IKALABING ISA
Ramdam na ramdam na sa school ang simoy ng Pasko. Kung saan-saan na may nakasabit na parol sa labas. Sa loob naman ng room namin, puro garlands at kung anu-anong dinidikit sa pader na may kinalaman sa Pasko—si Santa Claus, mga reindeer, mga snowflake, mga regalo.
"Bunutan na!"
Umingay ang klase sa sinigaw ni Sir Lim, ang adviser namin. Maraming na-excite na malaman kung sino ang mabubunot ng bawat isa sa amin para regaluhan sa magaganap na Christmas party sa darating na Friday.
Grabe. Ang bilis talaga ng panahon. Dalawang linggo na lang, Pasko na.
Pasko... December 25...
Napapikit ako. Ang pakiramdam ko ay bumigat, lumungkot, taliwas sa sayang kasalukuyang bumabalot sa paligid ko.
Pero hindi na dapat 'to nangyayari! Hindi na, kaya huminga ako nang malalim para labanan itong hindi magandang nararamdaman ko.
Pagkadilat ko, hindi ko naman akalaing may panibagong gugulo sa pakiramdam ko.
Si Khaizer. Nakapangalong-baba siua sa desk niya habang nakatitig sa akin.
Sa pagkabigla ko na makita siya, wala na akong nagawa bukod sa mapapigil hininga at lumaban ng titigan sa kanya.
"Shine! Khaizer!"
Nang tawagin ni Sir Lim ang mga pangalan namin, aligaga akong napatayo. Tumayo rin si Khaizer, pero kalmado lang siya. Alam namin, turn na naming bumunot ng reregaluhan.
Pinauna akong bumunot ni Khaizer mula doon sa maliliit na papel na nakatiklop na pinagkumpul-kumpol lang doon sa ibabaw ng teacher's table. Pagkabunot ko ng nakatiklop na maliit na papel ay agad ko 'yung binuklat. Kinabahan ako at namilog ang mga mata sa pangalang nabasa ko, at agad ko ring kinulong 'yung papel sa palad ko.
Dahil bubunot pa si Khaizer, nagbigay daan ako para makabunot siya. Dumiretso balik na ako sa seat ko at doon, muli kong binasa ang pangalan na nabunot ko.
Khaizer
Shit. Siya talaga.
Nang makabalik na si Khaizer sa tabi ko, kinulong ko ulit sa isang palad ko 'yung papel.
"S-sinong nabunot mo, Khaizer?" Naitanong ko kahit wala naman talaga akong balak na magtanong ng ganon. Siyempre, dapat sikreto lang kung sinong nabunot ng kung sino man sa amin.
Pero si Khaizer, pinakita pa rin sa akin 'yung nakasulat na pangalan sa nabunot niya.
Yumi
"Oh..." Natigilan ako. Si Khaizer naman ay tinago na ang papel sa kamay niya.
"Ikaw, sino nabunot mo?"
Napakurap ako sa tinanong ni Khaizer bago tensyonadong natawa. "Secret."
Tinitigan niya ako. "Daya."
Natawa lang ako ulit at pinanood ang iba naming nga kaklase na bumunot. Ang kukulit ng iba, gusto palitan 'yung una nilang nabunot. Merong isa pa na bumulong kay Sir Lim, tapos hinayaan itong bumunot ng bago. Hindi nila sinabi sa amin ang dahilan kung bakit. Pero sa tingin ko, dahil iyon sa sariling pangalan ang nabunot ng kaklase ko.
Bago matapos ang homeroom meeting ng klase namin, may isa pang pinagawa sa amin si Sir Lim para sa exchange gifts. Sa 1/32 na piraso ng papel, nagpagawa siya ng wishlist. Doon pinalagay niya ang tatlong choices na gusto naming matanggap na regalo na dapat daw ay 'yung tig-P150 lang.
Ang hirap mag-isip ng gusto kong matanggap na regalo. May iba na nakapili agad, at dinikit na ang papel doon sa lower right corner ng bulletin board sa likod ng room namin.
BINABASA MO ANG
Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)
Teen Fiction• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)