(Yael)
Umuwing pagod si Yael. Galing kasi siya sa isang apartment at doon, siya ay nanatili noong isang Linggo syang nawala. Dahan-dahan ang paglakad nya papuntang kusina at parang baliw dahil hindi siya mapakali. Nababagabag siya. Para bang nagtatalo ang kanyang isip at konsensya. Sinasabi ng isip nya na "Huwag Muna" ngunit nakokonsensya sya kung itatago niya iyon ng matagal, baka lalo syang kamuhian ng asawa.
Kumuha siya ng isang baso ng tubig at naupo sa dining table. Kinuha nya rin ang kanyang cellphone. Wala syang ginagawa. Nakatitig lamang sya sa magandang larawan ni Karylle nang biglang may nag flash na Phone Call sa kanya.
Rianna Calling....
END CALL
Ayaw nya ng istorbo. Gusto nya lang mag-isip. Mag-isip ng dahilan at idadahilan sa asawa nya. Hindi niya ginusto itong mangyari. Ayaw nyang magkasala. Isang buwan palang nang ikasal sya. Ngunit nagawa na agad nya ang pwedeng makasira ng kanilang relasyon bilang mag-asawa. Ang .....
----
.....
!!!!!
:);):););););)
(Tutoy/Vice)
Hindi makatulog si Tutoy. Hindi pa siya pagod at lalong hindi naman siya inaantok. Hindi normal sa isang apat na taong gulang na bata ang gising pa ng alas dos ng umaga. Ngunit mayroon talagang bumabagabag sa isip nya. Iyon ay kung paano matutulungan si Karylle na buksan ang kanyang mata sa katotohanan. At tulungan si Vice. Tulungan na maging matagumpay ang nais niya. Ang mapaamin si Karylle na mahak sya nito. Ayaw ni Vice umasa. Dahil baka ma-hopia lamang siya. Kaya ngayon, tinawagan nya ang Mahal na Bertud at humingi ng tulong. Nais nya sanang malaman ang lahat ng katotohanan sa paligid niya.
Si TUTOY ang tulay sa nais niya. Hindi niya alam kung kailan, saan, paano magtagumpay at magtatagumpay. On the spot ika nga. At kung sa laban, sariling diskarte ang kailangan at katalinuhan ng utak. Madalas silang nag-uusap ni Tutoy. Sa panaginip at imahinasyon ng bata.
Humiga si Tutoy sa malabot nyang kama at ipinikit ang mga mata nya.
"Bays, magpakita ka please? Gusto kita makausap. Naguguluhan na ako. Hindi ko na yata kaya" sabi ni tutoy sa sarili. At sa pagpikit nya, may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.
------
:(:(:(:(:(:(:+:+:+:(
:@+%;893(#!99$+
;;!!?++;$(#(29;;
(Karylle)
Isa pa si Karylle sa hindi makatulog sa loob ng tahanang iyon. Dahil sa mga narinig mula sa kay Armo at Tutoy ay kanina pa sya binabagabag ng kanyang isip at puso. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. Mahal sya ni Yael at alam niyang hindi magsisinungalinh ang asawa nya sa kanya. Ngunit, nasaan nga ba si Yael? Bat wala pa sya sa tabi ni Karylle? Tama nga ba talaga ang mga paghihinala ni Karylle?
Isang litrato ang nakahalukipkip sa libro ni Karylle sa may kama. Kinuha nya iyon at tinitigan. Iyon ang taong nakakapagaan ng loob niya sa tuwing nanghihina na siya at nawawalan ng lakas. Pero ang taong iyon ay hindi na niya muling nakakausap. Dahil ang taong iyon, ay ang taong nasa ospital, nakahiga sa puting kama, at hindi alam kung kailan siya magigising.
"Sana, nalaman ko agad. Hindi mo naman sinabi eh. Hinintay mo pang makuha ako ng iba bago ka umamin. Ganyan ka naman. " sabi ni Karylle sa litrato ni Vice.
Kasunod niyang kinuha ang isang sulat na nakahalukipkip din sa libro. Ang sulat na kasama ng libro na regalo ni Vice kay Karylle noong ikasal ito. Wedding gift niya. (Yung picture, si Karylle na ang naglagày non)
Muli niya itong binasa.... Sa pang walong pagkatataon.
Hi Kurba!!
Congrats ha! Ang swerte ni Yael kasi nakilala ka niya, naligawan ka niya, sinagot mo siya, tinanggap mo siya, pinakasalan mo siya at kasama mo siya. Sana lang hindi ka nyan saktan. Mukha palang eh.... Mukha nang mabait. Yon! Hahaha!
Deadma ka na ba sa loveteam? Ako kasi hindi pa. Joke joke lang yung sinabi ko noon. Bati na nga tayo diba? Hahaha! Sana kahit kasal ka na, wag mo paring kalimutang.. HOY! MAY KALABTIM KA PA! WAG KANG DEADMA! MAGAGALIT ULIT AKO SAYO BAHALA KA. Hahaha! Pati mga babies natin ha? Wag mo silang pababayaan. Ikaw yung tipo ng taong hindi naman snobber kaya alam kong mapapansin mo sila lahat.
Ikaw, bilang isang mabait, thoughtful, at almost perfect na tao (para sakin) ay deserve na maging masayà. Kaya mga najan ka na sa stage na yan diba? And I'm so lucky. I'm lucky I'm Inlove with my Bestfriend. Yes! Ana Karyle. Kras kita noon pa. Wag ka sanang magagalit. Hehe. Nakakahiya nemen. Pero sana itong oag amin ko eh, wag makasira ng relasyon ko. Sinabi ko lang kasi nababagabag ako eh. Hahaha! So, kung mababasa mo to, nagkaroon na rin ng peace yung mind ko.
Salamat sa lahat ha? Salamat sa pagiging shoulder to cry on ko, at lagi mong tatandaan, may nagmamahal sa'yo nandito ako. At kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, Kapit ka sa akin. Hindi kita bibitawan. Hahaha!
CONGRATULATIONS KURBA KO! Alam kong magigong mabait at perf kang wife kay Yael. At sa magiging anak nyo, perf kang ina. Sa babies palang natin eh.
I LOVE YOU!!
(alalay sa damdamin. nako sinasabi ko sayo.)Love,
Vice Pogi
" I Love You too, Vice. Always "---
Halloooo!! Sorry sa typos. Sa cellphone na kasj ako nagtype eh. Sira sa laptop. Hahaha. Btw, hindi po sira ung cellphone or kahit anong gamit nyo sa pagbabasa ha? May ganun talaga yun yung kung ano ano ang symbols. Hahaha. Trip ko . walangbbasagan ng trip bruh.
Salamat!!! Love yoh all!
VOTE
COMMENT..SHARE
BINABASA MO ANG
Untold Feelings (FINISHED)
Random" Can my younger self tell her what I really feel? " "Can they truly understand what I need from the younger me?" (ViceRylle)