IKALABING APAT

1.5K 55 11
                                    

IKALABING APAT


Kisame.

Kung gaano na ako katagal na nakatitig sa kisame ng kuwarto ko, wala akong idea.

Pagkakain ko ng almusal kaninang almusal, bumalik ako dito sa kuwarto ko at humiga sa kama at tinitigan ang kisame.

Pagkakain ko ng tanghalian, ganon ulit. Pati nung hapunan, at hanggang ngayong bago ako matulog.

Puti ang kisame ng kuwarto ko. Pero... hindi 'yon ang nakikita ko sa pagtitig ko ro'n. Ang nakikita ko ay ang mukha ni Khaizer na nakasilip sa pintuan ng katapat naming bahay. 'Yung mukha niyang gulat nang makita ako. 'Yung mukha niya habang umuulan.

Napapikit ako at bumalik sa akin ang inis na naramdaman ko kahapon nung makita ko siya.

Bakit hindi niya kasi sinabi sa akin na doon lang pala siya nakatira? Tinanong ko siya noon kung dito siya sa village namin nakatira, pero humindi siya eh.

Bakit ka nagsinungaling sa akin, Khaizer?

Gusto ko 'yung itanong sa kanya kahapon. Pero hindi ko ginawa. Dumiretso pasok na ako no'n sa bahay namin at inayos ang pakiramdam ko.

Pakiramdam... Ano nga bang naramdaman ko nang makita ko si Khaizer bukod sa inis?

Kinabahan...

Hindi makapaniwala...

Naguluhan...

Bukod kasi sa pagsisinunangaling na ginawa sa akin ni Khaizer, naisip ko rin ang mga signs na hiningi ko kay Louie para ipaalam sa akin kung ayos lang sa kanya na magmahal na ako ng iba. At dumating naman ang mga signs na iyon.

Ulan, at si Khaizer. Ayun ang kasagutang binigay siya sa akin ni Louie, 'di ba?

Pumikit na ako at sinubukang matulog. Pero eksakto namang tumunog at nag-vibrate ang hawak kong cellphone. May nag-text. Nang i-check ko 'yon, si Khaizer na naman pala ang nag-text sa akin.

Khaizer: I'm really sorry, Sunshine. Sana kausapin mo na ako. Sana bukas, bigyan mo na ako ng pagkakataong magpaliwanag. Please.

Hindi ko alam kung pang-ilang text message na ba iyon ni Khaizer sa akin mula kahapon pagkauwi ko. Ilang beses na rin niya akong tinawagan pero hindi ako sumasagot. Kahit reply sa mga text niya, hindi ko ginagawa.

Sa unang text pa lang ni Khaizer kahapon, nag-sorry na siya kaagad dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling. At sa bawat text niya sa akin, ganon ang laman. Sorry, at pakiusap na kausapin ko na siya para makapagpaliwanag siya.

Pero kasi, hindi ko pa alam ang dapat isagot sa kanya. Mas lalong hindi ko pa alam kung paano siya haharapin. Kasi, hindi lang naman iyon ang issue sa akin eh. Issue sa amin. Hindi pa nga ako nakakausad doon sa tanong niya sa akin na kung puwede niya ba akong mahalin, tapos ganito. Nalaman ko na nagsinungaling siya sa akin; at nalaman ko na hinahayaan na ako ni Louie na magmahal ng iba.

Nakatulog ako nang yakap-yakap ang cellphone ko. At ang sunod ko na lang na nakita ay... si Khaizer. Naglalaro siya mag-isa ng basketball sa court namin. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Masyadong natatakot ang puso ko. Hanggang sa may tumulak sa akin nang napakalakas mula sa likuran ko.

Inis kong nilingunan ang tumulak sa akin. Pero mabilis nawala ang inis ko nang makita ko ang nakakalokong ngiti ni Louie.

"Lulu naman eh! Bakit ka nanunulak?!" Nagtatampo kong sita sa kanya.

Natawa siya. "Lapitan mo na kasi si Kai!"

Si Kai?

Nakaramdam ng bigat ang puso ko. Umatake sa akin ang galit na meron ako para sa best friend niya.

Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon