A/N: Nakapag-update din dito after so many months! I'm sorry. Still, enjoy reading! :)
----
IKALABING-LIMA
New year's eve at alas singko na ng hapon. Pero ito ako ngayon, nagla-last minute grocery shopping kasama si Papa.
"Ano pa ba? May nalimutan pa ba tayo?"
Pagkatanong no'n ni Papa ay isa-isa kong tiningnan ang mga groceries na nasa cart namin at ang mga nakalista sa papel na hawak ko.
"Wala na po..." Sagot ko sa kanya mayamaya.
"Eh 'di tara na." Masaya niyang tinulak ang cart namin at inikot iyon papunta sa counter—pero huminto rin siya agad. "Ah, teka. Bili tayo ng manok. Pang-fried chicken. Paborito ni Cloud 'yon, 'di ba?"
Napangiti ako. Natuwa lang ako malaman na alam ni Papa ang paboritong pagkain ni Cloud. Sa tagal ba naman niyang nawalay sa amin.
Pero hindi ko na iyon ipinagtaka. Naikuwento kasi sa akin ni Mama na magdadalawang taon na silang nagkaayos. At mula no'n, lagi nang nakikibalita si Papa tungkol sa aming mga anak niya.
Nung tumango ako sa tinanong ni Papa, excited niyang inikot sa kabilang direksyon 'yung cart at lumapit sa meat section. Ako naman, sumunod lang sa kanya.
Si Papa, medyo nangangapa pa siya kung paano babawi sa amin—lalo na sa akin. Sa amin kasing tatlo na iniwan niya noon, ako pala ang pinaka-sumama ang loob sa kanya. At dahil do'n, ngayon lang siya pinayagan ni Mama na bumalik na sa amin. Nangangamba kasi sila sa magiging reaksyon ko.
Pero okay naman na kami ni Papa. Sa bawat araw na dumadaan mula nung bumalik siya, nararamdaman ko na mas lalo pang nagiging okay ang lahat sa amin—sa pamilya namin. At masaya ako ro'n.
"Shine," tawag sa akin ni Papa habang pauwi na kami. Nagmamaneho siya ng sasakyan at ako naman ay abala sa pagkain ng ice popsicle dito sa tabi niya.
"Po?" Tugon ko kay Papa.
"Totoo ba na wala ka pa ring boyfriend?"
Napaubo ako.
"Oh," natawa si Papa. "Bakit? Meron na 'no?"
Naisip ko si Louie. Pero hindi. "Wala pa po ah. Naubo lang ako kasi bigla-bigla na lang po kayong nagtanong ng ganyan."
"Ganon ba... Ehhh, manliligaw?"
Doon ako naestatwa. Si Khaizer naman ang naisip ko ngayon. Si Khaizer at ang tanong niya kung puwede niya ba akong mahalin.
Pero nanliligaw ba sa akin si Khaizer? Hindi naman niya sinabi eh...
"Wala rin po..." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Talaga?" Nakangiti at nanunuksong tanong ni Papa.
"H-hala, wala po talaga." Natatawa ako na ewan. May kaba kasi akong nararamdaman sa ginagawa kong pagtanggi na ito. Isabay pa ro'n 'yung mukha ni Khaizer na biglang sumulpot at hindi na maalis-alis sa isipan ko.
Si Khaizer... Araw-araw, nagkakausap kami—pero sa text lang naman. Nagsimula 'yon nang magpasalamat ako sa pinayo niya sa akin tungkol sa papa ko. Tapos nagtuluy-tuloy na iyon. Kung saan-saan na napunta ang kuwentuhan namin. Random topics, at hindi kasama ro'n ang tungkol sa pagmamahal o sa relasyon naming dalawa. Pero kahit na ganon, nag-e-enjoy ako sa bawat pagpapalitan namin ng text. Pakiramdam ko lang, nakikilala ko pa siya nang mas maiigi.
Khaizer Ranillo. Nag-iisa lang siyang anak ng mga magulang niya. Nang maghiwalay ang mga ito, doon na siya nagkaroon ng mga kapatid. Dalawa sa father's side, at wala naman sa mother's side. Ang bagong napangasawa kasi ng mama niya ay may sarili nang mga anak at hindi na pinlano ng mga ito na dagdagan iyon.
BINABASA MO ANG
Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)
Novela Juvenil• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)