A new chapter

243 10 3
                                    

Makalipas ang ilang buwan....







" Tutoy! Wag kang malikot! " saway ni Karylle kay Tutoy. Kanina pa kasi ito takbo ng takbo na para bang nagpapahabol sa kanya.

" Ahahahahaha! Habulin mo po ako! " sabi ni Tutoy habang takbo parin ng takbo. Nang mapatingin si Tutoy sa likod ay hindi nya napansing may nakaharang na stool sa kanyang daan kaya bigla syang natapilok at bumagsak sa sahig.

" Tutoy!! " tumakbo kaagad si Karylle para matulungan si Tutoy

" Aray, sakit naman nun. "

" Toy, ano ba yan? Ayan, nasaktan ka tuloy. "

" Sorry, K. "

" Wag mo nang uulitin yun ha? Ayaw ko ng mangyari uli sa'yo yung nangyari dati. Mag-iingat ka na ha? "

" Opo. Pwamis. "

" Hays. Kinabahan ako doon. Basta mag-iingat ka ha? Baka kung mapano ka na naman, tapos... " napatigil sandali si Karylle dahil sa kanyang mga naalala. Ayaw nya nang mawalan muli ng minamahal sa buhay. Si Tutoy nalang kasi ang tangi nyang pinagkukunan ng lakas sa twing sya ay nahihirapan.

" K, wag ka mag-alala. Pag nawala ako, anjan naman si Bays ih. Di ka nun iiwan, "

" Anong iiwan? Hindi. Hindi mo ako iiwan. Dito ka lang. Ikaw talaga. "

" Di ko yun mapapapwamis, K. Pewo, tandaan mo to haaa... Lab kita. Lab ka ni Tutoy. Bewi mats. "

" Ikaw talaga. Kung ano-ano sinasabi mo. Lika na, maglinis ka na ng katawan at matutulog na tayo. "

Habang hinahayaang maglinis ng mag-isa si Tutoy, nagpunta muna si Karylle sa veranda ng kwarto niya at doon, ay nag-isip-isip. Hindi lang niya alam kung bakit kanina pa niya iniisip ang sinabi ni Tutoy. Natatakot na siya. Natatakot na mawalan ng kasama sa buhay.

" Kung hindi ko kasi pinayagan si Yael na umalis dito, edi sana may kasama parin ako kahit mawala man si tutoy " isip ni Karylle.

" Shempre, Karylle, hindi mo din pwede gawin yun. May sarili na siyang buhay... " natatawang sabi ni Karylle sa sarili.

" Pero, paano nga kung may limit yung time ko with Tutoy. Paano kung, pinadala lang siya dito para sa amin? Sa akin?.... Hindi. Karylle, erase.. Erase.... Eeeehh. Pano nga kung ganun? "

Ayaw niya sanang isipin pero dahil yun ang mangyayari, dapat niya ring isipin. (Ano daw) Tumingin siya sa kalangitan at binilang ang mga bituing kanyang nakikita. At ng mapatingin sa isang bituim sa may buwan ay kumislap ito sa kanya. Weird man pero para kay Karylle, nginitian siya ng bituin at isa itong sign para sa kanya.
Pagbalik sa kwarto, ay naabutan niya si Tutoy na nakahiga na sa kama. Tinabihan niya ang bata at niyapos. Ilang minuto lang ay napansin ni K na tulog na ang bata. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakayakap at kinuha ang cellphone niya. Alam niyang masyado ng late ang oras pero hindi niya mapigilan ang mga bagay na gumugulo na naman sa kanya. Kailangan niya ng kausap.

" Hello? Nagising ba kita? " tanong niya sa kausp sa kabilang linya.

" Ahm, hindi naman. Actually, kakauwi ko lang. Hmm. Let me guess, may problema ka noh? " sagot ng nasa kabilang linya.

" Hay, yes, meron. There's something kasi na... hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala. Anne, paano mo malalaman na mission accomplished ka na? " sabi ni K, kay Anne.

" Hay nako, K. Don't ask me things like that. Pero sige na nga, dahil love naman kita, sasagutin ko na. Well, for me, masasabi kong mission accomplished na ako kung natapos ko na yung dapat kong gawin. Like, kapag sa house chores. Diba? "

Untold Feelings (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon