IKA-LABING ANIM

465 12 2
                                    

Ika Labing Anim na misyon : paghahanap sa libro

Devilein

—Nang makarating ako sa silid-aklatan, namangha ako sa ganda ng luhar na ito. Ito ang unang beses kong pagpunta dito, nakakamangha ang bawat librong makikita mo. "Lucy." Halos mapatalon ako sa gukat nang sumulpot si Xander, tinignan ko siya ng masama. "Kailangan mong malaman ang nakita ko." Sabi niya, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Kilala ko na kung sino ang traydor." Natigilan ako, k-kilala niya na? "Sino naman?" Halos walang interest kong sabi, ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Sasusunod ko na sasabihin, anyway what are you doing here?" Halos pabulong niyang sabi, ang kanyang mga kamay ay nakayakap pa rin sa akin. "Im the one should ask you that." Mataray na sabi ko, tinanggal niya ang pagkakayakap at bahagyang ngumiti.

"Ano... Yung... Traydor kasi sinusundan ka kanina, timing na binabantayan kita kaya sinundan na rin kita." Pag papaliwanag niya, natigilan naman ako. Ako? Sinusundan ng traydor. Nandito siya? Traydor nga diba hindi natin alam kung kalaban o kakampi. "Sabihin mo kung sino siya." Utos ko, umiking siya. "Ayoko, masasaktan kita." Sabi niya at bahagyang umatras, napaismid ako sa kanya. "I comand you to say who that person is!" May otoridad sa boses ko, ramdam ko ang takot kay Xander.

"Babe, let's just talk about this some other time... I'll help you find what you're looking for, please." Napatango ako at bumugtonghininga, tumango ako at nag tuloy sa paghahanap. Ni hindi ko nga alam kung anong kulay ng libro, paano ko kaya mahahanap iyon? Isang dakilang libro yon, maaring nasa pinaka gitna o naka sealed. "Ano bang hinahanap mo babe?" Kinilabutan ako sa tinatawag niya sa akin, paano ko na matutuloy ang plano sa ganto?!

"Libro." Sabi ko, natigilan siya. "Yung l-libro ba kung saan binanggit ang isang dosena na lalaki na tutulong sa prinsesa?" Ako naman yung natigilan, bat alam niya yon? "Wala dito yon, nasa villa namin... Kami ang nagtatago non, bat mo hinahanap?" Tanong niya, napakagat ako ng labi. "Kailangan kong malaman kung ano ang nasa libro na yon." Sagot ko, napangiti siya. "Then let's go to our villa." Wika niya at hinawakan ako sa kamay, sa isang iglap napunta kami sa harap mismo ng bahay nila.

This is actually my first time going here, its too far from our castle. "Papakilala kita kila mama." Saad niya at hinila ako papasok ng bahay, ngunit nakaramdam ako ng pagkabigla. Demonise, anong nangyayari sa kanya? "Okay ka lang Lucy?" Tanong ni Xander, tumango naman ako. Derederetsyo kaming tumungo sa silid nila Xander, nakita ko ang isang may edad na babae kasama din ang asawa.

"Xander, bat ngayon ka lang?" Tanong ng ama nito, ngumiti ako sa kanila. "Bat nandito ang Prinsesa?" Tanong naman ng ina, ngumiti si Xander. "Ma, nakalimutan kong sabihin... Siya ang babaeng pinakamahal ko, naiintindihan niyo?" Natawa ako ng bahagya, pati narin ang kanyang mga magulang. "Hijo, wala kaming oras para makipag biro sayo." Wika ng ama, natawa ako. "Tara na kasi Xander." Bulong ko rito, napanguso naman si Xander at tumingin sakin,

"Babe, ayaw nilang maniwala ngayon lang ako nag dala ng babae rito." Natawa ako, para siyang bata. "Ano ba yang pinagsasabi mo sa Prinsesa mahiya ka nga." Biglang sumulpot si Timothy, gahd. "Bat naman ikakahiya ni Kuya ang pag mamahal niya sa Prinsesa ma?" Wika neto, natigilan ang kanikang mga magulang. "S-seryoso?" Tanong ng ama nila, tumango si Xander. "Anyway, punta muna kami sa aklatan." Paalam ni Xander at hinatak na ako, eto talagang lalaking to.

Nang makapasok sa aklatan, kita ko agad ang elegante netong desenyo. Kaya siguro dito inilagay ni ama ang libro para nakabantay ang angkan ng Davix, sila ang nangunguna na high vampire; pinakamalakas ang kanilang angkan kaysa sa iba. Ngunit ang pureblood naman ay ang mas malakas dito, kaya sila ang umuupo sa trono. May nakita akong makapal na libro na nasa loob ng isang malaking bote, may kiglat, apoy, tubig, bato, hangin, mga dahon, frost, at iba pang umiikot dito.

"Ito ang librong tinutukoy mo babe, ngunit nabasa ko lang ito nung hiniram ko sa hari." Natigilan ako, so kailangan ng pahintulot mula sa hari. "Pero mukhang kaya mo naman buksan ito babe." Malambing niyang sabi, namangha ako sa mga umiikot sa libro. Dito mo malalaman na masyadong makapangyarihan ang nakapaloob dito, kaya ito ang pinaka dakilang libro. "May natatandaan ka ba sa nabasana mo noon?" Tanong ko, umiling siya.

"Ang tanging alam ko lang nakapaloob dito ang prinsesa, ang tagabantay at ang isang dosenang lalaki na mga apprentice. Bilib ako sa lakas nila, pero mukhang isang alamat lang ito." Sabi niya, paano naman siya nakasisiguro? "Gagawin kong realidad ang alamat na ito." Bigkis nagulat ang kasama ko sa nasambit ko, dahil ito ang nasa propesiya. "Dont tell me na kilala mo ang isang dosenang lalaki at ang taga bantay." Sabi niya, napabungisngis ako. "Sino ba lagi nag babantay sa prinsesa?" Tanong ko, natigilan siya. Napaismid ako at tinanggal ang bote na nakatakip sa libro, napangisi ako.

Ngunit sa gulat ko nabitawan ko ang libro at napamali ng pagsabi ng mahika, nabura ko ang alaala ni Xander... Hindi maaari, hindi ko alam kung paano ibalik ang mga iyon. Nawalan ng malay si Xander, imposibleng mangyayari din ito! "Xander gising!" Sigaw ko, hindi ko namalayan na nagteleport kami patungo sa silid-aklat sa kaharian. "Babe... Babe gising..." Halos maiyak kong tawag sa kanya, nakaramdam ako ng pagihip ng hangin. May hindi magandang mangyayari, anong ginawa ko?

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon