Chapter 15
Samantha pov
Maaga akong akong umuwi ngayon. Nagpaalam naman ako kay Sir Stephen at pinayagan naman nya ako.
Desidido na kasi akong tanungin si Nanay. Sigurado naman akong kapag nalaman nilang alam ko na. Hindi na din nila itatangge. Gusto ko lang naman malaman kung bakit kailangang itago pa nila.
"Nay nandito na po ako."
Pero pagpasok ko.
Walang tao.
'Asan sila?'
Nilapag ko muna yung gamit ko at nagbihis na.
Lumabas ako at nagtanong sa kapitbahay namin.
"Aling Norma. Nakita nyo po sila nanay?" Tanong ko.
"Naku hindi Samantha. Maghapon kasi akong tulog."
"Ah sige po." Umalis na ako. Bumalik na lang ako sa bahay.
Nasan kaya ang mga yun?
Wala pa namang may cellphone sa mga yun. Wala tuloy akong macontact.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-aantay. Humiga kasi ako. Siguro sa pagod.
Nanay Sarah pov
Hello mga anak. Maiksi lang tong pov ko. Wag kayo mag-alala.
Papunta kami ngayon ng mga anak ko sa isang subdivision. Kasama namin si Stephen. Yung boss ng anak ko. Isasama daw nya kami sa isang lugar na siguradong matutuwa kami. Sayang nga at hindi nakasama si Sammy dahil may trabaho sya.
Katabi nya ako sa unahan at nasa likod naman ang makukulit kong anak. Panay ang harutan dahil first time makasakay ng kotse.
Napansin ko naman na kanina pa tahimik si Stephen. Ano kaya ang bumabagabag sa isip nya? Nakakahiya namang magtanong at baka isipin nya ay napakapakielamero ko namang matanda.
Paminsan minsan nangiti sya kapag kinukulit ni Sissy. Pero kita mo pa din sa mata nya na may malalim syang iniisip.
"Nandito na po tayo." Sabi nya. Kaya napatingin kaming lahat sa labas. Nauna syang bumaba at pinagbuksan kami ng pinto. Mga inosente kasi. Hindi marunong magbukas. Hehehe.
Napatingin ako sa paligid. Ang lalaki naman ng bahay dito. Ang gaganda pa.
"Nay ang ganda naman dito." Sabi ni Sissy. Binuhat ni Stephen si Sissy. Kaya tuwang tuwa ang makulit na bata.
"Pasok na po tayo." Yaya ni Stephen samin. Pinagbuksan nya kami ng gate.
Dito kami papasok?
"Wow. Ang ganda." Sabi ni Sally.
Isang two storey house na kulay cream. May garden at parking pa sya.
"Para san toh Stephen?" Naitanong ko na.
"Bahay nyo po." Parang namilog ang mata ko. Ganun na din ang mga anak ko.
"Talaga kuya Stephen?" Tuwang tuwang tanong ni Sally.
Tumango naman sya. Kaya nagsimulang magtalunan ang mga anak ko.
"Yehey yehey." Nagtatatalon na sigaw ni Sissy.
"Pero Nay. Gusto ko po sana na kayo na lang ang magsabi kay Samantha. Panigurado po kasing hindi nya toh tatanggapin." Sabi ni Stephen. Napaisip din naman ako. Oo nga naman. Paniguradong hindi ito tatanggapin ng anak ko.
