IKALABING-WALO
Ayoko na...
"Shine, ayusin mo nga mukha mo!" Sita sa akin ni Mama na kasama ko ngayon sa kuwarto ko. "Ayan ka na naman eh. Maganda nga ayos at itsura mo, pero nakasimangot ka naman. Hay nako, anak!"
Bakit ba naman kasi ako hindi sisimangot? Nakaka-ilang kaya sa pakiramdam nitong suot at ayos ko ngayon.
Ngayon, nakaupo ako sa kama ko at sa tapat ko ay nakapuwesto ang whole body mirror ni Mama. Kitang-kita ko ang sarili ko. Ang buhok ko, naka-bun at may ilang hibla ang sadyang iniwan na nakabagsak sa batok ko. Ang mukha ko, may hindi kapakalan na make up. At ang katawan ko, may suot na brown, strapless dress na lagpas-tuhod lang ang haba.
Sa nakikita kong repleksyon ng sarili ko sa salamin, hindi ako makakatanggi kay Mama. Totoo nga, ang ganda ng ayos at itsura ko ngayon. Pero... para kasing hindi ako ito eh.
"Sige ka, Shine. Gusto mo bang ganyan ka makita ni Khaizer, ha?"
Khaizer.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nasa sala sa baba lang pala si Khaizer, kasama sina Papa at Cloud.
"Dali, ngiti na, Shine. Huwag mo sayangin ang ang gabing ito. Nako, last pa naman na ninyo ito. Hindi niyo na magagawang ma-experience pa ulit ang JS Prom dahil ga-graduate na kayo."
Oo nga naman...
"Ikaw nga, suwerte mo eh," dagdag pa ni Mama habang nakatayo sa tabi ko at nakatingin din sa repleksyon ko sa salamin. "'Yung lalaking gusto mo, magiging escort mo. Samantalang ako noon, puro kaibigan ko lang na mga babae ang nakasama ko. Nagsama-sama kaming mga walang love life." Sabay tawa niya. Pati ako, natawa.
Naalala ko rin, 'yung naikuwento niya sa akin nitong nakaraan lang tungkol sa love story nila ni Papa. Sabi niya, nasa college na sila nung magkakilala sila.
"Ay," mula sa sa pagtitig sa repleksyon ko ay aligaga siyang humarap sa akin. "Tara na, Shine! 'Di ba six ang start ng prom niyo? Anong oras na oh? Nako."
Well, according sa orasang nakasabit sa pader nitong kuwarto ko, 5:47PM na. Dapat nga nagmamadali na ako. Pero... Nahihiya talaga ako! Hindi ko kayang harapin si Khaizer nang ganito ang ayos ko.
"Shine, ano na? Tumayo ka na diyan." May otoridad sa boses ni Mama.
Umiling ako.
"Isa..."
Mabilis pero nakasimangot akong tumayo.
"Alisin mo na simangot mo sa mukha mo."
Napakagat-labi ako.
"Isa..."
"Ito na po!" Pilit akong ngumiti. Natawa naman siya.
"Hay, Sunshine!" Niyakap niya ako. "Okay lang 'yan. Huwag ka mag-aalala sa mararamdaman ni Khaizer ngayon. Dahil sigurado ako..." Binitin pa niya ang sasabihin niya.
"Siguradong?"
"Eh ano pa ba?" Bumitaw na siya at hinarap ako, ang mga labi niya may nakakalokong ngiti. "Eh 'di mababaliw lang naman siya sa ganda mo!"
Hindi ko mapigilang matawa. "Grabe naman 'yon, Ma."
"Hm," tumango siya. "Kasing grabe ng ganda mo ngayon. Kaya tara na!" Humawak siya sa isa kong kamay at inakay ako palabas ng kuwarto ko, hanggang sa pagbaba ng hagdanan.
Sa bawat hakbang namin pababa, palala nang palala ang kabang nararamdaman ko. Sa sobrang kaba ko eh kulang na lang yata ay mahimatay na ako.
Halfway pababa, kita na ang sala namin, kaya nakita na rin namin si Papa na relaxed na nakaupo sa sofa paharap sa amin. Sa tabi niya ay si Cloud na mukhang inaabangan talaga ako. At sa tapat nila, nakaupo si Khaizer. Nakatalikod siya sa amin ni Mama kaya hindi ko pa masilayan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Tuwing Umuulan... (ULAN Trilogy Book 2)
Teen Fiction• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - 𝟮𝟬𝟭𝟳 • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐)