IKA-LIMA

927 23 0
                                    

Ika Limang Misyon : Ang mensahe

Third Person

Sa laboratoryo sa loobg ng mansyon nila Devilein bumalik ang kanyang kinakapatid na panganay, si Genesis isang katulad ni Xander, magaling sa medisina at potion. May lumitaw na isang mahika, gayundin ang isang matandang babaeng may hawak ng baston. Siya si Miranda, inaasahan ng lahat sa kaharian ng Chezain pag dating sa pagpapagaling. "May mensahe si Henry." Batid ni Miranda ito ay importante kaya't napapunta sa mundo ng mga mortal ng walang pasabi, nag angat ng tingin ang binata sa kakilala ng ina.

"Ano ang iyon tita?" Tanong ng binatang si Genesis, nag aalala sa kung ano man ang mangyari. Ang ina ni Henry Lim ay kilala sa palasyo o buong kaharian sa kanyang angking lakas sa pagtingin sa hinaharap, kailangan itong masunod ayon sa propesiya. "Ikinalulungkot ko aking pamangkin, kailangan ipakilala ang kanyang tunay na pagkatao." Bakas ang kaba sa boses ni Miranda, napalunok sa kaba naman ang kanyang pamangkin.

"P-pero tita, pinagbawalan ako ni Ina na sabihin ang totoo sa kanya." Batid niya ay ang sikretong iyon ay bawal ibunyag pag wala pa siyang natatandaan sa kanyang nakaraan, iyon nalang ang natatanging paraan na hindi masaktan ang kanyang kaibigan. Napayuko ang matanda at umiling, nagbakasakali si Genesis na maaari pang mag bago ang propesiya pero hindi ito pwedeng mag bago. "Kinakailangan itong gawin, para sa ikabubuti ng lahat." Sabi ni Miranda bago tuluyang mag layo, nag bukas ang dalawang nagtataasan na pinto ng labotoryo ng pumasok si Emily, nakakabatang kapatid ni Genesis na sumunod kay Drake.

"Narinig ko ang usapan, ako na ang bahala ipaliwanag ang lahat." Humihingi ng pahintulot sa nakakatandang kapatid, naestatwa naman si Genesis at pinagmasdan si Emily. "Pero Emily, wala tayong pahintulot mula kay Ina." Sabi ni Genesis, maya maya ay lumitaw ang pangalawang panganay na si Drake. "Alam na ni Ina ang lahat, hyung wala na tayong ibang gagawin kundi umamin. Hindi lagi kailangang ibulgar ang lahat ng sikreto, kailangan nating mag dahan dahan maibalik lang ang kanyang memorya." Sabi ni Drake, napahinga ng malalim si Genesis bago tumango.

"Paano kung mairita siya at magalit saatin, maaaring saktan niya tayo." Sabi ni Genesis, bakas ang takot sa kanyang mga mata. "Kuya, kita mo naman ang pagiging Ina ni Lucy sa kapatid nating si Mandy. Hindi niya tayo masasaktan, nandyan si Xander siya ang makakatulong saatin." Sabi ni Emily, napatango naman sila. Tumungo ang tatlo sa silid ni Xander, dinatnan itong nakatulala sa beranda. "Xander." Malumay na pagbigkas sa kanyang pangalan, napalingon si Xander sa tumawag at lumapit.

"Ano iyon?" Tanong nito, nandoon ang otoridad sa kanyang boses na kinakatakutan ng nakakababa. "Kailangan nang sabihin." Natigilan saglit si Xander sa pag sabi ni Emily nang isang gagawin, hindi niya alam ang dapat sabihin. "Ako na ang bahala, pero paano kung mawala siya sa katinuan at sumama sa kasamaan?" Tanong nito, natawa ng bahagya si Drake. "Kilala mo si Lucy, hindi niya kayang iwan ang mahal niya." Namula ng bahagya ang pisngi ni Xander sa sinabi ng dalaga, agad na napuno ng tawa ang kaniyang kwarto.

"Kung ganon ay gagawin ko, mabalik lang siya." Malumay na sabi ni Xander, tumango ang tatlo. Napatayo si Xander at tumungo sa kwarto ni Devilein, natigilan siya sa harap ng pintuan ng silid. Nag dadalawang isip kung papasok o hindi, napahinga siya ng malalim, kumukuha siya ng lakas ng loob bago kumatok. "Maaari ba kitang makausap, tungkol sa iyong nakaraan."

Janella

Nang makarating ang propesor, nagsibalikan ang mga esudyante sa kanilang upuan. Inilahad ni ser ang isang papel, tungkol ito sa isang okasyon tuwing pebrero. Isang sayawan at eleganteng okasyon para sa mga estudyante ng paaralan, merong gaganaping engradeng party sa ika-16 ngayong buwan. "Bukas ng tanghali namin ipapaalam ang inyong magiging kasama sa party, iyon na ang magiging kapartner nyo pero maaaari naman kayong magsayaw ng iba." Paninimula si Ser, napakunot naman ang noo ko. Interesado kung sino ang magiging partner ko sa gabing gaganapin iyon, sana ay si Zylo nalang para hindi nakakailang.

"Ser, bat hindi ho pumapasok si Lein?" Tanong ng isa sa mga kaklase namin, nakakapag taka man pero ayun din ang gusto kong maitanong naunahan lang talaga ako. "May dumating silang bisita mula sa probinsiya, napaka gwapong binata." Nakangising sabi ni Ser, ikinatili ng ibang dalaga. "Hindi kaya't ayun yung ex ni Lein na tinutukoy ni Ser?" Tanong ni Ate Jessica sa akin, napakibitbalikat ako dahil ako mismo ay hindi ko alam.

"May pupuntahan silang lugar ngayon, at bukas pa ang balik. Sa isang araw pa malalaman kung sino ang partner niya, hindi na ako mag tataka kung pati yung binatang nag paalam ay sasali." Sabi ni ser, nag bulungan naman ang mga binata. "Ser, eh wala naman kaming nababalitaang may boyfriend si Lein!" Sigaw ng isang lalaki, mukhang nabihag ni Lein ang kanyang atensyon.

"Hindi imposibleng meron, maganda si Lein hindi na nakakapagtaka kung meron man siyang nobyo." Sabi ni Ser at nag simulang mag turo, kung alam siguro ni ser ang totoo hindi niya iyon masasabi. "Uy, Neid. Talaga bang may boyfriend na si Lein?" Tanong ni Zach, isa sa mga kaklase naming may gusto kay Lein. "Hindi ko alam eh." Sabi ni Demoneid, jusq lakas ng tama. "Mas maganda siguro kung ako ang partner niya ng gabing iyon diba." Sabi ni Zach, bahagya akong natawa.

"Taas ng pangarap natin tol." Asar ko, ngumiti siya. "Minsan lang makapartner wag naman ipagkait." Sabi niya, natawa ako. "Ganyan ba talaga pag minamahal mo ang tao? Grabe ang lakas naman ni kupido pumana." Sabi ko, natawa siya at napailing. Nang matapos ang klase ay pinatawag si Demoneid at Sophia kaya't kinailangan naming manatili sa silid para hintayin sila, nakakabagot man pero kailangan.

"Sino kaya ang magiging kapartner ko?" Nakangusong sabi ni ate Jessica, jusq. "Si Justine partner mo ate." Asar ko, nanahimik ako ng bigla niya akong hampasin ng libro. "Ano namang masama duon?" Tanong ni Kuya Nate, oo nga anong masama? "Eh kasi naman eh nakakasawa kaya mga mukha niyo." Sabi ni Ate Jessica, natawa ako. "Gwapo naman sila pero nakakasawa nga." Pandadamay ko kay Ate, jusw ang saya talaga mangasar, maya maya lamang ay dumating na sila ate Sophia.

Pinatawag daw sila dahil may ipapartner sila kay Lein, tama ang sabi ni ser. Si Xander na ex ni Lein iyon, nakakapagtaka kung paano niya nagawa iyon. Napauwi kami sa bahay at agad na nag salosalo sa kainan, bukas hindi papasok si Lein, nakakabagot pag wala siya. "Si Flia ang partner ko." Natigilan kami sa sinabi ni Dave, paano naman niya masasabi? "Nabasa ko ang isip ni ser." Sabi ni Dave, kaya pala. "Edi masaya ka?" Sabi ni Luke, umiling si Dave. "Malay ko ba." Sabi neto, nang matapos kami kumain ay dumaretsyo kami sa sarisariling silid at natulog

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon