Samantha pov
Weeks na ang lumipas at ang inay kong pasaway. Galaw na ng galaw. Mas lalo daw syang magkakasakit kapag nakahiga.
Ilang araw ko na ding napapansin na parang may tinatago sakin ang mga kapatid ko.
Tulad ngayon.
Lahat sila ay tulog pa. Papasok na ako. Malimit kasi noon. Paggising ko wala na si Sammy o kaya si Sello. Kapag uuwi naman ako. Kompleto sila dito sa bahay.
Hindi naman sa gusto kong nagtatrabaho ang mga kapatid ko. Ayoko lang ng pinaglilihiman.
"Nay aalis na po ako." Humalik muna ako sa pisngi ni Inay.
"Geh Anak. Ika'y mag-ingat." Lumabas na ako.
Pero sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi naman ako sumakay ng trycicle. Nagtago lang ako sa isang poste malapit sa labasan namin. Hindi ko man tiyak kung ano ang aking inaabangan. May kutob lang ako.
Mga 30 minutes siguro ako nag-antay. Lagot ako nito. Late ako.
May humintong kulay red na van sa malapit. May nakasulat sa van na. Nostral Academy School service.
'Diba pang mayaman yung school na yun?'
Sino naman kaya ang taga dito na nag-aaral sa school na yun?
"Nay babye."
Napalingon naman talaga ako dun. Dahil boses ni Sissy yun.
"Ingat mga anak."
Sumakay sina Sammy, Selli, Sally at Sissy dun sa school service. Nakauniform pa sila.
'Anong ibig sabihin nito?'
Umalis na ako. Ayoko namang sirain yung saya sa mukha ng mga kapatid ko.
"Why are you late?"
Napaangat ako ng tingin. Nakarating na pala ako ng opisina. Lutang pala ako.
"Sorry po Sir Stephen. Tinanghali po ng gising." Hindi sya nagsalita at para syang napaisip. Ano naman kayang iniisip ng lalaking toh?
"Prepare me a coffee." Then pumasok na sya ulit sa office nya.
Stephen pov
Is she lying to me?
Alam kong may pasok ang mga kapatid nya ngayon. Kaya imposobleng tinanghali sya ng pasok.
Ako kasi ang nagpaaral sa mga kapatid nya. Nalaman ko kasi na hinto sa pag-aaral ang ibang kapatid nya.
I grab the chance nong sinama sya ni Chiki. Kinausap ko ang nanay nya. Una tumanggi sya. Pero sa mukha ng mga anak nya. Na parang maluluha. Pumayag din ang nanay nya. Basta sekreto lang namin. Dahil baka magalit sakin si Samantha.
Dinial ko ang no. Ni nanay. Nakikinanay na din ako. Pake nyo. Soon magiging nanay ko din naman talaga sya. By hook or by crook. Magiging akin si Samantha.
