"This is it. Wag kang kabahan. Kaya mo yan."
Kausap ko sa sarili ko.
Ako na kasi ang huli para sa interview. May isa na lang sa loob.
Napatayo ako at tinignan ang sarili ko sa glass window.
Casual dress na hiniram ko pa sa prof namin. Actually this is a teachers uniform. Inayusan ko lang ng konti.
Pinony ko na din yung long hair ko.Ok na siguro toh.. Fighting..
"Samantha Nicole Chaves." Napalingon ako sa tumawag sakin. Yung secretary na pala.
Kinuha ko lang yung mga gamit ko at sumunod na ako sa kanya.
Kiel pov
Hi guys. Im Mike Kiel Buenavidez. Hindi ako ang bida. Baka magkamali kayo. He's my cousin and you will meet him soon.
By the way ako yung mag-iinterview kay Miss Chaves. Ako kasi ang napag-utusan ng magaling kong pinsan na ihanap sya ng bagong secretary.
"Samantha Nicole Chaves. Maganda naman sya dito sa 2x2 picture nya. Sana nga lang hindi edited. 23 years old. Wala na pala syang father. At panganay pa. Mukhang bread winner. Nakalagay pa dito na labandera ang mother nya. Hmm? Mahirap. Baka gold digger?" Natatawa tuloy ako sa mga pinagsasasabi ko sa sarili ko. Hindi na ako magtataka kung mamaya baliw na ako.
Knock knock..
"Come in."
Click. Bukas yan ng pinto.
At alam nyo ba ang reaksyon ko?
Tulaley. Tulala ang lolo nyo.
Patay na ba ako?
Bakit may anghel sa harapan ko?
Her face is so angelic and perfect. I hate to admit it. But shes the most beautiful woman ive ever seen. Medyo sablay lang sa pananamit. Pero pwede na din."Hello po Sir." Napatingin ako sa kanya ng wala pa din sa hulog.
Malapit na pala sya sakin. Kaya natauhan ako. Napaayos ako ng upo.
At Shit lang! Nakakahiya!
"Goodmorning po ulit Sir." Bati nya sakin na nakangiti pa.
Ilang ulit na kaya nya ako binati? Nakakahiya!
"G-goodmorning Miss Chaves. Sitdown please." Tumayo pa ako para igaya sya ng upo.
Shit! Ano ba nangyayari sakin? Nauutal pa ako.
"Shall we start?" Pag-iiba ko na. Baka mamaya hindi ko namamalayan naaya ko na syang makipagdate.
"Yes po Sir." Sagot nya.
She's really hypnotizing me. Malalagot ako nito kay Cassandra kapag may nagawa akong mali.
Cassandra is my girlfriend by the way.
Tumagal lang ng ilang minuto yung interview ko sa kanya.
And my final decision is to hire her.
"Thank you po Sir." Nakipagshakehands pa sya sakin.
"No need to thank me. It is really for you. By the way. Here." Inabot ko sa kanya ang isang card.
"Classy Cass Botique." Basa nya dun sa card. "Para san po toh?" Dagdag tanong nya.
"You will get your uniform there."
"A-ah ok po." Nakatingin parin sa card na sagot nya. Actually wala naman talagang required na uniform on her job. Think of it as a treat.
