IKA-DALAWANGPU'T PITO

368 10 0
                                    

Ika-Dalawangpu't Pitong Misyon :
Darren Mori

Devilein
—Nang makarating ako sa usapan, nakita ko si Xander na suot suot ang puting suit. Nakangiti siyang nakaabang sa isang lamesa na may nakapaligid na rosas, napangisi ako. "Anong pakulo nanaman ito?" Tanong ko, ngumiti lang siya. "Gagawin mo nanaman bang panaginip ito?" Tumango siya, pero bigla niya akong niyakap. "Panaginip na tayong dalawa lang ang nakakaalam." Mahinahon na sabi niya, umupo kami sa dalawang bakanteng upuan.

"Sinabi ba ni Takeru na ang pag uusapan lang natin ay tungkol sa Mori?" Tumango siya, "eh bat nag handa ka pa ng ganito?" Tanong ko. "Eh kasi, baka nag taka ka sa kinilos ko kanina kaya bumabawi ako." Nakangising sabi niya, napamaang naman ako. Talagang nag plano siya ng ganito, nginitian ko lang siya.

Inalalayan niya akong umupo sa isang bakanteng upuan, samantalang siya umupo duon sa isa pa. "Xander, alam mo namang ang tungkol sa Mori lang ang gusto kong malaman kaya ako narito." Simpleng sambit ko, tumango siya. "Pero hindi iyon ang tanging pinunta ko dito." Nakangiting sabi niya, landi neto.

"Ang Kaharian Ng Mori, ang pag kakaalam ko pinuno iyon ng mga bampira at lobo na nag hihiganti." Pasimula niya, nakinig naman agad ako. "Isa sa mga unang apprentice ay nag mula doon, pero agad na nag bago nang makilla niya ang Reyna natin, yung iyong ina." Dugtong niya, si Ina? Paano nangyari iyon?

"Diba sabi mo dalawa ang traydor na nakakasama natin?" Pasimpleng tanong ko, ngumiti siya. "Oo, pero ang isa ang lagi kong nakakasama. Hindi ko pa nakikita ang kasamahan niya, posibleng nag uusap sila ng patago." Sabi niya, napatango ako. "Pero sa tingin ko... Kaya mong linlangin ang isa sa kanila." Nakangising sabi niya, napataas naman ako ng tingin sa kaniya.

"Susubukan ko." Sambit ko, bumungisngis siya. "Ayoko, hindi ko kakayanin." Mapaklang tugon niya at tinitiggan ako, anong ibig niyang sabihin? "Gusto kong subukan." Pag pipilit ko, napahinga siya ng malalim. "Gusto mo malaman ang tungkol sa Mori diba." Pag iiba niya ng pinaguusapan, tinignan ko siya ng seryoso. "Oo na, sasabihin ko na kung paano mo siya lilinlangin." Nakangusong sabi niya, natawa ako.

"Paibigin mo siya, yung sa iyo lang nakatuon ang atensyon niya." Mapaklang wika niya at umiwas ng tingin, halatang nag pipigil ng inis. "Paano ko naman gagawin yon, hindi ko siya kilala." Sabi ko, "Umakto ka... Siguraduhin mong hindi ka mahuhulog sa kaniya." Seryosong sabi niya at tumingin ng daretsyo sa aking mga mata, "Sino ba siya?" Iretableng tanong ko.

"Si Dave, isa sa mga apprentice." Natigilan ako, seryoso siya? "P-paano mo nalaman?" Nalilitong tugon ko, natawa siya. "Sinusundan ka niya, nung hinahanap mo ang libro." Napatango ako, pero paano siya nakakasiguro? "Sigurado na ba iyan?" Tanong ko, tumango siya. "Si Charles mismo ang nag patunay." Kaibigan niya si Charles?

"Sino ang namumuno sa Kaharian ng Mori noon?" Tanong ko, ngumiti siya. "Darren Mori, yung nag kakagusto sa iyong ina. Siya ang master ni Dave." Napatango ako, kung ganon kailangan ko ngang umakto. "Pinaalalahanan kita, masyadong delikado ang gagawin mo... Siguraduhin mong hindi ka mahuhulog sa kaniya, Prinsesa." Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.

"Nasa iyo lang naman palagi ang puso ko."

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon