Matapos ang pangyayari sa ospital ay sinimulan na ni Vice ang kanyang panliligaw sa dalaga. Ayaw nyang madaliin ang lahat kaya ginagawa lang nya kung ano ang dapat. Hindi naging madali ang kanyang naging pagsuyo sa dalaga dahil sa mga magulang nito. Una, nangangamba ang ama at ina ni Karylle dahil nga sa bakla si Vice. Hindi naman niya masisisi ang dalawa dahil nga may katotohanan ang prediction nila. Na maaari raw na magbago ang isip ni Vice at muli itong magmahal ng lalaki at iwan si Karylle. Pangalawa, SHOWBIZ. Oo nga't bawal ngunit sa time na ito, ipinangako na ni Vice na ipaglalaban na niya ang kung anong meron sa kanila. Kung kakayanin, itatago nila ito. Pero hindi ibigsabihin na ikinahihiya nya ang relasyon nila. Panghuli, paano nila pananatilihing masaya at matatag ang kanilang relasyon sa hinaharap kung ito'y tago at hindi alam ng Public.
Ngunit ginawa ni Vice ang lahat para matuloy ang panliligaw na gusto niya. Isang gabi pagkatapos ng shooting para sa kaniyang upcoming movie ay dumiretso si Vice sa tahanan ng ama ni Karylle. Kahit nilalagnat at nahihilo ay nilabanan ito ni Vice. Tumigil pa nga siya sa isang tabi at doon, ay naglabas ng sama ng loob (alam na dis). Madaling araw na nang makarating siya sa kanyang paroroonan. Hinintay niya ang pagsikat ng araw dahil nakwent sa kanyan ni Karylle ang daily routine ng ama. Pasapit ng alas sais ng umaga, mula sa sasakyan ay nakita niya si Dr. Modesto na lumabas ng bahay. NAgmadali siyang bumaba at hindi siya nabigo. Napansin siya ng ama ni Karylle at pinapasok muna ito sa loob ng bahay.
" Sabi sakin ni K, may shooting ka daw? Am I right? "
" Ah, yes sir. "
" Then, why are you here? Dito ba kayo magsho-shoot? "
" Ahm, no po. Actually, kayo po ang sadya ko. "
" Why? Tungkol na naman ba to sa panliligaw mo kay Karylle? I remember, the last time you went here, tinanong kita if ready ka sa consequences and nag-excuse ka because of some reasons. Then after 5 months, you're here again. "
" I'm sorry for that, sir. Emergency po iyon dahil sumaglit lang ako dito. Kaya po ako nandito is to prove myself na handa na po ako. And I'm hoping that you'll give me a chance. "
" Look, I'll be honest with you, Vice. Nakita ko lahat at narinig ko from Karylle kung gaano mo siya napapasaya. And I thank you for that. Malaki na kayo, Vice. You can decide on your own. Alam nyo na ang tama at mali, mabuti at masama. Pero alam ko namang gusto mong maging formal kaya nandito. "
" opo. "
" Okay. " sabi ng Ginoo at tumayo na sa sofa.
" Sir? What do you mean? "
" Okay. Payag na ako. Just promise me one thing. Don't be like them. Kilala mo na ang tinutukoy ko. Sana ikaw na ang magdala sa anak ko sa altar. And again, thank you. "
BINABASA MO ANG
Untold Feelings (FINISHED)
Random" Can my younger self tell her what I really feel? " "Can they truly understand what I need from the younger me?" (ViceRylle)