E P I L O G U E

447 10 2
                                    

E P I L O G U E

Devilein
Kasalukuyan ako nag hahanda para sa bigating okasyon mamaya, si Flea, Sophia at pati narin si Jessica ang nag aayos sa lugar ng okasyon. Si Ina at Ama ay ang nagsisiguro sa kaligtasan ng lahat, ang mga kabalyero ay hinanda para sa biglaang digmaan kung may magaganap man. Si Zia at Elena, sila ang nag ayos sa mga pag kain. Ang mga Apprentice ang nag asikaso sa iba pa, hinihintay ko ang aking tatlong kapatid na ang tagal mag bihis ng kanilang susuotin.

Kanina pa ako inayusan ng ina ni Xander, hindi parin nawawala ang sakit dahil sa kniyang desisyon. "Ate, bat malungkot ka?" Tanong ni April, nginitian ko siya. "Wala naman, nasaan ang iba?" Tanong ko, napangisi siya. "Naka handa na ang lahat, tinakasan ka na ng mga kapatid mo at nanduon narin sila." Sabi niya, napatango ako. 'Pwede pa namang lumiban diba?'

"Prinsesa." Nagkaroon ng kakaibang tensyon ang buong katawan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon, nang lingonin ko siya. Kita ko ang pagmumugto ng kaniyang mga mata, ngumiti siya. 'Paano mo nagagawang ngumiti?' Napasapo ako ng noo at lumapit sa kanya. "Ilang araw kang wala, dahil ba umiyak ka mag damag?" Napabungisngis siya, napangiti ako.

"Hinihintay ka na niya." Ani niya, tumango ako at nag simulang mag lakad patungo sa venue. "Lucy." Wika ng nasa likod ko, nilingon ko siyang muli. Nakatanggap ako ng isang mahigpit na yakap, nag simulang tumulo ang luhang inipon ko. "Shhh, masisira. Huwag ka nang umiyak, masisira ang makeu mo." Nakangiting sabi niya, hinampas ko siya.

"hihintayin kita." Malambing na pag kakabigkas niya, naramdaman ko ng paglapat ng kaniyang labi sa akin. Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko, 'Hindi ko kaya.' "Lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari sayo lang ako nakapanig." Sabi niya at inayos ang mukha ko, nginitian ko siya at hinalikan ang kaniyang sintido. "Magkikita tayong muli, kabalyero." Saad ko at tuluyang tumungo sa okasyon, nakasalubong ko si Ina at ama.

Nag simula ang kanta, pinatugtog iyon ng isang kakilala. Si Henry, habang si Nate ang kumakanta. Nag simulang maglakad ang mga nasa isle, kami ang huli. Hawak ko ang kamay ng aking magulang, kita ko ang tuta at saya sa mukha ng lalaking papakasalan ko. 'Nagagawa niyang maging masaya sa kasinungalingan.' halos matapilok ako ng mag ihip ng kakaibang enerhiya ang hangin.

"Lein." Tawag sakin ni Dave, nginitian ko siya. Ang pagpanggap lang ang kaya kong gawin ngayon, ramdam ko ang sakit sa loob ko. Natapos ang okasyon ng hindi ko namamalayan, ang halik na binigay ni Dave ang lalong nag udyok ng pag iyak ko. Hindi ko pinakita na dahil sa lungkot at sakit ang dahilan non, lalo kong kinamuyian ang sarili ko. Binati kami isa isa ng mg bisita, "Mukhang masaya ang asawa mo hijo." isang kakilala.

Nginitian ko lang sila, wala akong kakayahan para mag salita ngayon. "Mag kita tayo sa tagpuan." Dinig kong bulong ng hangin na umihip patungo sa akin, boses ni Xander. "Dave, magpapalit lang ako." Nilingon niya ako at hinalikan ko sa pisngi, napalunok ako. Nginitian ko siya bago umalis, tumungo ako sa tagpuan ng pahintuin ko ang oras. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya, lungkot dahil sa naging desisyon.

"Lucy... Aking pinakamamahal na babae." Bati niya, ngitian ko siya at niyakap siya. "Hindi gugustuhin ng hari na makitang nag kakasala tayo sa misyon, kailangan natin sumeryoso." Wika niya, napatango ako. "Dito natin ititigil pansamantala ang ating pagmamahalan, naiintindihan mo ba prinsesa?" Tumango ako, pinipigilan ang pag luha muli. "Magiging masaya ka kay Dave, ramdam ko ang pag mamahal niya sayo." Saad niya at hinaplos ang aking buhok, ngumiti siya.

"Mag kikita pa tayo sa susunod, at sa susunod na iyon. Alam ko na ang gagawin, naiintidhan mo ba?" Sabi ko, tumango siya at niyakap ako. Nagulat ako ng biglang may humila sakin, si Dave. "Mabuti pa at umalis ka na Xander, may pinagawang misyon sayo si Henry." Tumango si Xander at nginitian ako, "Huwag kang mag tatangka saktan ang prinsesa... Ako ang makakalaban mo." Wika ni Xander bago umalis, natigilan si Dave.

"Lein, hindi ko kayang saktan ka... Pangako."

Sophia
—Ramdam ko ang lungkot mula kay Xander at Lein, miski ako ay nasasaktan sa naging desisyon nila. "Sophia." Tawag ni Nate, nilingon ko siya. "Pakasal na din tayo." Namula ako sa sinabi niya, gagong to. "Ano ka ba baka may makarinig!" Suway ko sa kanya, natawa siya. "Para makahanda din sila ng ganto." Sabi ni Nate, siniringan ko siya.

"So nakaplano na ng pagtatalik ng dalawa." Nakangiting sabi ni Luke, natawa ako. "Kailan ba hyung?" Tanong naman ni Takeru, nakaakbay kay Lyn. "Eh kayo ba kailan kayo mag sasabing kayo na." Asar ko sa kanila, ngumisi si Lyn. "Kami na hindi pa tayo nag kikita." kung ganon matagal na talaga sila, kahit kailan talaga. "Ingatan niyo mga kasintahan niyo, baka may umagaw. Lance, Jared tawagin na ang iba pang kabalyero." Mapaklang wika ni Xander, natawa ako.

"Palibhasa nawala si Lucy sayo." Nakangising wika ni Charles, "Manahimik ka kung ayaw mong agawin ko yang babae mo." Banta ni Xander. "Wag ganyan, alam naman naming para lang sayo si Lucy tas si ikaw para sa kanya." Sabi ni Flea, ngumisi si Xander. "Mabuti na at nag kakaintindihan, tara na." Sabi ni Xander at naglaho, sunodsunod nag laho ang mga Knights.

'Matutuklasan namin ang masakit na pagibig na nahinto.'

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon