"Wow ate ang dami naman nito. Ang bait naman ng boss mo?" Tuwang tuwang hinahalukay ng mga kapatid ko yung mga bagong damit na dala ko galing kina Cassandra.
"Ate pwede bang akin na lang toh?" Si Sissy. Ang bunso namin. Sinusukat pa nya yung isang heels.
"Naku Sissy. Tigilan mo yang ate mo. Uniform nya yan sa trabaho." Si Nanay yan habang nagluluto ng kakainin namin.
"Si Nanay naman. Binibiro ko lang naman si Ate." Sissy
"Ate ano na ba bagong trabaho mo ngayon?" Si Sammy sumunod sakin.
"Secretary na Sammy. Magagamit ko na din yung kursong kinuha ko." Sagot ko.
"Talaga ate? Eh di makakapagcollege na din ako?" Tuwang tuwa si Sammy. Napansin kong nagliwanag naman ang mukha ng iba pang mga kapatid ko. Hindi nyo kasi natatanong. Hindi na nag-aaral si Sammy. Tumigil sya pagkagraduate nya ng high school. Para makatulong kay inay. Si Sissy grade 1 na. Si Sally grade 6 at si Si Sello na 2nd year high school. Ako lahat nagpapaaral sa kanila. Hindi na kasi kaya ni Inay dahil may hapo sya. Hindi ko din naman kaya ang tuition sa college lalo pa at apat silang nag-aaral. Nagpapabrika lang kasi ako non.
Tinatanong nyo ba pano ako nakatapos? Working student. Dahil gusto ko talagang may marating para sa pamilya ko.
"Oo Sammy. Mapagtatapos kayo lahat ni ate. Pagbubutihin ko ang trabaho ko." Maluha luha kong sabi.
Nagsipaglapitan naman sila sakin at niyakap ako.
"Group hug." Sabi ni Sissy. Napangiti tuloy ako. Ang bibbo talaga ng bunso namin.
"Oh sya tama na yang drama at magsikain na." Panira talaga si inay ng moment.
Sabay sabay kaming kumain. Noodles at tuyo lang ang gabihan namin. Pero ipinapangako ko na ito na ang huli. Makakakain na ng masarap ang pamilya ko.
Kinabukasan
"This is it! Fighting!" Kausap ko sa sarili ko. Nasa tapat na ako ng building ng Buenavidez Corp.
"Ineng may balak ka bang bumaba? Abat kanina pa tayo rito. Sayang yung mga maisasakay ko pa." Natauhan naman ako kay manong trycicle driver. Hindi pa pala ako nakakababa.
"Sorry po Manong. Ito po pala yung bayad." Inabot ko na yung 8 pesos na bayad ko. Nakakahiya naman.
Huminga muna ako ng malalim.
Go go go..
Im about to enter. Pero nakatingin sila lahat sakin.
May dumi ba ako sa mukha? O baka may tagos ako? Pero wala naman ako ngayon ei.
Bakit kaya?
Tumigil pa yung iba sa ginagawa nila.
Ang ganda naman nya.
Patay na ba ako? Bakit may anghel sa harapan ko?
Sobrang ganda naman nya.
Yan ang naririnig ko sa mga nadadaanan ko.
Pero sino daw yung maganda? Alam kong maganda ako. Pero anghel? Alam kong hindi ako yun. Buhay pa kaya ako.
Palagi na lang ako nakakarinig ng ganyan kahit san ako pumunta. Makadiretso na nga lang.
Dito hindi sliding ang door o automatic. Dito yung umiikot.
Papasok na sana ako. Pero napansin ko yung nasa exit. Paikot ikot lang sya habang nakatingin sakin. Ano ba yan? Baka mamaya may madisgrasya na dahil sakin.
Dali dali akong pumasok.
Stephen pov
Hi guyz. Im Stephen Carl Buenavidez. 25 years old. Top 1 bachelor in the country. NBSB puro flings lang. For me all girls are sluts. May virgin pa ba sa panahon ngayon? Sanggol na lang yata. Eh yung stick to one? Baka ipataga ko ulo ko.... Makakita lang ng gwapo parang sinisilihan ang tutoot. Tsk!
