Secret

239 11 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan at nanatili na si Tutoy sa tahanan ng mag-asawang Yuzon. Sa loob ng ilang buwan na yun, madalas na wala si Yael gabi-gabi dahil sa "gig" daw nila. Nagsimula nang maghinala si Karylle pero dahil may tiwala sya kay Yael at mahal na mahal nya ang asawa, binalewala nalang nya ang kanyang paghihinala.

Kasalukuyang nasa DR si Karylle at namomroblema dahil halos trenta minuto nang nawawala si Tutoy.  At 15 minutes nalang ay magsisimula na ang programang "It's Showtime". Tinulungan na rin sya ng Team Vice at ni Anne sa paghahanap pero wala parin hanggang sa...

" K? Eto na si Tutoy oh! Hahahaha! Grabee! Ang saya nya kasama. Sama mo ulit sya next time! " si Billy.

" Oh my God! Tutoy naman! San kayo galing?Panong... "

" Ewan ko rin, K. Basta nags-scooter lang kami sa labas ni Kuys Vhong tapos tinawag nha kami. Tinawag nya akong bestie. Lakas maka-Vice Ganda. Hahaha! "

" Buti nalang sa inyo sya sumama. Tutoy, sa susunod, magsasabi ka naman. Kinabahan ako eh. " -K

" Sowwiiieee po.. Wag ka na magalit. Lab lab naman kita eh " niyapos ni Tutoy si K at kimiss ang cheeks nito. Na-touch naman si K sa ginawa ng bata.

" Sige na. Abswelto ka na. Basta wag mo na ulit gagawin yon ah? "

" Ah.. k? San mo nga pala napulot yan? Haha. " natatawang tanong ni Vhong.

" Jan lang. Sa parking lot. " tipid na sagot ni Karylle.

" Ah. Eh.. hindi mo na ba hinanap ang magulang nya? "-Billy

" Hinanap ko naman eh. Kaso, kahit desperado na akong ibaluk tong bata, wala parin akong magawa. "

" Kailangan mo ba ng tulong? " -Billy

" Hindi na Billy. Siguro, susulitin ko nalang muna yung time na kasama ko si Tutoy.  Baka kasi bukas, wala nang tutoy ang mangungukit sakin. Iba kasi eh. Alam mo yung, parang ang tagal-tagal ko na syang kilala at nakasama? Hehe. Nakikita ko kasi si Vice sa kanya everytime na magkasama kami. " nangingiting paliwanag ni Karylle.

" Nikikilig ka na naman, kuwba " singit ni Tutoy.

" Hahahaha! Haay nakoo. Isama kaya natin sya mamaya sa pagdalaw kay Vice? Diba? " request ni Vhong.

" Oo nga noh. Sige sige. After ng show. "

----

" San tayo punta kuwba? "

" Sa hospital "

" Ha? Bakeet? May sakit ikaw? "

" Hahaha. Wala, baby. May dadalawin lang tayo "

" Ahiiii.. Sino? Kwas mo? "

" Oo, crush nya. Aray naman K!! " sabi ni Vhong at nakatanggal ng palo mula kay Karylle.

" Yaan mo yan. Kinikilig yan eh ” sabat ni Jugs.

" Gwabe kayo pooo! Hahaha! Yam mo kuwba, may sikwet kami nk Bays " nagtaka ang lahat ng nasa sasakyan sa sinabi ng bata.

" Ano yun? Close pala kayo? " -K

" Opoo! Cwose kami. Parang suman "

" Hahaha. Grabe kang bata ka. Sige, ano yung secret nyo ni Vice? "

" Sikwet nga diba? " nagtawanan lahat dahil sa kakulitan ng bata.

Pagbaba ng sasakyan, dumiretso na agad ang Showtime hosts na bibisita kay Vice. Anne, Billy, Vhong, Jhong, Karylle, Jugs at kasama na si Tutoy.

Lumabas na muna ang nagbabantay kay Vice na kaibigan din niya. Hinayaan na muna nila ang mga sarili nila na maupo at tingnan ang kalagayn ng kaibigan.

Limang minuto....

Sampung Minuto....

Dalwampung minu--

" Bakit sya tulog? " (bastos na bata) tanong ni Tutoy dahil kanina pa nya napapansin na wala manlang balak gisingin ng mga kasama nya si Vice.

" Kasi baby, comatose sya. Yung tulog lang. " -K

" Kuwba? Gusto mo, gisingin ko sya? "

" Paano mo naman yun gagawin? Doctor ka ba "

" May sikwet nga kami ni Bays diba? "

Maya-maya pa ay naisipan nilang bumili ng makakain. At dahil makulit si Tutoy, nagpaiwan sya sa kwarto dahil gusto nya daw matulog. Pagkaalis ng mga kasama ay dahan-dahang lumapit si Tutoy sa kama ni Vice at umakyat doon. Tinitigan nya si Vice at inirapan. Kinuha ni Tutoy ang isang maliit na bote na may lamang tubig na nakatago sa bulsa nya at naglagay ng kaunting laman nito sa kamay niya. Pagkatapos ay pinahid sa ulo ni Vice at nag crossed arms.

" Hays. Alam mo bang naaabala ako? Arte-arte mo kasi. Banban ka kasi. Ayan tuloy. "

" Ikaw ang maarte. Batang to! Ito na nga lang ang gagawin mo nagrereklamo ka pa. " sabi ni..... Vice. Ngunit ito ay nakapikit parin. Tanging voice over lamang ni Vice ang nakikinig.

" Bays , alam mo, magising ka na kasi. " wala nang sumagot. Ganito ang nangyayari kapag alam ng mahiwagang chorvanes na may iba pang taong nakikinig sa kanila. At hindi nga nagkamali ang mahiwaga na iyon. Dahil sa likod ng pinto, nakadikit ang mga tenga ng nga hosts.

" Wala naman eh. "

" Wait. Naiyak ata si Tutoy. "

" baka nananaginip? "

" tara pasukin na natin. Baka bangungutin yun "

Dahan-dahan  nilang binuksan ang pinto at narinig ang isang batang humahagulhol.... Sa kama kung saan nakahiga si Vice. At habang umiiyak sya ay may sinasabi sya.

" Bays, magising ka na kasiii! Diba? Sabi mo gigising ka na. Bakit tulog ka pawin? Bays naman ang daya mo eh!! Baaaays!! "

"tutoy, ano yan? Halika ka nga. " binaba ni Karylle si Tutoy at niyapos ito para pakalmahin.

" Kuwba, sabi ni bays gigising na daw sya. Gigising na sya para sayo. Hindi ka daw nya sasaktan tulad ni Yael. Sabi nya pa sakin, wag ka daw magbulag-bulagan. Kung ano yung sinasabi ng utak mo, ipaintindi mo sa puso mo. Tama yung paghihinala mo " biglang nabuhayan si Karylle sa mga sinabi ni tutoy. Dahil totoo nga naman, may hinala sya pero binabalewala nya lamang iyon. At sya lamang ang may alam ng paghihinalang iyon. Imposibleng malaman ni Tutoy yon dahil hindi nya iyon sinabi at sigurado sya dun.

----

Pagkauwi ng bahay, lutang na pumunta si Karylle ng kwarto nilang mag-asawa. Wala doon si Yael dahil may gig na naman daw sa. Dahil doon, pinanlabanan na ni Karylle ang kanyang sarili. Kinuha nya ang cellhone nya at tinwagan si Armo. Ang kabanda ni yael.

" Oh? K? Buti napatawag ka? Tatawagan din kasi kita to ask if Yael would like to join us in our gig? Hindi kasi namin sya makontak. Almost One week na rin "

Nabitawan ni Karylle ang kanyang cellphone dahil sa gulat at pagtataka. Akala nya kasi ay may out of town gig ang asawa ng ISANG LINGGO. Iyon kasi ang paalam ng asawa nya sa kanya.



----

Hello guys;! Sorry sa late kate late na UD na ito. Nawaka kasi yung fike ko sa USB eh. Sosad. Pero ginawan ko na ng paraan.

And sorry talaga. Kasi this past weeks, naghahanda kami para sa Cultural night namin sa school at kasali ako sa folk dance. Foundation week namin eh. Ang luckily, we won CHAMPION last Tuesday. Haha. So.. Enjoy reading! Salamat nga pala sa lahat!

At promise babawi ako. May hinanda na akong chapter na ewan ko lang(sana) kung magugustuhan nyo. Hehe.

VOTE

SHARE

COMMENT

#SecretRevealed (soon)

Untold Feelings (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon