CHAPTER 7: The Deal
Laurentz’s POV
Nataline… Nataline. Haaay. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. At ang ganda niya pag ngumingiti. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin.
Pag-alis nilang dalawa ay pumunta na rin ako sa library. Tiningnan ko na rin yung librarian na sabi ni Merz na gwapo. Okay lang naman ang itsura niya. Maputi tapos matangos yung ilong. Ganun ba ang itsura ng mga gwapo? Ewan ko sa kanila.
Umupo na ako sa usual kong upuan. Sinilip ko rin kung nagreply ba si N. At ayon nga merong note. Alam kong sa kanya yun dahil kulay pink. Ang ganda talaga ng handwriting niya.
Binasa ko ang nakasulat sa note.
“Ang love ay kusang dumadating. Malalaman mo na lang kung mahal mo na ang isang tao kung bawat galaw at kilos niya mahalaga sayo. Kung makikita mo siya buo na ang araw mo. Kung nasasaktan man siya, mas lalo kang nasasaktan. At higit sa lahat, kahit ang simpleng ngiti niya ay lalong nagpapahulog sayo. N”
Ganun ba talaga ‘yon? Hindi ko pa naman napapansin na nagkakaganun ako sa isang tao. Siguro ‘di para sa akin yang love love nayan.
Nagsulat din ako.
“Ah ehm. Di naman sa nakikialam ako, pero nasabi mo na ba sa kaibigan mo na mahal mo siya? L”
Idinikit ko na rin yun. Kinuha ko ang laptop ko at nag log in sa Facebook account ko.
Tama. May FB account ako. Sabi kasi ni kuya yun daw yung magiging communication naming dalawa hanggat nandito ako sa Ilgan at siya at si papa ay nasa Maynila. Buti na lang may ganito kundi mamatay ako sa pagkamiss sa kuya ko. Miss ko na siya. Haaaist.
Ang dami na namang friend request. Pero as usual hindi ko sila inaaccept. Di ko naman sila kilala. Yung iba lang. Mga classmate ko siguro sa ibang subject.
Binuksan ko sa ibang tab ang page account ng school namin. Makiki-update lang sa mga happenings. Pagscroll down ko may announcement na nakapost.
“To all TIIians, you are all invited to our school’s Acquaintance Party this upcoming August 20, 2013. The party’s motif is Masquerade. It will be held at our school’s gymnasium at exactly 6:00 pm. See you all there!”
Bakit ko pa ba ‘to binasa. Di rin naman ako pupunta. Mas mabuti pang mag-aral na lang buong gabi. Marami ka pang matutunan. Eh dun wala. Di rin talaga ako mahilig sa maiingay na lugar.
-------
Kumalat na agad ang balita tungkol sa gaganaping acquaintance party. Parang lahat ata ng estudyante ay excited na. Eh ako eto, parang wala lang. The hell I care about it.
“Rentz punta tayo ng acquaintance party ah.” Sabi ni Merz habang hila ang kaliwang braso ko.
Oo kasama ko na naman siya. Tumigil na kasi siya sa pagpapart time job. Kapagod raw kasi ang trabaho dun. Magtitipid na lang daw siya. Maniwala.
“Alam mo namang hindi ako pumupunta sa mga ganyan di ba.” Sagot ko.
“Rentz, dalawang taon na lang magtatapos na tayo. Kahit ngayon lang samahan mo ko. Please.” at nagpapacute pa talaga siya habang sinasabi yun.
“Merz, ayoko nga di ba. At tsaka kung pupunta man ako dun wala akong susuotin.” sana di ko na lang sinabi yun. Ngumiti tuloy ng nakakaluko ‘tong si Merz.
“Eh di bumili tayo! O di kaya’y pahihiramin na lang kita. Ako bahala sayo.” Nakangiti niyang sabi.
“Eeeeh ayaw ko. Nakakahiya kaya dun.” Sagot ko.
“Ano ka ba may mask naman eh. Masquerade party nga di ba. Di ka nila makikilala promise.” dali nitong sagot.
“Eh basta, ayaw ko.” pagmamatigas ko.
“Sige na Rentz. Pagpupunta ka di na kita kukulitin sa pagboboyfriend mo. Hmmm?”
Oo, kinukulit niya ako na hahanapan niya raw ako ng boyfriend. Parang araw-araw nga eh. Kung may dumadaan ngang lalake tinatanong niya ako kung type ko ba. Haaay.
“Bahala ka na nga.” buntong hininga ko.
“Okay I’ll take that as a deal.” Nangiti niyang sabi.
-------------------------------------------------------------------------
(A/N)
Chapter 7 uploaded! Sorry kung matagal ako kung mag update. Busy kasi sa school kasi midterm exam week po namin.. Kapagod mag aral. Pero okay lang kasi next week may school fest kami.. So baka makapag-update ako ng mas maaga.. Salamat sa pagbabasa!!!! Basa basa rin pag may time.. (^________^) Kay lezyaj1319 pala, sorry. Gusto ko rin naman ng makukulit. Buti nga may nagcocoment eh. Salamat sayo and I dedicate this chap to you kahit na baka sabihin mong bitin na naman.. Hahahah. Love lots. xoxoxo
BINABASA MO ANG
Sticky Note.. (GirlxGirl)
Teen FictionAng LOVE ay isang napakakumplekadong salita para sa matalinong estudyante na si Laurentz. Paano niya kaya ito haharapin kung ito ay dumating na lang sa kanya ng di niya inaasahan? Ang lahat ng ito ay magsisimula ng dahil sa isang "Sticky Note".