Kabanata 1

4K 62 5
                                    

Chapter 1 : mundo ng mortal

THIRD PERSONS'S

Madilim na ang kalangitan nang makarating sa patutunguhan ang anim na binata na nag mula pa sa kaharian o sa mundo ng imortal; napagdesisyonan nila na manatili muna sa lugar kung nasaan sila ngayon, hinihintay ang pagsundo ng isa sa mga taga bantay ng lagusan nang kaharian.

Ilang minuto ang lumipas nagpakita ang babae na hinihintay nila, ang kaniyang maputlang balat at buhok ang nag pukaw sa atensyon ng anim. Si Sophia Belle Pinkair, isang taga-pagbantay ng kanlurang lagusan.

Agad siyang binati ng binatang si Nathan Evans, na sinundan nang lima. "Magandang gabi, nakakagalak na makita kang muli." Wika ni Nathan, tipid siyang nginitian ni Sophia.

"Mukhang gusto niyo na rin mag pahinga, halina kayo ng makapagpahinga na kayo. Naghanda ang iba para sa makakain niyo, tuwang tuwa si Janella nang malaman niyang paparating na kayo." Malumay na saad ni Sophia at sinimulang maglakad; agad rin siyang sinundan ng anim.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay sinalubong nang ngiti ang mga lalake mula kila Jessica, Janella at Demoneid na agad silang niyakap at binati. "Parang isang munting reuniln ang nangyayari ngayon, ngunit hindi pa tayo kumpleto. Wala pa ang prinsesa at ang kapatid ni Luke." May bahid na lungkot ang boses ni Janella ng sabihin niya iyon.

"Hindi ko lubos maisip na may makakasama tayo rito, nakakatuwa!" Masayang saad ni Jessica habang nakain. Napangiti naman si Zylo at Justine rito, "Nabanggit din ng reyna na ipapasok namin kayo sa isang paaralan; duon din kami nag aaral kaya wag kayong mag aalala." Masiglang wika ni Janella.

"Aasahan namin yan Janella, nakakamiss din yung pagkakaroon natin ng tropa sa loob ng eskwelahan katulad dati sa Academy sa kaharian." Nakangiting sabi ni Nate, bilang nakakatanda sa lahat siya ang nanatiling kuya.

"Ngunit nakakapagtaka naman na wala kayong mga karelasyon rito." Hirit ni Kurt, natawa ang mga kababaihan. "Mahigpit na pinagbabawal iyon nang reyna, mapaparusahan sino man ang magkaroon ng karelasyon sa mortal" pagpapaliwanag ni Sophia, napakamot naman sa batok si Kurt.


"Balita ko nga ay nakapag tapos na kayo at ito ang una ninyong misyon sa labas nang kaharian, asahan niyong makakatulong kaming tatlo." Sabay-sabay na sabi ng mga babae. Maya maya ng matapos sila ay pinaakyat na sila ni Sophia sa ika-tatlong palapag ng bahay upang makapagpahinga.






DYLAN'S POV

Nang makarating ako sa matutulugan kong kwarto, agad akong namangha sa disenyo. Ang kasimplehan at pagkaelegante; miski ang kama ay halatang komportable. Nag ayos ako ng aking gamit at may nakitang naka paskil na litrato sa dingding, litrato ito nila Jessica at Janella, Sophia at isang kaibigan nila.


Lahat sila ay nakangiti, bilib ako sa angking kabaitan nila at hindi sila nahirapan manirahan sa lugar ng mga mortal. Maya maya ay nakadinig ako ng katok mula sa pintuan, pumasok si Sophia mula rito.

"Ano ang maitutulong ko?" Tanong ko, tinitiklop ko ang aking mga damit. Napangiti siya at tinulungan ako sa aking gawain. "Nasabihan ko na ang iba, bukas nang umaga ay maaga tayong aalis. Ieenroll namin kayo sa paaralan namin, mababait mga tao doon wag kayo mag aalala." Pagpapaliwanag niya, ngumiti ako at tumango.

Kinabukasan, maaga kaming nagising nang puntahan kami ng magkapatid na si Jessica at Janella. Sabay sabay kaming nag almusal bago pumunta sa kanilang eskwelahan, matapos non ay nag lakad patungo sa eskwelahan nila.

"Sa eskwelahan namin itatrato kayo bilang mataas pag nalaman nilang malapit kayo sa amin, dahil narin kaibigan namin ang pinakamataas sa lahat na nag aaral rin roon." Ayun siguro yung kaibigan nila na nasa litrato den.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon