IKA-LABING PITO

418 11 0
                                    

Ika Labing Pitong Misyon : pagbabalik


Devilein

-Marahan kong binuhat si Xander paalis sa silid-aklatan, nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya mula sa kwarto ng aking ina. Tumungo ako sa aking kwarto, inihiga si Xander sa kama. Kinumutan ko siya at bahagyang niyakap, hindi ko sinasadya. "Babalik ako, aking kabalyero." wika ko at tumungo sa kwarto ni ina, nanlaki ang aking mga mata.

Agad na pinalabasan ng apoy ang lalaking sumakal sa aking ina, nangingilid sa galit ang kanyang mga mata gayundin si Ina. "Bat ka nandirito?" Bakas ang galit sa boses ko, hinila ko si Ina papunta sa likod ko. "Because of us." Nanginig ang buong katawan ko ng marinig ang boses na iyon, hindi maaari. "Miss us, my sister?" Nakangising wika niya sa amin ni mama, nasaan ang bruhilda niyang anak?

"A-anong meron?" Tanong ni ina, umiwas ng tingin si ama. "Simula ngayon, etong kaharian niyo ay mapupunta sa-" naputol siya ng magsalita si ina, ang kanyang mga luha ay patuloy sa pag agos. "Ibibigay ko... Huwag mo lang saktan ang mga anak ko." Napakuyom ng palad si Ina at hinila ako patungo sa trono, kung nasaan ang lahat. "Sa lahat ng nandito, makinig kayo." Panimula ni Elena, napakagat ako sa labi ko ng makita ko si Zia.

Halos manlambot ang aking buong katawan ng makita ko kung sino ang nakaakbay sa kanya, nangilid ang mga luha ko at tinapunan ng masamang tingin si Zia. "Simula ngayon... Ako si Elena, ang magiging reyna ng kahariang ito! At si Zia na ang anak ko ang kukuha ng lahat ng mayroon si Devilein!" Nanlaki ang mata ko, imposible. Lumapit sila sa amin, tinapunan kami ng nakakalokong tingin. Nagsasalita sila pero hindi ko maintindihan, nakay Xander lang ang paningin ko.

Hindi siya makatingin sa akin, lalong bumigat ang buong katawan ko. "Naiintindihan niyo? Alis!" Sigaw ni Elena, akmang itutulak niya si Ina pero sinampal ko siya. "Pagbibigyan kitang magsaya, pero binabantaan kita... Ilabas mo na lahat ng alas mo dahil hindi mo ko matatalo." Wika ko, umalis kaming lima sa palasyo. Hindi alam kung saan tutungo, si Mama... Possibleng makatulong siya, pero hindi rin imposibleng alam niya ang dapat sundin. "Saan tayo tutungo ate?" Tanong ni Lyn, karga karga si Ina. Kung ayaw nila sa amin, ayaw din namin sa kanila.

"Sa Mundo ng mga mortal." Nanlaki ang mga mata nila, napalunok si Ina. "L-lucy, wala tayong kakampi doon." Sabi ni Ina, ngumisi ako. "Sapat na tayong lima." Wika ko, tumango sila. Tumungo kami sa mundo ng mga mortal, hindi inaasahan na magkakaganito. Nag hanap kami ng matitirahan, at dahil kontrolado ko ang lugar na yon madali lang ang naging hakbang. "Ina may pupuntahan lang ako, sila Lyn na ang bahala dito." Sabi ko, tumango si ina at nag pahinga.

Binilhan ko sila ng mga damit dahil hindi naman pwedeng puro kami naka gown dito, damit na komportable sa kanila. Nang makaalis ako tumungo ako sa kaharian ng Blackrebel, sinalubong ako nila Charles at Flea. Mukhang nasagap na nila ang balita, inilahad nila ako sa trono nila. "Lucy!" Natigilan ako at napalingon, sila Ina. "Mahal na reyna." Bati ng lahat, gayundin sa aking ma kapatid. "Kakampi sila ina." Wika ko, tinignan niya ang paligid at napahinga ng malalim.

"Wala kamin intensyon na saktan kayo, sila Elena ang pakay namin at ito ang magandang senyales na pwede kaming umatake." Sabi ni Flea, napalingon sakin si Charles. "Kinuha namin si Lucy para maging pinuno, siya ang pinakamalakas at makapangyarihan na mag gagabay sa amin. Ngunit kailangan namin ng utos, utos mula sa inyo." Sabi ni Charles, ngumiti si Ina. "Papayag ako, basta't hindi mapapahamak lahat ng anak ko." Lumuhod lahat ng blackrebel, nagbigay galang sa aming lima.

"Isinusumpa ko, sa araw na ito. Lahat kayo ay magiging tagapaglingkod ko. Lahat kayo ay gagabayan ko sa abot ng makakaya ko, bantayan nyo silang apat iyon lang ang hiling ko." Itinaas ng lahat ang armas at sabay sabay sumigaw, ito na nga ang pagbabago. "Maari kayong manatili dito kahi kailan ninyo gusto, mapapabuti kayo rito." Sabi ni Flia, ngumiti ako. "Mas mabuti na nga iyon, Ina." Wika ko, tumango sila. "Sasama ako pabalik sa mundo ng mortal ate." Sabi ni Lyn, umiling ako.

"Dito ka, mag ensayo. Kakailanganin ko kayong tatlo sa dadating na labanan, naiintindihan niyo?" Tumango silang tatlo, tumungo sa isang mansyon na inihanda ni Charles para sa amin. "Mananatili ako sa bahay nila Flea sa mundo ng mga tao kasama sila, hangga't maaari protektahan niyo ang isa't isa." Pag papaalam ko, tumungo kami sa mansyon nila Flea sa mortal na mundo. "Nahanap ko na ang libro." Tanging wika ko, ngumiti si Flea.

"Kami ang mag eensayo sayo." Saad ni Ace, napabungisngis ang dalawang bata. "We were so excited to help Princess Lucy." Sabi ni Flea, tumikhim ako ng hangin at ngumiti. "Sisimulan natin ang pag babago, wawakasan ang hapdi ng nakaraan." Seryosong tugon ko, naintindihan nila ang sinabi ko. Simula sa gabing iyon, pati ang mga nararamdaman ko ay nag bago.

The Vampire Princess and The WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon