IKA-DALAWANGPU'T ANIM

393 8 0
                                    

Ika-Dalawangpu't Anim na Misyon :
Kaharian Ng Mori Pt. 1

Devilein
—Nang ako'y magising mula sa aking mahimbing na pagkakatulog, wala na siya sa aking tabi. Na paupo ako at hinanap siya ngunit hindi ako nag tagumpay, panaginip lang rin siguro ang mga iyon. Tumungo ako sa banyo at naligo, ginising ako ng malamig na tubig. Matapos non, agad ako nag bihis at tumungo sa kwarto ni Flia.

Gulat siyang makita ako, gayundin ang kaniyang kasama. "Ngayon n ang huling araw dito s hotel, nakapag impake ka na?" Nangati ang tenga ko, ni hindi ko nga alam kung ano nangyari. Parang nakapasok ako sa isang mahikang mapanganib, kailangan ko mag ingat. Hindi ko matandaan ang mga pangyayari bago ako matulog, baka nga panaginip lang ang mga naaalala ko. Bumalik ako sa aking kwarto, nakakapagtaka man na wala siya dito nag simula ako mag empake.

Halos matapos ang pag eempake dumating ang kanina ko pa hinahanap, wala siyang kibo. Nawalan ako ng gana dahil panaginip nga lang ang mga iyon, isinara ko na ang aking maleta at inayos ang kwarto ko. Walang kibuan, ayun ang ginawa namin hanggang tawagin kami ng aming guro. Agad niya kaming pinasakay sa bus, at si Dave nanaman ang katabi ko.

Kakausapin ko nalang si Charles matapos neto, gusto kong malaman kung nong nangyari sakin. Napalingon ako sa gawi ni Xander, nakikipagusap siya sa katabi niya. Muli ako nakaramdam ng selos at iniwasan na silang tignan, bahagyang napansin ni Dave ang inaakto ko. Natigilan ako at tumingin sa labas ng bintana, nababanas nanaman ako sa paligid ko.

"Okay ka lang?" Bakas ang pag aalala sa kaniyang tinig, marahan akong tumango. Ilang oras ang lumipas, nakarating kaming muli sa aming eskwelahan. Pinauwi kami agad, pero mukhang may pupuntahan si Flia. Nang makarating sa bahay, sinalubong ako ng nag lalandian. "Ate, nakabalik ka na pala." Saad ni Lyn, tumango ako at dumaretsyo kay Charles.

"Nabigay ko na ng mga kwintas." Wika nya, natigilan ako. Wala na rin sa akin, baka nabigay ko na rin. Pero imposible wala akong maalala, nakatingin lang ko sa kaniya. "Nag kita kami ni Xander kanina." Napatulala ako sa kaniya, so ibigsabihin totoo? "Inalis niya ang ibang memorya mo para sa kaligtasan mo, malapit ka sa traydor na kakampi nung kilala ni Xander kailangan nya gawin iyon." Tumango ako, ginaaa niyang panaginip para malito kung sino mang traydor ang mag basa nang isip ko.

"May nasabi din siya tungkol sa traydor, kung anong kaharian ang tinitirhan nila. Kaharian ng Mori, pamilyar ba ito sayo?" Agad akong umiling, dahil ito lang ang unang beses na narinig ko iyon. "Duon nag mula ang dalawang traydor, nasabi niya sa akin na isang babae at lalaki iyon. Pero walang pangalan na nabanggit, kaya kailangan nating mag ingat lalong lalo ka na." Tumango ako, sino ba ang mga iyon.

"Gusto kong malaman, anong kinalaman natin sa Kaharian ng Mori?" Malumay kong tanong, napahinga siya ng malalim. "Marahil ako ay walang eksatong ideya pero ang sabi niya, tungkol ito sa isang trono. Mabuti pa't kay Xander ka mag tanong, nagkasundo naman kayo diba?" Tumango ako, pero paano ko siya kakausapin?

"Humingi ka ng tulong kay Takeru, pati kay Yamato. Kilala mo naman si Yamato diba?" Tumango ako, kabilang sa angkan ng Penelope. "Mauuna na muna ako, makikipag kita ako kay Genesis at Drake. Sasabihin ko sa kanila ang tungkil sa kwintas, at ikaw gawin mo ang gusto mo alamin mo kung ano ang meron sa Kaharian ng Mori." Nakuha ko naman kaya siguro agad siyang naglaho sa harap ko, tumungo ako sa sala.

"Takeru, sabihan mo si Xander na mag kikita kami sa eskwelahan mamayang gabi, eksatong alas otso." Agad siyang nawala sa harap namin ni Lyn, "Okay na kayo ate?" tanong niya. "May kailangan lang kaming pag usapan, kamusta ang lahat?" Tanong ko, ngumiti siya. "Okay naman ate, si Ina... Hindi siya lumalabas mula sa kaniyang kwarto." Napatango ako, mamaya ay kakausapin ko si Ina tungkol sa kaharian ng Penelope.

Nang makabalik si Takeru agad siyang ngumiti sakin, napataas naman ang kilay ko. "Nakuha niya ng impormasyon, ngunit pinapasabi niya na mag suot ka ng kaaya ayang damit mamaya." Para naman saan? Nakakunot noong tumango ako at tumungo sa kwarto para ayusin ang ilan sa aking mga gamit. Napatingin ako sa litratong nasa salamin ko, litrato namin ito na tinago ko. Napangiti ako ng bahagya, ngunit ng may mahagip ang mata ko sa litrato nawala ang mga iyon.

'Sino tong lalaking nakatingin sa amin mula sa malayo?'

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon