" Ahm, K, Sinong Tutoy? "
" Si Tutoy. Ito talaga si Anne. Wag ka ngang ganyan. " natatawang sagot ni Karylle.
" K? Kumain ka na ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Who's Tutoy? " bigla namang nakaramdam ng kakaiba si Karylle sa reaksyon ni Anne. Kaya dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto kung saan nya huling iniwan si Tutoy.
At doon,
Nakita niya na nakatayo si Tutoy. Nakasuot ng all white na suite, at white hat. Malaki ang ngiti nito ngunit makikita sa kanyang mata na malungkot ito.
" Hi, Ana, Karylle, Ana Karylle, Kurba, Mommy K, K, Kurbabe at kung ano pa man ang tawag nila sa'yo. Salamat po ha? Salamat po kasi nung una tayong nagkita sa parking, hindi mo po ako iniwan doon. Simula palang alam kong malaki ang magbabago sa buhay niyo pag dumating ako. Yung relationship mo kay Yael, yung nararamdaman mo para kay Bays, yung pagmahahal mo sa kanya at yung pagiging matatag mo po sa lahat. Sorry din, kasi naging makulit akong Tutoy. Naughty nga po diba? Pero alam mo po, malaki ang improvement mo. I can see na kaya mo nang hamunin ang iyong mundo pagkat tuloy parin. Hehehe. Kanta pala yun. " natawa ng slight si Karylle. Pero hindi nya prin maintindihan ang nangyayari. Lumapit sa kanya si Tutoy at niyakap siya.
" Sabi ni brad, huwag masyadong maging masaya kasi lahat ng bagay may hangganan. At Hindi sa lahat ng bagay, nananalo ka. Parang sa sugal, pag tumaya ka, 50-50. Mananalo ka o matatalo ka. Kaya dapat wise ka. Siguro naiintindihan mo naman ako K diba? " dagdag pa ni Tutoy.
" Tutoy... " mahinang sabi ni Karylle. Tuluyan na siyang naiyak. Ito na siguro yung sinasabi ni Tutoy na hangganan.
" Iiwan mo na ba ako? " tanong ni Karylle kay Tutoy.
" Sinong may sabi niyan sa'yo? " nakangiting tanong rin ni Tutoy.
" Sabi mo kasi, lahat ng bagay may hangganan. So, iiwan mo na nga ako? "
" Magbabago lang ako ng anyo, pero nandito parin ako. " makahulugang sabi ni Tutoy. Niyakap siya ni Karylle. Yung sobrang higpit. Yung parang ayaw ka niyang pakawalan. (A:Sana ako nalang si Tutoy)
" Sige na, kanina pa ako tinatawag ni Brad. Uuwi na daw ako. Basta K ha? Wag mong papabayaan sarili mo. Kasi Lab ka ni Tutoy. Always yan! " nakangiting pamamaalam ni Tutoy kay Karylle at nag thumbs up pa ito. Lumakad si Tutoy sa may veranda. Pero bigla siyang may nakalimutan. Tumakbo siya pabalik kay Karylle at may binulong rito.
" Nga pala, gora ka na sa ospital teh, hinihintay ka na niya. "
" Sino? "
" Your personal health companion. " -Tutoy
~~~~~
Nagising si Karylle dahil sa isang tunog. Pagmulat niya ay tanging puti lamang ang kanyang nakikita.
" Tutoy? " mahinang tawag ni Karylle sa kung sino man ang kasama niya roon.
" Yan! Nagising tuloy si K! Buern kasi ang ingay mo! "
" Sorry na kasi, meme. Si Archie kasi. "
" Oh? Bat ako? Wala akong ginagawa sa'yo. Si Matt. "
" Wala akong kinalaman diyan. Mga baklang to. Si Aaron. "
" Gaga! Tulog nga si Aaron diba? Pag yan nagising rin. Hayss. Ayusin nyo na nga yan. Turuan pa kayo ng turuan. "
Nalilito man sa mga nangyayari ay nanatiling nakahiga si Karylle. Hindi nita alam kung nasan ba sita at bakit niya nakikinig an boses ni Vice samantalang sa pagkakaalam niya ay comatose ito at hindi manlang makagalaw.
BINABASA MO ANG
Untold Feelings (FINISHED)
Random" Can my younger self tell her what I really feel? " "Can they truly understand what I need from the younger me?" (ViceRylle)