Stephen pov
"Hey couz. Anong ginawa mo kay Sam? Bakit naiyak yun?"
Pumasok si Kiel sa opisina ko. Walang katok katok.
Lumapit sya sakin at kinuwelyuhan ako.
"I will forget that we're cousins if you hurt her!!"
"Chill Kiel. I didnt hurt her. Hindi ko magagawa sa kanya yun." Inalis ko na yung kamay nya sa kwelyo ko.
"Then what happen?"
"Do you like my girl Kiel?"
Hindi ko kasi gusto yung tono ng concern nya para kay Samantha.
"Yah i like her. Hey Stephen chill."
Sya ngayon ang kinuwelyuhan ko.
"She's our friend. My only girl-friend. You know I love Cassandra."
"good."
Binitawan ko na sya. Bumalik na ako sa swivel chair ko.
"Trust me with this. I cant tell you my plans Kiel."
"Basta wag mo syang sasaktan Stephen. Yun lang ang sakin."
"I wont. I promise."
Kinuha nya yung phone nya sa bulsa nya.
"Mauna na ako Stephen. Nasa baba na si Cass. Ayusin mo yan Stephen."
Then lumabas na sya ng pinto.
Hanggang ngayon I can still see her face. Did I hurt her too much? Pero wala namang problema kung hingin ko yun. After all. Sakin lang din naman sya in the end.
I'm so frustrated..
Should i follow her and say sorry?
Samantha pov
Nandito na ako samin. Pero hindi ako makapasok sa loob.
Naiiyak kasi ako.
Ang sakit kaya.
Tapos ganito pa maririnig ko pag-uwi ko.
Alam nyo namang yero at kahoy lang tabing ng bahay namin. Kaya rinig na rinig ko dito sa labas yung tawanan nila Sissy, Sally at Sello.
Ate Sally pano ba toh? Para mabigyan ako stars ni Teacher bukas?
Ganito lang yan.
Sello tulungan mo si Sammy dun sa pag-aayos ng mga gamit.-nanay
Excited na talaga ako lumipat bukas nay. Sigaw ni Sissy.
Mag-aaral talaga ako mabuti. Pangako ni kuya Stephen kapag daw top ako pagcollege nya daw ako. Sabi ni Sello.
Yehey. Tapos ko na assignment ko Nay. Tignan mo oh. Naluluha naman ako lalo kay Sissy.