IKA-DALAWA

1.8K 43 0
                                    

Ika Dalawang Misyon : paghahanap

Devilein

Araw ng martes, nagising ako sa katok sa pinto. Nang mabuksan ko iyon, nakita ko nanaman si Xander. Hinayupak na to, saeap tirisin. "Bat nambubulabog ka?" Naiiritang tanong ko, like kasi naman eh ang sarap ng tulog ko may pasok pa ako mamaya gisingin ka ba naman ng alas tres ng madaling araw sinong hindi maiirita babalian ko ng buto. Ngumiti siya at naglabas ng pulang rosas, napaismid ako at sumiring. "Aanhin ko yan?" Sarkastikong sabi ko, napangisi siya. "Kainin mo." Pamimilosopo niya, hinablot ko sa kanya ang rosas at inosenteng pinagmasdan ito.

"Eh kung isaksak ko to sa puso mo nang masaktan ka din?" Inosenteng sabi ko, nagpapanggap inosente pala. Kasi naman eh, istorbo sa pagtulog. "Kakausapin ka ni Mama." Sagot niya, napanguso ako. "Pwede namang mamaya bat ngayon pa?" Tanong ko, napakibitbalikat siya. Sinundan ko siya kung nasaan si Mama, napatungo kami sa hardin ng mga rosas. Nandun si Mama, tahimik na nakaupo sa damuhin at mukhang malalim ang iniisip.

"Mabuti at ginising mo siya Xander." Sabi ni mama, ano nanaman ba kasing kalokohan to? "Ma, anyare sayo? Tignan mo ang langit ang dilim dilim, tas papagising nyo ko." Saad ko, gusto ko lang naman na matulog. "Hija." Bakas sa boses ni mama ang pag aalala, anong nangyayari? "May nag hahanap sayo, mag ingat ka. Kailangan mong itago ang emosyon mo sa lahat, maliban saamin. Patawarin mo ko pero ito ang madaling paraaj para maging ligtas ka, naiintindihan mo ba?" Kumunot ang aking noo sa sinasabi niya, ano bang naghahanap?

"Ano ba yung nag hahanap?" Tanong ko, napalingon si Mama kay Xander. "Katulad namin sila, mga bampira, lobo. Mag iingat ka, delikado sila." Sabi ni mama, bampira at lobo? "Teka ma, paano naman ang mga kaibigan ko? Babaguhin ko basta basta ang nararamdaman ko?" Tanong ko, biglang sumingit si Xander. "Magaling ka sa pag sisikreto at pagpapanggap ng nararamdaman mo, gawin mo yon. Wag mong saktan ang sarili mo, nandito kami handang protektahan ka." Napatahimik ako, kung ayon ang gusto mo.

"P-pero ma, paano sila Demoneid?" Tanong ko, napatungo si mama. "Kabilang din sila sa kailangan mong sikretuhan, Lucy kailangan mo maging ligtas." Sabi ni mama, naiintindihan ko naman. "Masusunod mama, d-dito na ba sila Xander Ma?" Tumango si mama sa tanong ko, kung ganon hindi na siya aalis. "Mayamaya ay tutungo ako sa palasyo ng Chezain, dito lang sila Xander para bantayan ka." Tumango ako, so siya nanaman pala. "Sige na ma, mag pahinga ka na." Sabi ko at niyakap siya, hindi sila ordinaryo. Tanging ang alam ko ay iba ako sa kanila, ibang iba.

Bumalik ako sa kwarto ko at nakasunod sakin ni Xander, kailangan kong mag panggap. Isikreto ang aking emosyon at nararamdaman, madali lang sakin yon dahil minsan ay nagawa ko na iyon sa kanya. At gagawin ko ulit iyon, paniniwalaan nyang iba na ang mahal ko. "Lucy..." Tawag nya, tinignan ko siya ng pagkainosente at kwinekwestyon siya. "P-pwede bang bumalik tayo sa dati?" Ngumisi ako sa tanong niya, at talagang tinanong niya iyon. "Anong dati? Yung panahon na una palang tayo nag kakilala? Pwede naman... Ikaw naman kasi ang di ko pinagkakainteresan non, pwedeng pwede." Sagot ko at ngumisi, nanlumo ang kanyang mukha.

"Y-yung kung saan nagsimula ang tayo sa ating dalawa ang tinutukoy ko." Sabi niya, napangiti ako at napailing. "Ang isang Xander Davis nauutal, that's new." Sabi ko at ngumisi, napalunok siya at umayos ng tayo. "Lucy, im serious here." Sabi niya, napakuyom ang palad ko. "Bat ka babalik sa nakaraan kung pwede namang magsimula ulit sa kasalukuyan, gahd napaka seryoso mo." Sarkastikong sabi ko at tumungo na sa kwarto, gusto kong matulog pero hindi ko magawa.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon