IKA-TATLO

1.3K 32 2
                                    

Ika Tatlong Misyon : prinsesa?

Sophia

Maagang nag simula ang sumunod na klase, nag hiyawan ang mga lalaki ng pumasok ang tatlong naggagandahang binibini. Hindi ko parin maalala ang nangyari kagabi, wala pa si Lein ngayon dahil for sure malelate siya. Nakakapagtaka kung bakit biglang nag laho ang ilan sa mga memorya ko, ang pag kakaalam ko kasi ay lumabas ako ng bahay kagabi pero hindi ko alam kung saan ako nag tungo. Ayaw ko man kausapin ang aking mga kasama dahil baka pagisipan nilang kagagawan yon ni Lein dahil imposible yon, hindi siya katulad namin.

"Im Flia Stacy Mccullen, nice to meet you." Malambing na saad ng isa sa mga bagong babae, nang matapos si Sandy at Sulli ay nag simula ang klase. Mukhang hindi papasok si Lein ngayon ah, nakakapagtaka. "Uy Sophia, bat wala nanaman si Lein?" Tanong ni Dave, napa kamot ako ng batok. "Hindi ko alam eh." Napapahiyang sabi ko, napakagat siya ng labi. "Ganun ba?" Sabi niya at bumaling na sa pisara, napapansin ko ang madalas na pag tatanong niya tungkol kay Lein.

Pero bawal kami mag mahal ng tao, nakakamatay iyon. "Hindi mo naman siya gusto diba?" Tanong ko, napaubo si Zylo bigla. "Sus, selos lang to." Sabi ni Janella at ngumisi, natawa ako. Kahit kailan tong dalawa hilig mangasar, nang matapos ang kalahati ng buong school hours ay lunch na. Hindi namin inaasahan ang pag aalok ng bago naming kaklase, nakakapagtaka lamang. "Pwede ba?" Tanong ni Flia, nakatingin siya Kay Dave. Weird, now she's the weird girl here.

Matapos naming kumain ay pati pag uwi ay sumama siya, now this is freaking weird. Pumayag si Dave ewan ko kung bakit, baka tingin niya rin eto ang Prinsesa. Nang umuwi si Flia agad kong kinausap ang kasama, weird talaga yung babaeng yon. "I've seen someone weird in the campus." Sabi ko, napalingon silang lahat sakin. "FLIA!" sabi namin ng sabay sabay, so parehas pala kami ng nalalaman. "Pero paano natin mapapatunayan iyon?" Tanong ni Kurt, napaisip ako. "Sino ba ang pinakamatalik na kaibigan ng prinsesa dati? Alam ko si Kou yon at Kurt pero what if nag ka amnesia siya!" Tanong ko, napatingin kaming lahat lay Kurt.

"Then we should ask her tomorrow, so we dont have to worry." Sabi ni Nate, tama siya. Tanong lang ang pwedeng masagot, dahil kung hindi tinatanong ang tanong lalo na hindi sinasagot ang sagot. "Pero im really confuse, two days nang absent si Lein Sophia." Sabi ni Demoneid, hindi lang naman siya ang nag tataka. "Eh kung puntahan natin ang bahay nya?" Tanong ni Luke, napa isip ako. "Imposible, nakalimutan ko ang daan patungo doon." Sabi ko, napamaang naman si Janella. "Pero detailed ang pagkakasabi ni Lein sayo non ah, ayon pa ang kwento mo." Sabi ni Jessica, I know pero someone remove some of my memories.

Gulat silang lahat ng mabasa ang isip ko, im serious. "Pero pumunta ka doon kagabi ah, paanong makakalimutan mo?" Tanong ni Demoneid, hindi ko alam. "Hindi ko nga matandaan ang lugar eh, parang may kung sinong nagtanggal ng memorya ko." Sabi ko, nag taka naman sila. Well hindi ko sila masisisi dahil pati ako ay nag tataka, what if si Lein talaga ang may gawa?

"Dont you think?" Tanong ko, napaisip naman yung mga babae. "We never have a chance to read her thoughts, like naka block yon agaisnt satin. She's also weird, maybe." Sabi ni Demoneid, is she really the princess or its Flia? Napagdesisyonan naming mamahinga, nang makahiga ako mayamaya may naalala ako. Xander, tama ayun yung ex ni Lein! Teka paano ko naman naalala iyon? Bat bumalik bigla, napawalang bisa ba ang kapangyarihan ni Lein?

Devilein

"Just end that spell." Pag pilit ko kay Xander, yes tinutukoy ko yung ginawa niya kay Sophia. "Pero para narin sa kaligtasan mo yon." Sabi niya, tinarayan ko siya. Wala siyang nagawa kundi sumunod, tinigil ang mahika na ginamit kay Sophia. "Dont you ever do that again." Sabi ko, tumango siya ng nanlulumo. Hindi ko kayang tiisin ito, napanguso ako. Inangat ko ang kanyang mukha, nakakapag taka. "Wag kang umarte ng ganyan, gwapo ka lang pero hindi ka babae." Sabi ko, ngumiti siya at biglang niyakap ako.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon