IKAWALO
Kaba.
'Yung kaba na nararamdaman ko minsan kay Khaizer, walang-wala sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
"Sorry!" Sabi ko nang may makabangga akong babae. Hindi naman ako nito inimik. Nagmamadali lang itong tumuloy sa pakikipagsiksikan sa mga tao at mabilis nawala sa paningin ko.
Grabe. Ang daming tao ngayon dito sa MMU, ang state university na una sa listahan ng mga school na gusto kong pasukan pagtuntong ko ng kolehiyo sa susunod na taon. Ngayon na kasi ang entrance examinations nila. At gaya ko, ang karamihan ng taong nasa paligid ay high school graduatee na abala sa paghahanap ng building at kuwarto na pagkukuhaan nila ng exams.
Mga nagmamadali kami. Thirty minutes na lang kasi, time na naming mga nasa afternoon batch na mag-exam. Tapos nagbabadya pang magbuhos ng ulan ang madilim na langit.
Suwerte ko na lang na hindi ako naligaw sa laki ng campus nitong MMU. Mabilis kong nakita ang building ko.
Medyo nagmadali ako nung paakyat na ako ng hagdan. Hindi ito dahil sa takot akong ma-late. Dahil ito sa sobra talaga akong kinakabahan.
Ito ang kauna-unahang college entrance exams na ite-take ko. Wala pa akong ideya kung gaano ba kahirap ang mga ganitong exams, at wala rin akong ideya kung anong klaseng tao ba ang magha-handle sa grupong kabibilangan ko. Masungit ba? Nakakainis? Nakakatakot tanungan kapag may hindi ka maintindihan sa instructions ng exams?
Huminga ako nang malalim.
Maipapasa ko kaya ang exams na ito? Sabi ni Mama, ayos lang naman daw kung hindi. Marami pa naman daw kasi akong option na pasukan. Pero mas gusto kong mapasa na 'to. Kasi, dito sa MMU ko talaga gustong mag-aral. Kasi, ayoko na ulit mag-take ng entrance exams at muling makaramdam ng ganitong kaba.
Sa fourth floor, inisa-isa kong tignan ang numero ng mga kuwarto para hanapin ang katugmang numero sa hawak kong stub ng papel. Nakita ko naman iyon agad.
Sumilip muna ako sa loob ng kuwarto. May iilan nang tao ang naroon. Merong halatang alone, at meron ding may mga ka-buddy.
Napansin ko rin, ang laki ng agwat ng mga silya. Mga one-and-a-half seats apart. Ang higpit lang ah?
Muli akong inatake ng kaba kaya muli rin akong huminga nang malalim. May twenty minutes pa naman, so tumalikod ako para dumiretso sa railing ng corridor. Dudungaw muna ako roon at magre-relax.
Kaso napahinto ako pagkatalikod ko. May kamuntikan na naman kasi akong mabangga. This time, hindi na isang babae. Hindi na rin basta kung sino lang. Kilala ko na ito.
"Khaizer?"
Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko nang masilayan ko siya. Aba, hinding-hindi ko ito inaasahan—ito, ang makita siya dito.
Ako, gulat na gulat. Si Khaizer, wala lang ang reaksyon. Tumitig lang siya sa akin.
"Huy, bakit parang hindi ka nagulat na makita ako dito?" Takang-taka na tanong ko sa kanya.
"Kanina pa kita nakita eh..." Dahilan niya na nagpatameme sa akin saglit.
"Ah, ganon ba..." Humawak ako sa dibdib ko at pasimpleng huminga ulit nang malalim.
Kabadong-kabado pa rin ako. Kung dahil pa ba ito sa exams o kung dahil na kay Khaizer, hindi ko alam. May pagkakaton pa rin kasi na nakakaramdam ako ng pagkailang at kaba sa lalaking ito.
"Ano... Mag-e-exam ka rin dito?" Tanong ko kay Khaizer.
Tumango siya.
"Dito? Sa floor na 'to?" Tanong ko ulit. Ang tono ko, hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)
Teen Fiction• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)