CHAPTER 22: Number
Laurentz’s POV
Makalipas ng ilang sandali ng dumating si Rissa ay tuluyan na nga kaming umalis. Tahimik lang ang mga kasama namin sa bus. Siguro ay inaantok pa ang iba kasi maaga-aga nga ang meeting time namin. Masaya ako dahil kasama ko si Merz na mula ng dumating si Rissa ay di na nagsalita at nakikinig lang ng music at siyempre dahil andito si Rissa. Hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako dahil andito siya.
Akala ko maiinip lang ako sa biyaheng ito dahil walang akong makakausap. Hindi kasi ako inaantok kapag nagbyabyahe. Ang ganda kaya ng mga tanawin lalo na kung matatanaw muna yung mga kabundukan at bughaw na kalangitan.
Makakasama ko pala si Rissa ngayon ng matagal-tagal. Di ko alam pero hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. Nababaliw na ata ako. Napansin ata ako ni Rissa kaya ito nagtanong.
“Bakit ganyan ang itsura mo? Anong meron?” nakataas kilay nitong tanong.
“Wala naman. Ang ganda lang ng view dito.” Sagot ko ng nakangiti pa rin.
“Anong maganda sa view dito eh puro naman bahay yang nakikita mo.” Sabi nito. Tsssk. Hindi pa nga pala kami nakakalayo.
“I’m just anticipating the view later.” Palusot kong sabi.
“You’re weird, you know that?” natatawa nitong sabi. Ang ganda niya talaga kapag ngumingiti. Tsssk. Eto na naman ako.
“Whatever. Weird na kung weird wag lang maging late comer.” Bawi ko naman.
“Duh. Ngayon lang naman ako na late dumating noh.” Paliwanag naman nito.
“Ngayon lang daw. Palusot ka pa.” tukso ko sa kanya. Haha.
“FYI. Hindi ako nagpapalusot noh. Weirdo.” Sabi nito ng nakangiti.
“I’m not a weirdo.” Pagtutol ko.
“Yes you are but in a good way though.” Sabi nito.
“What do you mean?” tanong ko.
“You’re weird, but I love the way you are like that.” Paliwanag nito at ngumingiti ng nakakaluko. At ako naman tong si tulala queen ay nakatitig lang sa kanya dahil hindi makapaniwala sa narinig. I’m going crazy.
“Are you okay?” tanong nito ng nakangiti pa rin. Syempre hindi ako okay noh. Ang weird nga ng nararamdaman ko. Ang bilis ata ng tibok ng puso ko. Wala naman akong sakit ah.
“I-I’m fine.” Sagot ko. Tsssk. May okay bang nagstutter? Ako lang ata. Pero sa tingin ko hindi nga ako okay. Umiinit ata ang katawan ko.
“My gosh you’re blushing!” tumatawa nitong sabi. Blush? Ako?
“Blushing? Ako? In your dreams.” Sabi ko na lang. Tsssk.
“You look so cute like that. Let me take a picture.” At yun nga, mabilis niyang kinuha ang phone niya. At snap.
Base sa itsura niya habang tinitingnan ang nakuha niyang picture ay nakakatawa ang itsura ko dun. Kainis.
BINABASA MO ANG
Sticky Note.. (GirlxGirl)
Teen FictionAng LOVE ay isang napakakumplekadong salita para sa matalinong estudyante na si Laurentz. Paano niya kaya ito haharapin kung ito ay dumating na lang sa kanya ng di niya inaasahan? Ang lahat ng ito ay magsisimula ng dahil sa isang "Sticky Note".