IKA-ANIM

667 19 0
                                    

Ika Anim na Misyon : Katotohanan

Xander

Kinabukasan, tumungo kami ni Lucy sa hardin ng mga pulang roses. Tahimik lang siyang nag mamasid at sumusunod sa akin, kailan ba siya babalik sa dati? Nang huminto ako ay agad ko siyang hinarap, bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Marahan akong napabungisngis sa itsura niya, kahit papaano ay may tiwala siya sakin. Bagay na ayokong mawala mula sa kanya, kahit ano mang mangyari.

"B-bakit mo ba ako dinala rito?" Tanong niya, naka magkrus ang kanyang mga kamay. Masungit na masungit, magagalit kaya niya pag nalaman niya kung sino ang partner niya sa eleganteng okasyon sa kanilang paaralan? "Upang sabihin ang totoo." Sambit ko, halata ang pagtataka sa kanyang mga mata kakahit hindi niya ito ipakita. Kilalang kilala ko siya, kahit nasa palasyo pa lamang kami.

"Anong totoo?" Tanong niya sa akin at umupo sa ibabaw ng mga damo, mukha siyang inosente sa oras na ito. Inosente na delikado pa ang buhay mo pag nakaharap mo siya, napangisi ako sa naisip ko. "Kung paano ka napadpad dito, sa lugar ng mga mortal." Sabi ko at umupo sa harap niya, hawak ang kanyang kamay malalim na tinitigan ko ang kanyang mga mata. "Isa ka sa amin." Halata ang pag kagulat, nagtataka siya. "P-paanong nangyari iyon?" Naguguluhan niyang tanong, maski tuwa ay wala sa mga mata niya ngayon.

"Sinabi ni mama na may nag hahanap sayo, syempre hahanapin ka nila. Ikaw ang nawawalang Prinsesa, kaya ka pinabantay samin ni Mama para kahit anong mangyari ay hindi ka mapapahamak kahit malaman mo ang totoo." Paninimula ko, bakas ang pagiging interesado niya sa sinasabi ko. "Gusto ko malaman ang simula, kung ako nga ang prinsesa paano ako napunta dito?" Tanong niya, pasalamat ako't hindi siya galit dahil baka mapatay niya ako. 

"Ilang taon na nakalipas, mga dalawang taon bago tayo mag kita. Sumugod ang kalaban sa Kaharian ng mga Chezain, dahilan ito para mag karoon ng malakas na pag sabog. Nawawala ka sa mga oras na iyon, at sa oras rin na yon nag lalaban ang iyong ina at ang kanyang kapatid. Hindi maipagkakaila na tungkol iyon sa kaharian, natigil ang lahat ng kailangan mangyari nang sumiklab ang ikaapat na digmaan sa kaharian. Nawala kayong dalawa ni Lyn, ang iyong kakambal." Simula palang ay hindi siya makapaniwala, pero bakas ang pagiging interesado niya.

"Nakita ka nila Drake sa kagubatan, patungo sa isa pang kaharian. Walang malay ka at namumutla, alam nilang wala silang pwedeng gawin sa prinsesa kaya't ayon tinawag nila si Mama, siya ang umakay sayo at nag dala dito. Si Lyn, nasa kabila siyang bahay ni Mama kasama ng magkapatid na Vaid." Sabi ko, napataas siya ng kilay. "Wala akong kilala sa mga pinagsasabi mong pangalan." Natawa ako ng bahagya sa kanyang reaksyon, nakalimutan kong gawin ang isa pang paraan. Gamit ang aking kapangyarihan tinanggal ko ang kanyang amnesia, dahil sa impact ng pagkatalsik niya noon nawalan siya ng alaala.

Hindi na ako nag salita pa at pinaalala sa kanya ang kanyang nakaraan, nakaraan na sa. Simula palang ay kasama na ako, totoo ang sinabi niya noon. Ako ang hindi niya kasundo ay dahil napapadalas ang pagiging isnabero ko sa kanya, mukha mang isip bata pero ayoko talagang lapitan ang prinsesa sa una palang dahil natatakot ako. "Si Flia." Biglang bulong niya, napalingon ako sa kanyang mga mata. "I-isa siyang kalaban hindi ba?" Tanong niya uli, agad naman akong tumango bilang kasagutan.

"K-kung kalaban siya anong ginagawa niya sa kaharian?" Tanong nito, natawa ako. "Ate nya iyon, si Flea... Nakababata mong kaibigan, mabait iyon kahit nasa lugar siya ng mga kalaban." Sabi ko, natigilan siya. "Kung ganoon ay kailangan nating malaman ang mga kakampi?" Tanong niya, tumango ako. "Wag kang mag alala, sila Demoneid ay kakampi... Kaibigan ko sila, matalik na kaibigan." Sabi niya, napangiti ako. Alam ko, alam ko ang lahat eh.

"Pero bat hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" Tanong niya, napakagat ako ng labi. "Pinag bawalan ako ni mama." Napapahiyang sabi ko, natawa siya. "Naiintindihan ko." Sabi niua at tumayo, hinila niya ako patayo. "Iensayo mo ko bilang ganti." Sabi niya at ngumisi, napalunok ako. "Hindi ko magagawa." Sabi ko at iniwas ang tingin, ayokong saktan siya. "Nasaktan mo na ako." Binasa niya ang isip ko, nag sisimula na siya.

"Ikaw ang partner ko sa prom hindi ba? Mukhang magiging masaya yon... Xander, bantayan mo ko ah?" Sabi niya, napangiti ako. "Hindi ako lalayo sayo stupid." Napabusangot siya at ngumuso, natawa ako. "Kahit kailan napaka sungit!" Reklamo niya, totoo naman. "Nung tayo naman ay hindi ka ganyan." Bulong niya pa at nag lakad paalis, natawa ako. "Edi balikan mo ko." Sigaw ko at nagteleport sa harap niya, nagulat siya sa ginawa ko.

"So pupunta ka bukas sa practice?" Tanong niya, tumango naman ako. "Mukhang ayos ah." Sabi niya at sabay na kaming bumalik sa mansyon, nag aalala ang magkakapatid ng bumalik kami. "O-okay ka na ba Lucy?" Tanong ni Drake, tumango naman ito. "Mabuti naman, hintayin nalang natin si mama." Sabi ni Genesis at lumapit kay Lucy, natawa si Emily. "Gusto kong makita si Lyn." May otoridad ang boses ni Lucy, mukhang gusto niya nga. "Mabuti pa, ilang araw ka na niyang hinahanap." Sabi ni Emily, napanguso si Lucy at mukhang nag iisip.

"Pag katapos ng klase bukas, samahan mo ko sa kanya." Nakatingin siya sakin, ako ba ang tinutukoy niya? "P-pero..." Mag dadahilan pa sana ako ng biglang mawala siya sa harap namin, jusq alam niya na ang kapangyarihan niya. "Samahan mo siya." Sabi ni Drake, tumango ako. Tumungo ako sa kwarto at namahinga, masyado akong naeexcite bukas.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon