IKA-SIYAM

740 22 0
                                    

Ika Siyam na Misyon : pag salakay

Nate

Kinagabihan, nang makarating kami sa destinasyon ay agad kaming sumunod sa plano. Hindi pa man nag sisimula ang okasyon ay nakahanda na kami, pati si April at gayundin si Makoto. Napalingon ako sa babaeng kapartner ko ngayong gabi, napakaganda sa kanyang suot na rose quartz gown. "Baka matunaw naman siya hyung." Asar ni Makoto, palibhasa ilang taon niya nang hindi nakikita ang prinsesa duon siya nagpakabaliw.

"Hay nako kayong dalawa, duon ka kay April." Utos ni Sophia kay Makoto, humalakhak ito at tumungo sa kaibigan. Sunod sunod dumating ang ibang mga estudyante, nakakaexcite tuloy ang magiging okasyon. Nakita kong pumasok ang kaibigan nila Sophia, si Devilein. Nakakapagtaka ang kanyang kasama, napaka misteryoso. May kasama silang isa pang babae at lalaki, kamukha ni Devilein yung babae at napakapamilyar.

"Lein!" Bati ni Janella at niyakap ang kaibigan, ngumiti sa kanya si Devilein. "Kamusta, mukhang handang handa kayo para mamaya." Bigla akong kinutuban, maari bang alam niya ang magaganap mamaya? "Wow Flia." Rinig ang komento ni Zach sa loob ng venue, lahat kami ay napatingin sa kanya. Nakabloody red na na long gown ang suot niya, bagay na bagay sa kanya. "Mukhang tinaob ka ni Flia." asar ni Janella kay Jessica, napahalakhak naman si Jessica.

"Mas maganda at mas maputi ako kay Flia, omaygahd sister why are you lying." Maarteng sabi ni Jessica sa kapatid, napatawa kami lahat. "Sige na, pupunta lang kami sa table namin." Pag papaalam ni Devilein, ngumiti kami sa kanya at tumango. Nang makaalis sila duon ko lang namalayan ang kasama niya, si Takeru. Paano niya nakilala si Devilein at Xander, imposible!

Devilein

Kitang kita ko ang paghahanga ni Takeru at Lyn sa paligid, mukhang nagustuhan nila ang desenyo. Gayundin naman ako pero mas aaminin ko ang pag kabigla ko kay Flia, kailangan kong ihanda ang sarili ko mamaya. Mag hahanap ako ng tao na pwedeng saniban ni Demonise para makatulong siya, mukhang nabasa naman ni Xander ang punto ko. Mayamaya ay tumungo siya sa isang table ng mga babae, hinila ang isa rito at niyayang sumayaw kahit sandali. Mayamaya ay nawalan ng malay ang babae dahil sa pag titig ni Xander sa mga mata nito, itinigil ni Takeru ang oras para walang maalala ang lahat sa nangyari.

Lumapit sa amin si Xander dala dala ang katawan ng babae, kilala ko siya. Siya si Danica Montello, taga hanga ni Nate. Agad siyang sinaniban ni Demonise, nag iba ang anyo ni Danica at kitang kita ko ang matamis na ngiti ng aking kaibigan. Bumalik ang lahat sa ayos, nang walang nagyayari. Nag simula ang okasyon nang anunsyohin ng host ang pag sisimula ng okasyon, masayang nag diwang ang lahat. Ilang oras ang lumipas, niyaya ni Takeru na isayaw si Lyn.

Minsan ay nag tataka ako kung magkaibigan lang ba talaga ang turing ng dalawa sa isa't isa, dahil dinaig pa nila kami kung umakto. "Wag niyong sabihin na hihiya kayong sumayaw, jusq lumayas kayo at naiirita ako." Sabi ni Demonise, natawa ako. Iniya ako ni Xander at tumuno kami sa gitna upang sumayaw, hindi pa man nakakaalis ang paningin ko sa table namin niyaya ng isang lalaki si Demonise sumayaw.

"Nandito si Makoto." Malumay na ani ni Xander, ngumiti ako. "Wag kang papatol sa kanya pag hinamon ka niya." Utos ko, napahinga siya ng malalim. "Masusunod ho prinsesa." Bulong niya, natawa ako. "Ang ganda ng buwan ngayon, bagay na bagay sa suot natin." Komento ko ng makita ko ang buwan na nag liliwanag sa kalangitan, nakakatuwa itong pag masdan.

Maya maya ay natigilan kami ni Xander sa pag sasayaw, napalingon ako sa umistorbo sa amin. Si Zac, Zach Frontel. Kaklase ko at mukhang malakas na ang tama sa akin, nginitian ko siya. "A-ano, pwede ko ba siyang maisayaw?" Tanong ni Zach at nakatingin kay Xander, ngumiti naman ito at tumango. Inilahad ang aking kamay kay Zach, tumango ito at isinayaw ako. "Napaka ganda mo ngayon, l-lagi pala." Sabi niya, natawa ako. "Ang ayos nga ng porma mo ngayon." Komento ko, totoo naman kasi.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon