IKALABING DALAWA
Awkward.
Hindi ko alam kung bakit... Sa kada attend ko ng Christmas party, awkwardness lagi ang nararamdaman ko sa mga kaklase ko.
Siguro... dahil sa mga porma namin? Gaya ngayon. Karamihan ng mga kaklase ko, ang gagara ng suot. Bongga ba. Talagang pinili nila suotin ang mga iyon para mag-stand out sila. Samantalang ako, ito, ang suot ay walang kaibahan sa laging suot ko kapag gumagala ako. Black skinny jeans, gray printed shirt, at gray sneakers. Wala pa akong makeup, hindi gaya ng mga babae kong kaklase. Ang gaganda nga nila eh.
"Hindi pa rin ba nagre-reply, Shine?"
Umiling ako sa tinanong ni Melanie. Ang cute niya ngayon sa suot na peach dress at red high heels. Kaya lang, medyo lukot ang mukha niya dahil sa kasalukuyan niyang pinoproblema.
"Tsk. Eh sinubukan mo na bang ipa-ring ang number niya?"
Tumango ako. "Pero out of coverage area."
"Ugh." Halatang nagpipigil si Melanie na magwala. "Ano bang problema ng Khaizer na 'yon?" Nanggigigil niyang tanong. "Kung hindi naman pala siya a-attend, sana hindi na lang siya nagpasali do'n sa bunutan!"
Hindi na ako sumagot. Habang nakatitig kay Melanie ay nagpatuloy na lang ako sa pagnguya sa kinakain kong kapirasong cake. Pero naiintindihan ko naman 'yung inis at pagkadismaya niya ngayon kay Khaizer. Una, siya ang organizer nitong party. Ang dami niyang pinlanong games na dapat kasali si Khaizer at si Yumi pero wala. Wala na dahil tapos na kami mag-games at nakaraos naman iyon nang wala si Khaizer.
Pangalawa, well, ayun na ngang sa exchange gifts. Ganitong wala si Khaizer, sino nang pagbibigyan ng regalo ni Yumi? Ang masaklap pa eh, hindi pa nila alam na si Yumi rin ang nabunot ni Khaizer.
Kawawa naman si Yumi. Wala na ngang pagbibigyan ng regalo, wala pang matatanggap. Napabuntung hininga ako roon. Sayang ang ganda niya ngayon. Halatang pinaghandaan niya ang magiging moment nila sana ngayon ni Khaizer. Pero wala na eh. Wala na silang magagawa. Pagkatapos nitong kainan ay mag-e-exchange gifts na kami. Tapos, uwian na.
Nagkibit-balikat ako at niyukuan na ang styro na kinakainan ko.
"Woah!"
"Ayan na!"
"Ayieee!"
"Dumating ka pa, Khaizer!"
Nagkasabay-sabay at halo-halo ang tili, hiyawan, at tawanan sa room namin. Habang ako, naestatwa lang sa kinauupuan ko nang marinig ang mga iyon.
Dumating daw? Si Khaizer?
Aba't...
Nag-angat na ako ng tingin at hinanap si Khaizer. Kakapasok lang niya ng room. Sinalubong siya nina Joe at Jay, ang kambal at makulit naming kaklase, at pati na ni Melanie na mukhang tuwang-tuwa sa paghabol niya sa Christmas party namin.
Sunod na hinanap ng paningin ko si Yumi. Nakaupo lang siya sa seat niya habang nakangiti. Sa mga mata niya, naaaninag ko ang tuwa, excitement, at pag-asa na nararamdaman niya.
Napangiti ako. Half smile nga lang. Masaya ako para sa kanya pero... medyo nawalan na ako ng gana sa magiging eksena nila ni Khaizer ngayon. Masyado na kasing late. Siraulo naman kasi si Khaizer. Pupunta rin pala, 'yung ganito pa ka-late. Kamusta naman iyon?
Binalikan ko ng tingin ang Khaizer na iyon. Nakaupo na siya, nakangiti, habang kinakausap pa rin nung kambal.
Pinagtaka ko iyon. Kailan pa naging malapit si Khaizer kina Joe at Jay? Hindi sa hindi iyon okay sa akin. Mas gusto ko nga 'yon eh, ang magkaroon siya ng iba pang mga kaibigan bukod sa akin. Para naman hindi na siya masyadong maging loner. Pero paano ba iyon nangyari? Hindi ko naman kasi siya napansin na nakikipagkaibigan na sa iba.
BINABASA MO ANG
Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)
Teen Fiction• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)