ka lang kasi nag advance study.” Pagliliwanag ko.

                “Oo ikaw ng matalino. Che.” Sabi naman nito.

                “Nga pala Merz, sasama ka ba sa field trip sa Filipino?” tanong ko. May field trip kasi ang mga student na may Filipino 3. Pero hindi naman ito compulsory.

                “Hindi ko pa alam. Wala pa akong pera para dun.” Sagot nito.

                “Pera? Di naman kailangan ng maraming pera dun. Dalawang araw lang naman tayo dun di ba?” tanong ko ulit kahit alam ko na ang maaaring dahilan ni Merz.

                “Syempre no. Baka maraming magagandang bilhin dun. Sayang naman, minsan lang tayo makapunta dun.” Sagot nito. Sabi ko na nga ba.

                “Hindi naman tayo pupunta dun para bumili ng kung ano-ano.” Sabi ko.

                “Kahit na. Eh sa gusto kung bumili ng pasalubong eh.” Makulit na sabi nito.

                “Bahala ka nga. Pero paano yan wala ka pang pera?”

                “Eh yun nga eh. Hindi pa nagpapadala ng allowance sina mama. May pera ka ba Renz? Pautang naman.” Tanong nito.

                “Kung papautangin kita, mangako ka munang hindi ka bibili ng mga kung ano-ano lang dun.” Sagot ko.

                “Tsssk. Oo na. Mas mabuti na rin yun para hindi na ako tatake ng final exam.” Sabi nito. Pagsasama kasi sa field trip, points na yun para sa final exam. Kung hindi ka sasama di tatake ka pa. Makatwiran naman siguro yun. Tsaka hindi naman kami maglalaro dun noh, mag-oobserve kami.

                “Sige basta bayaran mo ako ha.”

                “Oo naman, anong akala mo sa akin hindi nagbabayad ng utang?”

                “Hindi naman. Hehehe.” Sabi ko. Nakautang na ‘tong si Merz sa akin noon at nagbabayad rin naman siya. Ayaw niya kasing may utang siya sa iba o kung ano pang uri ng utang.

                “Oo nga pala, mamaya pa ang susunod mong klase di ba?” tanong nito.

                “Oo mamaya pa. Bakit?” sagot ko. Ano na naman kayang kailangan ng babaeng to.

                “Ganun ba. Kain naman tayo.” Sabi nito.

                “Akala ko ba wala ka pang pera ngayon?” walang pera pala hap.

Sticky Note.. (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon