IKA-APAT

1.1K 24 0
                                    

Ika Apat na Misyon : Pagtatapat

Demoneid

Bagong umaga ang sumibol, nang makapasok kami sa aming eskwelahan nakita namin si Lein. Mukhang kami ang hinihintay niya, nakakapagtaka man pero hindi na ako mag dadalawang isip na puntahan siya. "Babae ka bat ngayon ka lang?" Pekeng galit ang diniin ko doon, nakakatuwa lang dahil dalawang araw siya wala. "Patawad, may inasikado lang." Natatawang sabi niya, nginitian at binati niya rin ang ibang kasama. Natigilan bigla si Dave, napakunot ang noo ko sa kanyang reaksyon.

"Kamusta?" Tanong ni Lein sa iba, napangiti silang lahat vilang tugon dito. "May bago daw tayong kaklase?" Tanong nito sakin, agad naman ako tumango. "Talaga, nakakaexcite." Sa tono niya ay kabaliktaran iyon, parang pilit pero hindi. Nang makapasok kami sa silid namin ay nakaupo si Flia sa upuan ni Lein, nakakunot lang ang noo ni Lein habang nakangiti. "Paunmanhin pero may nakaupo na diyan." Sabi ni Lein, halata ang pagkagulat sa mata ni Flia. Wala siyang nagawa kundi tumayo, agad naman kaming umupo na rin sa aming pwesto.

Dumating ang iba pa pati narin ang propesor, nag simula ang klase sa oras ng alas otso ng umaga. Nang mag lunch break ay hindi inaasahang hilain ng dalawa ding bago si Lein, mukhang mag kakilala sila. "Teka, bago ko makalimutan. Sila si Sandy at Sulli, pinsan ng kaibigan ko. Mukhang kilala nyo naman sila, kayo naman sila ang mga kaibigan ko dito, si Sophia, Janella, Jessica, Demoneid, Kurt, Dave, Luke, Nate, Zylo at Justine." Pag papakilala ni Lein, ngumiti ang dalawa saamin at bahagyang tumungo.

"Eh siya Lucy, sino siya?" Tanong ni Sulli at bahaguang tinuro si Flia, pero ang pinagtataka ko ang pagtawag sa kanya ng Lucy. "Teka, Lein bat Lucy ang tawag niya sayo?" Tanong ni Janella, napabungisngis ng bahagya si Sandy. "Kala ko ay kaibigan kayo, bakit hindi nyo alam ang buong pangalan niya." Simpleng sabi ni Sandy, natawa ako. "Devilein Enrile diba?" Sabi ko, umiling si Sulli. "Devilein Lucy Enrile siya." Natatawang sabi ni Sandy, kaya pala puro Lucy.

"Lucy." Maya maya may tumawag na lalaki kay Lein, napalingon kami sabay sabay. "I-ikaw?!" Biglang sabat ni Sophia, bahagyang nanlaki ang mata ng lalaki ng makita si Sophia. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lein, ngumisi lang ang binata at hinila siya paalis. "Hoy saan mo dadalhin ang kaibigan namin!" Sigaw ko at pahabol na sinundan sila, tumigil sila sandali. "Wag kang lalapit sa babaeng yon... Siya yung isa kagabi, delikado siya." Dinig kong bulong ng lalaki kay Lein, sino ba? "Mas delikado ako sa kanya kung hindi ka titigil." Napalunok ako, ano ang ibig niyang sabihin?

Sophia

Siya nga yung lalaki, si Xander... Ang naging nobyo ni Devilein noon, gwapo, may magandang maitim na mata at napakaganda ng katawan. "Sophia, kilala mo siya?" Tanong ni Dave, napatango ako. "Sino siya?" Inosenteng tanong ni Flia, nginitian ko siya. "Yung lalaki o yung babae?" Tanong ko, ngumiti naman siya. "Pareho." Matipid na sagot, bakas ang pagtataka sa kanyang mga mata. "Si Devilein Lucy Enrile, ang pamangkin ng principal natin. Tapos naman yung lalaki naman ay Xander ang pangalan, nobyo noon ni Lein." Sabi ko, biglang tumango naman si Flia.

"Bakit mo natanong?" Sabi ni Zylo, napalingon sa kanya si Flia. "Masama ba mag tanong?" Sabi ni Flia, napangisi si Zylo. "Pag galing sayo ay oo." Sabi ni Zylo, napamaang si Flia at napaiwas ng tingin. "Zylo, tama na yan." Sabi ni Janella, binalewala naman nito ang dalawa. Bumalik si Demoneid, malalim ang iniisip. "May problema ba?" Nag aalalang tanong ko, napanguso si Demoneid. "May iba akong nararamdaman, umuwi na tayo." Tipid na sabi niya at kinuha muna namin ang gamit bago tuluyan nang umuwi, nag paalam naman si Flia na maiiwan siya sa school.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon