Samantha pov
Maaga ako nagising. Tulog pa si Cass. Kaya hindi ko na sya ginising.
Naisip ko kasing maglakad lakad sa dalampasigan.
Sobrang ganda talaga dito.
Tanaw ko sa malawak na dagat.
Nababa'sa ng mahihinang alon ang mga paa ko.
"Uy may shell." Dadamputin ko na sana. Pero may umabot na iba.
"Mukhang parehas tayo ng mga bagay na nagugustuhan?"
His smile can make your day bright. Napaka genuine .
"Goodmorning beauty." Bati nya pa sakin.
"Goodmorning din Charles." Ngumiti din ako.
"Aga mo naman nagising? Hindi na kayo bumalik kagabi?" Tanong nya.
"Ah si Cass kasi sinamahan ko. Maaga kami nakatulog." Sagot ko.
"Gusto mo pumunta banda dun?" Turo nya dun sa may mga batuhan. "Sa kabila nyan. May natatagong paraiso. Wala masyadong napunta dahil mabato nga. Pero may daan yan dun sa baba." Patuloy nya.
At dahil naintriga ako.
"Sige tara." Nakangiti kong sagot. Wala naman siguro syang masamang gagawin sakin noh. He's engaged already. Diba?
Pagdating namin dun sa batuhan daw.
He's right. Sobrang ganda.
"Ang ganda." Nasabi ko bigla.
Parang cristal ang tubig dito dahil sa tama ng araw at sobrang linaw ng tubig. Walang tao kaya malinis na malinis tignan. Sa may pampang, May malaking puno sa gitna na may duyang gulong.
Childhood playground?
Sumakay ako dun sa duyan pagkalapit namin. Napangiti naman si Charles.
"Now I know why he likes you." Sabi nya while smiling.
"Sinong?" Kunot noong tanong ko.
"Si Stephen. May iba pa ba bukod sa boyfriend mo?" Natatawa nyang sabi.
"Ah-ah Oo." Nag aalangan naman akong napangiti.
Narinig pala nya yung sinabi ni Cass kay Janice.
Luka kasi yung si Cass ei.
Nagulat ako ng bigla nya akong iduyan.
"Oh my gaddddd." Napahiyaw ako. Sabay tawa.
"Wag mong lakasan." Natawa tuloy kaming dalawa.
"Huuuuuuuuuuu." Hiyaw ko. Ang sarap kasi nong hangin na nadampi sa pisngi ko.
Sya naman nakangiti habang pinapanood ako.
Isang oras pa kaming nagtagal dun ng maisip na naming bumalik.
Papasok na kami sa hotel habang nagtatawanan.
Nagkukwento kasi sya tungkol kay Sir Stephen.
Biruin mo yun. Sa suplado nyang yun meron pala syang bugs bunny na stuff toy sa higaan? At take note katabi nya yun sa pagtulog.
"It seems that you enjoyed each others company?" Coldness overload. Ang dilim ng aura nya. Galit nanaman yata.
Nandito din sila Cass, Kiel, Topher at Paulo. Nakaupo dun sa couch dito sa lobby.
