CHAPTER 10: The Lady in Black
Laurentz’s POV
Ito na nga ang araw na hinihintay ng lahat sa school pero hindi para sa akin. Acquaintance party na nga namin ngayon. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Huwag na lang kaya akong pumunta? Tsssk. Hindi na pwedeng umurong. Andito na si Merz at gagawin niya na akong clown. Naku, ano kayang magiging itsura ko nito.
Habang ginagawa ni Merz ang pagmamake-over sa akin, eto namang si mama panay na ang pagpuri. Hindi pa nga tapos eh. Excited much lang. Pero bakit ako hindi excited? It feels like I’m gonna die right now. Huhuhu (T.T)
Pagkatapos ng make-over ng fairy god mother ko, hindi ako makapaniwala sa itsura ko. Ako ba to?
“Wow! Ang ganda naman ng baby girl ko. Sana ganyan ka na lang lagi baby ko.” Natutuwang sabi ni mama.
“Ma, I already told you to stop calling me that.” Nakanguso kong sabi.
“Oh Mercy, ikaw rin magmake-up ka na.” sabi ni mama kay Merz
“Okay lang Tita mabilis lang to.” Nakangiting sabi ni Merz.
Pagkatapos naming mag-ayos, nag-alok si mama na siya na lang ang maghahatid sa amin kaysa sa sumakay kami ng taxi. Siya na rin daw ang susundo sa amin mamaya.
Pagdating namin sa school. Hindi ko alam ang gagawin. Nahihiya talaga ako. Kahit na may mask kami, parang na aasiwa pa rin ako. Umuwi na lang kaya ako?
“Merz, nakakahiya. Umuwi na lang tayo.” Sabi ko.
“Ano ka ba. Andito na tayo. Ngayon ka pa uurong. Hindi ka naman nila makikilala.” Sagot niya.
“Eeeh, ang kati na ng mukha ko. Bakit pa ba tayo nag make-up may mask naman tayo.” Kumakati na nga ang mukha ko. Hindi talaga kasi ako sanay mag make-up.
“Tumigil ka na nga. Paano kung ipapatanggal na yung mask natin. Magmumukha tayong walang tulog.” Naiirita niyang sagot.
“Magtatanggal ng mask? May part pala na ganun? Aaisht. Sana di na ako pumunta dito. Sige uuwi na ako tatawagan ko na si mama.” Bakit di niya sinabi na may ganun pala. Tsssk.
Kinuha ko ang cellphone ko sa handbag pero hinablot niya ito.
“Andito na tayo Rentz. Sa akin lang ‘tong phone mo hanggang matapos ‘tong party. Ako na ang tatawag kay Tita pag-uuwi na tayo.”
“Ano ka ba phone ko yan. You don’t have the right to take that from me. I can…”
“What? Sue me for this? For a phone Rentz? Ano ka ba. Pumasok na tayo.” Pagputol niya sa akin.
Grabe naman sue her agad? Di naman ako ganun ka sama.
Hindi pa nga ako nakapagpatuloy magsalita ay hinila na niya ako papasok sa gym. Nagsign-in muna kami at pagkatapos ay naghanap na ng mauupuan. Buti na lang may vacant chairs pa sa ibaba. Ayaw kung umupo dun sa may lower o upper bleachers ng nakaheels noh. Sasakit lang ang paa ko dun.
Tahimik lang si Merz buong program. Hindi usual sa Merz na maingay. Kung nasa tamang mood siya ngayon siguro puro mga lalake na ang lalabas sa bibig niya. Galit ata talaga siya. Hindi ako sanay na ganito kami.
BINABASA MO ANG
Sticky Note.. (GirlxGirl)
Ficção AdolescenteAng LOVE ay isang napakakumplekadong salita para sa matalinong estudyante na si Laurentz. Paano niya kaya ito haharapin kung ito ay dumating na lang sa kanya ng di niya inaasahan? Ang lahat ng ito ay magsisimula ng dahil sa isang "Sticky Note".