Parang kahapon lang nung in-announce niya na ikakasal na siya. Tama bang di ko siya pinigilan. Eh bat ko ba siya pipigilan? Sno ba naman ako para pigilan siya? Ganun na ba ako ka-torpe at di ko agad nasabi ang nararamdaman ko para sa kanya? BAKLA ako eh. pero, Ewan. Madalas akong ganito eh. Yung hindi ko kayang sabihin ang tunay kong nararamdaman. Di naman ksi ako yung taong showy. Tinatago ko nalang pag may nararamdaman ako. Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin. Ayaw kong manakit ng ibang tao. Natatakot ako na kapag sinabi ko, baka magalit o ma-offend yung tao na yon. Minsan kasi, iba yung dating sa kanila ng mga sinasabi mo eh.
Buti pa ang mga bata. Kung may gusto silang itanong o sabihin, nasasabi agad nila. Di ka rin naman pedeng ma-offend kasi nga, bata yun. Pero dapat mong ituro sa kanila ang tamang asal lalo na pag sikreto lang yung isang bagay at hindi pwedeng sabihin.
"Meme, lalim ng iniisip mo ah? Share naman jan." sabi ni Buern.
"Ay.. De, wala to, sige ayusan nyo na ako. Ilang oras nalang, aalis na rin tayo" haay Vice. Mga palusot mo!
"Sige na nga. Pero meme, usapang bakla. Gay talk, ganern?" -Buern
"Nako, ayaw ko na ng mga ganyan. Magbibihis na ako" tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta na sa CR para magbihis. Habang sinusuot ko yung barong ko, naiisip ko. Paano kaya kung ako yung ikakasal ano? Yung, ako yung lalaking kasama niya sa harap ng altar? Yung magsusuot sa kanya ng singsing, hahalik sa kanya. Ghhad, Vice. Kung ano-ano iniisip mo. Paglabas ko, nakahanda na din yung mga beks. Ready na sila. AKo kaya?
Nandito na kami sa harap ng simbahan kung san gaganapin ang kasal ng isang babaeng minahal ko. Si Ana Karylle Tatlonghari na mamaya ay Ana Karylle Yuzon na. DApat masayalang kami ngayon. Kaya kahit medyo masakit pa, ngumingiti nalang ako. Pero kahit ganun, alam kong may isang tao na makakaalam na fake smile iyon. Ang bestie kong si Billy.
"Pst, bestie. Ang fake mo, grabe!" bulong niya sakin nang magkasalubong kami.
"Oo na, fake na kung fake." sagot ko sa kanya. Shocks. Wala ako sa sarili ko ngayon. Umikot yung paningin ko sa loob ng simbahan. Yung lalakaran ni Karylle, mga bulaklak sa gilid ng mga upuan, yung spot sa gitna. Ang romantic lang.
"Bestie, pede mo ba akong samahan?" tanong ko kay Billy. Wala talaga ako sa sarili ko.Ang gusto ko lang samahan niya ako.
"Ha? San, bestie"
"Doon. Tara..." sabi ko habang tinuturo yung spot sa harap ng simbahan kung saan tumatatyo yung groom kasama ang best man.
"Bestie, bat tayo nandito? Nakakahiya..."
"Arte. Gusto ko lang naman ma-experience to." nakatingin lang si BIlly sakin na parang naghihintay ng kwento. At oo, may ikukwento ao sa kanya.
"Alam mo, bestie. Pinagarap ko noon na ikasal rin sa simbahan. Pero, ako yung lalakad jan sa gitna at sasalubungin ako ng gwapo kong groom. Kaso, may isang babae na nagbago ng pananaw ko na iyon sa gusto kong kasal. Dinala niya ako sa isang simbahan noon, anlaki nung simbahan. Maganda, maaliwalas ang kulay at perfect sa kasal. Sabi niya, gusto niya daw ikasal sa simbahan. Shempre, san pa ba?" tumawa kami ng slight. "Gusto niya daw, dun sa taong makakasama niya, forever."
"Sino daw yun?" tanong ni Billy.
"Ewan. Wala siyang sinabi. Pero sinabi niya sakin yung wedding vow niya. Sabi niya..."
"...dun naman sa makikilala ko na makakasama ko dito sa altar ang wedding vow ko, sana ikaw na talaga. Ikaw na yung taong kukumpleto sa araw ko. Ikaw yung taong magpapatawa sakin sa mga pagkakataong malungkot ako at..."
"Gusto mo pala ng clown?"
"Ehh. Vice naman eh. Hahaha! Okay, continue na ako ha?... Sana ikaw na yung tao na hindi magsasawang mahalin ako despite of my weirdness.." tumawa siya. Ang cute lang. Di ko na masyadong narinig yung sinabi niya. Nakuha kasi ng mukha niya yung atensyon ko. (A/N: Parang familiar.. Jk.)
"At sana, ikaw na yung... Buhay Ko." sabi niya habang nakatinign sa'kin.
"Uyyy.. Nag-assume."-Billy
"Hindi ah! Alam ko namang si Yael yung tinutukoy niya don."
"You're not so good in making palusot, okay? Kilalang-kilala na kita, Viceral. Mga galawan mo."
"Pero bestie, sa totoo lang, nung mga panahong nasa indenial stage ako..."
"Hanggang ngayon naman."
"Che! Yun nga, nakikita ko nun yung nakatayo ako dito mismo. Tapos kasama kita dito or si Vhong. Tapos lalakad si Karylle jan, papalapit sakin. Tapos iaabot siya sakin nung papa at mama nya. Tapos...'
"Bestie, tara na. Padating na si Yael." hinigit na ako ni Billy. OMG! Eto na talaga yun? Inakit ako ni Billy na umupo sa tabi nila ni Coleen pero di ko na tinanggap yung alok niya. Pumwesto ako sa dulo. Sa may pinto. Alam kong di rin ako magtatagal dito. Alam na alam ko na. Gusto ko lang muna siya makita bago siya ikasal dun kay Yael.
At yun nga, she's the most beautiful bride in the world! Ang swerte ni Yael. Grabe! The ceremony started at nakatayo parin ako dito. Nakikinig sa sinsabi ng pari. Hanggang sa mga 'I Do' nila. Ang sweet din nung wedding vows nila. At eto na yung last... last part of the ceremony where my lady be other's lady. Where my girl, be the Wife of other person. Pinakahihintay to ng lahat. Tumalikod nalang ako at naglakad palabas habang sinasabi ng pari yung mga last words nayun.
"You may now kiss, the bride"
At dun na ako naluha. Nauna na ako sa reception. Grabe. Di ko manlang sila nilingon kanina? Nakaya ko pala yun. YES! I'M HURT BIGTIME! Pero dahil mahal ko si K, kailangan ko nalang tanggapin yung katotohanan. Ayaw ko namang maging daot sa kanilang dalawa. Alam ko kaya ang feeling ng laging may daot. Ayaw ko rin siyang bigyan ng sakit ng ulo kaya hinayaan ko nalang na ako ang mamroblema at masaktan.
Tinawag ako para magbigay ng message for Mr. and Mrs. Yuzon. After nung message ko na hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko, umupo na ulit ako sa tabi nina Billy. Wala akong kinakausap ni isa sa kanila. kaninang-kanina pa. At sa tagal ko ditong nakaupo, feeling ko butas na yung bangko.
"Bestie!! Magki-kiss sila ulit! Hindi mo to nakita kanina. Bat ka pala umalis?
"Ahmm. Ano, may tumawag kasi sakin eh. Tapos nag CR ako." dahil sa sobrang kilig ni BIlly, di na niya napansin yung mga sinabi ko. Uggh. Kiss again? Duuh. Shempre aalis ako. Ay teka, medyo lasing na nga pala ako kasi since na nagkuhaan ng foods, alak agad kinuha ko. Nahihil pako ng slight pero keri na mag drive. Di na nila ako napansin kasi nakatutok sila sa nguso nung dalwa.
I'm driving all alone at di ko alam kung saan ako pupunta. Medyo madilim din tong nadadaanan ko at nahihilo na talaga ako. Parang mamaya nalang, pipikit na yung mata ko isama pa yung nakakapagod na araw na ito. Sa halip na mag drama, iniisip ko nalang yung mga moments namin ni K. Hanggang dun sa ViceRylle Photo of The Day namin kanina. Feeling ko tuloy kami yung kinasal. Kaso, kahit na sa sobrang sya ng life, may mga times na malungkot din talaga. Sa ngayon, nasa isip ko, hindi ako nag dadrive. Pumikit ako. Unti-unting pumatak yung luha sa mga mata ko. Dumilat ako at alam ko pa namang safe tong dinadaanan ko. Dahan-dahan kong kinuha yung box ng tissue ko sa back seat hanggang sa nakuha ko ito, kaso nalaglag. Yumuko ako at hinanap yung tissue. Di ko sya makita!! Inangat ko yung ulo at tanging maliwanag na ilaw nalang ang nakita ko at --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Anooo! Kuya! Pakiulit?!!!" isang sigaw ang nakabulabog sa masayang party sa reception ng kasal ni Yael at karylle. Sigaw ni Anne habang may kausap sa phone. Mangiyak-ngiyak na ito at tila nanigas sa kinatatayuan niya.
"Anne, bakit?" tanong ng mga hosts sa tabi niya.
"Guys... " halos mag break down na si Anne. Lumapit na sa kanya si K kay Anne at ang lahat ay kinabahan sa gustong sabihin ni Anne.
"Guys... Si VICE"
--
A/N: Hi! First ViceRylle Story! Sana magustuhan niyo ito sib! Natuwa kasi ako sa story ni @trinkernathy na InLove With A 5 Year Old. Naisip kong gumawa ng version na si K namanat si baby tutoy. Kung meron nang ganto, edi sana magkaiba kami ng idea at plot ng story. Thank You!!
VOTE
COMMENT
SHARE
#ViceRylle
BINABASA MO ANG
Untold Feelings (FINISHED)
Random" Can my younger self tell her what I really feel? " "Can they truly understand what I need from the younger me?" (ViceRylle)