IKA-DALAWANGPU'T ISA

416 15 0
                                    

Ika Dalawangpu't Isang Misyon : Pagsisimula

Devilein

—Maaga kaming pumasok ni Flia, sa hindi malamang dahilan. Nakakapagtaka nga dahil pati sila Charles at Flea ay pinipilit din kaming pumasok ng maaga, siguro ay may pinaplano na din sila. Napabugton hininga ako, naalala ko kung paano isakripisyo ni Takeru ang tiwala ng kabil makapiling lang si Lyn. Kung ganon din siya wala na akon ipoproblema pa, nakakanabas.

"Magandang umaga." Bati mula kay Dave, ngumiti ako at napabati pabalik. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nakatingin sa amin, nasasaktan kaya? "Magandang umaga." Bati ng profesor namin, napatayo kami at bumati pabalik. "May maganda akong ibabalita, mukhang gusto niyo ngang makioperate sa magiging event." Napataas naman ako ng kilay, ano nanamang kalokohan ito?

"Mag kakaroon ng field trip sa isang hindi masyadong kilalang gubat." Sabi ng professor, gubat? "Duon ko na ipapaliwanag sa bus, may dalawang oras kayo para mag handa, maari din kayong umuwi. Ang call time ay alas dose ng tanghali, dismissed." Napaunat ako at napayakap sa desk ko, nakakabored. "Ano uwi tayo?" Tanong ni Flia, nilingon ko siya at tumango. "Bili tayong maraming pagkain." Tumango ako muli at huminga ng malalim bago tumayo, napalingon ako kay Dave. "Tabi tayo ah." Bulong niya, napatigil ako sa paglalakad.

"Sure." Wika ko at lumabas na, napabungisngis ako. Agad kaming tumungo sa bahay at inimpake ang mga gamit, pati ata pagkain nilahat namin. "Saan kayo pupunta Ate?" Tanong ni Lyn, napalingon ako sa kanila. "Mukhang nagkakamabutihan kayo." Banggit ko, napangiti siya. "Mukhang ganun na nga, pero ate gusto kong sumama." Sabi ni Lyn, napailing ako. "Hindi pwede, nandun sila Zia." Sagot ko, napabusangot siya.

"Tatawagin kita para makapunta ka." Napangiti siya at niyakap ako, natawa ako. "Mag iingat ka." Sabi ko, tumango siya. "Dont you worry, Takeru's with me." Sagot niya, natawa ako ng bahagya. "I know, but he betrayed them. He might be in danger too." Sabi ko, napalingon siya kay Takeru. "Nandun naman kami ni Flia, dont worry." Tumango siya, agad kaming bumalik sa school. Wala pa ngang alasdose, matagal din kaming ng impake kaya inabot kami ng isa't kalahating oras.

Pumasok na kami sa bus, nandun kami sa pangalawang dulo ni Flia. "Katabi mo nga pala si Dave, how naughty." Sabi ni Flia at lumipat sa harapan ng kalinya ng upuan ko, para daw kita niya kami. May mga nag sipasok na mga estudyante, ang isa ay napatigil pa nang makita ako. Ngumisi ako, akmang uupo siya sa tabi ko ng may nagsalita. "Xander dito tayo." Sabi ni Zia, huminga siya ng malalim at umupo sa likod na upuan ni Flia at Zach. Dumating na rin si Dave at umupo sa tabi ko, nakangiting binaba ko ang bag ko sa paahan.

"Gusto mo?" Pag aya ni Dave, may inilabas siyang pringles. Tumango ako, binigay niya sa akin yon at agad ko namang binuksan. "Flia." Tawag ko at binigyan din siya, agad naman siyang kumuha. "Sino nag bigay?" Tanong niya, tinuro ko si Dave at napangiti. "Okay class." Napaupo kami nang ayos at tumungin sa harap, hindi naman makatingin si Dave dahil masyadong mataas ang upuan sa harap namin. "Palit tayo ng pwesto?" Tanong ko, tumango naman siya.

Sa pag palit ng pwesto namin agad kong inilabas ang cellphone ko at isinalpak ang headphones, isinuot ko iyon ay inayos ang hoodie jacket ko. "Sabihin mo nalang sakin ang gagawin mamaya." Tumango si Dave at pinahiram yung neck pillow niya, agad ko namang ginamit iyon. "Isa't kalahati daw ang byahe." Sabi niya, ngumiti ako at umidlip. Pero sa ginawa niya lalo akong naging komportble sa upuan ko, isinandal niya ang ulo ko sa kanyang balikat para magsilbing dantay.

"Gigising nalang kita pag nandun na." Ngumiti ako at tumango, nakatingin ako sa labas at pinagmamasdan ang tanawin. Saan kaya kami tutungo? Sana maayos doon. Maya maya narinig ko ang boses ni Flia, gumagamit siya ng mahika niya. "Mag hahanap daw tayo ng libro, may inihanda si Kuya Charles na mga kwintas. Labing isang kwintas ang kailangan nating hanapin, mukhang mahihirapan tayo." Napalingon ako sa kanya, nakasandal din siya kay Zach at nakatingin sakin.

Nang magising ako sa boses ni Dave, dali dali kong tinanggal ang head phones at ikinusot ang mata. Tinanggal ko ang neck pillow mula sa leeg ko at binalik sa kanya, nilagay ko na uli sa bag yung headphones ko at tumingin sa labas. "Malapit na tayo." Sabat niya, ngumiti ako at tumango. Inilabas ko ang isang carbonar mula sa bag, nagugutom talaga ako. Inalok ko si Dave pero mukhang busog pa. Nang maubos ko iyon ay saktong natapos ako, ibinalik ko ang container sa isang bag ng mga basura.

Tumayo kami ng pahintulutan na kami, nang makalabas ay napaunat ako. Ano naman kakayang mangyayari, napalingon ako sa likod namin. Isang engrandeng gintong gate, at sa likod non. Nandun ang hindi kaayaayang gubat, forest of death. Paanong nabuksan ito?! Ang pagkakaalam ko ito ang lugar kung nasaan si Evelyn. "May naganap na digmaan dito noong panahon, naniniwala ang mga taong malubha ang naging pinsala. May mga kwintas na naiwan dito, kwintas na pwedeng ibente at pagkitaan." Banggit ng professor namin, napangisi ako.

"Ang inyong misyon ay maghanap ng kwintas, sa abot ng inyong makakaya."

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon