IKA-LABING APAT

546 16 0
                                    

Ika-Labing Apat na Misyon : bantay

Demonise

Nandito ako, nakakulong sa katawan nang aking kaibigan. Narinig ko ang lahat, pati yung tungkol sa pamilya niya. Totoo pala ang usap usapan noon pa man, ang traydor ay ang babaeng pumaslang sa katawan ko. Elena ang nakakabatang kapatid ni Reyna Devilyr, nakakatuwang pagmasdan na ang pag kakamali ng haring Lucifer ay katulad ng pagkakamali noon ni Xander. Inakala niyang ako ang may kagagawan non, siyempre ang kagagawan ko lang non ay gamitin si ang katawan ni Lucy para mahuli niya si Xander pag nagising siya.

Si Lucy lang ang tanging nag bigay interes sa pagkatao ko, nakakaloko man pero totoo. Kahit nang nasa sarili akong anyo nung may katawan pa ako, nandyan si Lucy para tulungan kami. Isa ako sa kalaban noon, traydor sa angkan ng ina ni Xander. Ang nanay niya ang nag patalsik sa akin sa puwesto, nasira ko kasi noon ang pribadong laboratoryo na pinagawa niya. Dahil sa pag kakamali ko pati ang mga magulang ko ay pinapatay, wala akong natirang kapamilya. Nakilala ko si Elena, nakakabatang kapatid ni Reyna Devilyr.

Ako ang nakahuli sa kanila ni Haring Lucifer, nag lalakad ako sa kagubatan ng Ottox nang matagpuan ko sila ng hindi sinasadya. Nakapatong si Elena duon sa hari habang hinahalikan ito, pansin ko agad yung paggamit niya ng buong lakas para hindi makagalaw ang hari. Naalala ko pa noon kung paano ko minapula ang kapangyarihan ni Elena matigil lang iyon, matalik na kaibigan ng aking ina ang reyna noon pa man. Kaya kung malaman man iyon ng reyna kung anong ginawa ng traydor niyang kapatid alam ko nang mapapahamak ang kaharian.

Binantaan ako ni Elena noon, papatayin niya daw ang pamilya ko. Natawa ako sa kalokohan niya, patay na ang mga magulang ko. Kita ko ang pananakit na ginawa ni Haring Lucifer sa kanya nang matulungan ko siya, halos maubusan siya ng hininga nang sakalin siya ni Haring Lucifer. Kung hindi dumating ang ama ni Dave, oo ang ama ni Dave. Siya ang katiwala ni Haring Lucifer, nakakapagtaka ba na konektado kaming lahat?

Nang makaalis ang hari at ang kanyang taga pagkatiwala, duon ako nilagutan ng hininga. Inihiwalay ako ni Elena sa katawan ko at isinunog ito, wala akong magawa noon para lang akong ligaw na kuneho sa malaking gubat. Kung sinabi ko ba agad sa reyna yon may sariling katawan parin ba ako, kung nag sabi ako sa mga tagapagkatiwala ng reyna maliligtas kaya ako? Itinuring akong traydor ng angkan ko, angkan kung saan din nag mula si Xander.

Nung mga aray na nagkamali si Xander, ako ang unang nakaalam. Duon... Duon ko naisip na magsabi ng totoo na gumawa ng tama. Ayokong makitang nag sasaya ang kaibigan ko dahil sa kasinungalingan, kaya ayun minapula ko ang katawan ni Lucy at sinundan ng palihim si Xander. Kitang kita namin ni Lucy, kung paano siya gumawa ng mali. Kung paano niya labagin ang batas ng kahit na anong kaharian ay ipinag babawal iyon, hindi dahil masama pero dahil sa isasakripisyo ng magiging bunga.

Bawal umibig ang bampira sa tao ganundin ang lobo sa tao, mortal na magkalaban ang tao at ang mga katulad namin na nakatira sa ibang mundo. Sa mundo na hindi maiisip na totoo, sa mundo na walang imposible. Ang kakaharapin ng magiging bunga ay ang malubhang karamdam na papatayin at bubuhayin at the same time, ganon kahirap. Pero sa loob ng maraming panahon wala pa akong naririnig na sumunod sa ganon na namatay na ilang daan taon nang nakakalipas.

Masasabi kong hindi ako boto kay Xander noon pa man, hindi dahil sa ginawa ng magulang niya sakin... Kundi dahil nararamdaman ko na may mangyayaring masama kung mag karoon ng bunga ang pagmamahalan nila, pero kung ayon man ang mangyari hindi na ako mag dadalawang isip na tumulong. Ngayon na kakampi pala ni Lucy ang mga Blackrebels, ang tanging problema nalang ay si Zia at Elena... Paano ko matutulungan si Lucy harapin yon, kailangan kong magkaroon  ng sariling katawan.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon