Chapter 11

89 0 0
                                    

Stephen pov

Nagising ako ng masakit ang katawan ko. Hindi naman ako nagrereklamo. Masaya nga ei. Katabi ko si Samantha although magkakatabi kaming lahat. Sa kabila ko yung kapatid nyang si Sammy. Hindi ko nga sila nameet kagabi. Tulog na kasi.

"Nay gisingin na natin sila." Boses ng bata.

"Sissy wag makulit. Puyat ang ate mo at ang boyfriend nya." Si nanay yun. Nakikinanay na din ako. Bagay ba?

Pero ano daw sabi nila. Puyat kami? So ibig sabihin? Napatingin ako sa gilid ko. And she still there. Sleeping like an angel.

Nakatihaya sya pero nakatagilid yung ulo nya. Tumagilid ako para nakaharap ako sa kanya.

Tinititigan ko lang sya. Shes really beautiful. I look into her natural pink lips. And I remember when I kissed her. Those soft lips. I cant keep on smiling. I can feel that Im her first. Napaisip ako. Waking up like this every morning. Bakit parang sobrang sarap sa pakiramdam ng isipin na yun.

Samantha pov

Nagising ako dahil sa tawanan sa labas. Ang ingay naman nila. Hindi ba nila alam na may natutulog pa dito?

Bigla akong napabalikwas ng bangon. Shit. Late na ako. Patay ako nito kay Sir Stephen.

"Hahaha. Hahaha. Ibaba mo na ako kuya Stephen. Hahaha." Boses ni Sissy yun ah? Kuya Stephen? Oo nga pala. Dito nga pala sya natulog kagabi.

Dali dali akong bumangon. Tinali ko lang ang buhok ko into a bun.

"Oh anak. Gising kana pala." Napatingin sakin yun dalawang naghaharutan. Nakaupo si Sissy sa balikat ni Sir Stephen. Si Sally naman nakaupo at mukhang nakikinood dun sa dalawa.

"Ateeee." Biglang niyakap ni Sally ang braso ko. "Ikaw ate ha. Ang gwapo naman ni kuya Stephen." Kinikilig nyang sabi. Shocks. Hindi ko pa pala nalilinaw tong trip ni Sir Stephen. Mamaya na lang pag-alis namin. Ayoko namang iispoil yung moment.

"Kumaim kana boyfriend?" Noted the sarcasm. Nginitian lang naman nya ako. Pang-asar ang pucha.

"Sinabay na namin sya kanina anak. Kumain kana." Kinuha ako ni nanay ng plato. Pagbukas ko ng takip. Abat ham, hotdog at egg. Yaman namin ah?

Napatingin ako kay Stephen. His busy playing with Sissy and Sally. Kaya kumain na lang ako.

"Mabait sya anak." Napatingin ako kay nanay then kay Stephen ulit. Eh ano naman nay kung mabait? May girlfriend naman.

Nginitian ko na lang si nanay. Bago ko simulan ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain. Naligo na ako at nagbihis. Back to work na. Pero si Sir Stephen parang wala pang balak umalis. Nakikipaglaro pa rin kay Sissy sa sala.

"Sir Stephen lets go." Sabi ko. Napatingin naman sakin sila nanay na nagtataka.

Bigla namang tumayo si Sir Stephen at inakbayan ako. "Ang baby ko talaga. Napakaformal kahit wala sa trabaho. Pasensya na po kayo nay. Alam nyo naman po tong anak nyo. Walang kahit konting kasweetan sa katawan." Abat!! Kinurot ko sya sa tagiliran. "Ouch babes."

"Ang sweet nyo ate. Sana magkaboyfriend din ako na katulad ni kuya Stephen." Kilig na kilig na sabi ni Sally. Ako din Sally. Gusto ko din magkaboyfriend na katulad ni Sir Stephen.

"Ikay magtigil sa kakirihan mong bata ka. Mag-aral ka munang mabuti. Tsaka na yang boyfriend boyfriend na yan." Sabi ni nanay. Sumimangot naman si Sally. Kaya natawa si Sir Stephen.

"Nay mauna na po kami." Nakaakbay pa din sya sakin. Abat nawiwili.

"Sige kayo'y mag-ingat." Lumabas na kami. At tulad ng inaasahan ko. Nakatingin samin ang mga kapitbahay namin. Pero Hindi ko na sila pinansin. Buhay na nila yan ei. Ang magchismisan.

His Addicted To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon