Paulo pov
Hi guyz. Paulo Buenavidez Cheng. Kapatid ng Mama ko ang Papa nila sTephen, Kiel at Topher. 27 years old. Ako ang pinakamatanda samin. Alam nyo na siguro kung sino ang bunso? Bunso pero ang unang Buenavidez na nakahanap ng truelove nya. Si Tephen soon yata? Etong si Topher?
Kahit ako nagulat. Pero how?
"Guyz si Chiki bestfriend ko." Napatingin kami ni Toph kay Sam. Bestfriend nya? Oo nga diba. Bingi lang?
"Hi guyz." Kumakaway pa sya samin. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi naman pwedeng magkamukha sila. Wala namang kakambal si Sincha.
"Sit here friend." Yaya ni Sam. So ibig sabihin. Magkakatabi sila.
Lumapit na yung waiter samin. Si Kiel na ang umorder.
Napansin kong may binubulong si Chiki kay Sam. Si Sam naman binatukan si Chiki. Bagay talaga sila ni Stephen.
Napatingin naman ako sa madaldal na si Topher. Sabi na ei. Eh di napipi sya ngayon.
"Tahimik mo yata ngayon Toph? Nakakapanibago ka ah?" Napatingin lahat kay Toph sa tanong ni Cass. Si Toph naman napakamot lang sa ulo. Shy boy bigla ang pucha.
"Nakakasuka Toph. Tigilan mo yan." Banat ni Stephen.
1am na. Kanya kanya na ng kulet. Si Sam at Stephen wala ganun pa din. Natutunaw na yata si Sam sa titig ni Stephen. Napakachope. Tsh!
Si Topher naman ang dalang magsalita. Si Chiki sobrang daldal. Sya ang naging clown namin.
"Cheers." Tinaas pa ni Chiki yung baso nya. "Friend ano ba? Yung baso mo?" Hinila nya pataas yung braso ni Sam. Kaya si Stephen na patay na patay kay Sam nakigaya din. "Hey." Natawa naman ako sa ginawang pagpatong ng braso ni Chiki sa binti ni Topher. Gulat na gulat kasi sya. "Move your glass like us." Nakangiti nyang sabi kay Topher. Panigurado laglag brief nyan.
"Tephen lets dance." Yaya ni Kiel. And as usual. "Nope. I'll stay here." Natawa tuloy ako.
"Sya Sam tara. Sayaw tayo." Yaya ni Kiel kaya hindi naituloy ni Tephen ang pag-inom nya.
"Sure." Sagot ni Chiki. Tumayo na sila agad kaya natawa na talaga ako. Hila hila ni Chiki si Sam.
"Ano ka ngayon Stephen." Natatawa kong sabi. Si Topher na tahimik kanina natawa din. "Nasira ba ang bakod mo? Hanep na man pare ei. Para kang poste dyan." Pareho kaming natawa ulit ni Toph.
"Tigilan mo ako Topher. Baka akala mo Hindi ko napapansin yang tingin mo sa bestfriend si Samantha." Natigil naman sa pagtawa si Topher. Tumingin sya sa direksyon nila Chiki. Naalala ko. Hindi nga pala kilala ni Stephen si Sincha.
Tumayo sya kaya napatingin din kami ni Stephen sa direksyon na tinitignan nya. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Stephen.
Samantha pov
Nagyaya si Kiel at Cass na sumayaw. Kaya hindi nanaman ako nakatange.
"Friend ikaw ha. Ang hot nga ni boss hot. Grabe kinikilig ako sa inyong dalawa." Bat naman kaya sya kinikilig? Napakamalisyosa talaga nitong si Chiki. Magkatabi lang kinikilig agad?
"Tigilan mo ako Chiki. May girlfriend na yung tao."
"Talaga? Sayang naman. Pero hayae na. Dami naman boylet dito ei." Todo sayaw naman sya. Matagal na din kasi kaming hindi nagkakasama ni Chiki. Party goer na pala sya.
"Sam." Napalingon ako kay Cass. May katabi syang gwapong lalaki. Siniko naman ako ni Chiki. Alam na. Type nya.
"Sam si Tom pala pinsan ko." Pakilala nya dun sa lalaki.