Part I

22 0 0
                                    


Hindi ko alam paano nag start tong kabaliwan kong ito. Basta ang alam ko isang hapon habang papasok ako sa school at nag iintay ng masasakyan. Nakita ko sya. Nakita ko sya sakay ng kulay dilaw na motor nya. Kung titignan mo sya isa lang naman syang normal na lalaki na nagmamaneho ng motor nya. Okay gwapo sya. Ang lakas ng dating. Ang sarap nya sa mata suot yung leather jacket nya habang ang ganda ng tindig na buhok nya.

Inaamin ko just like every other girls kapag nakakita ng gwapo despite the fact na may boyfriend sila, just like me. Napako yung tingin ko sa kanya. Isama mo pa na tumingin din sya sa direksyon ko. Halos malunod ako sa kilig. Watching him driving away from where I was standing that moment made me shiver. Tipikal school girl na nagkakagusto sa lalaki. Akala ko after non wala na eh. Kaya lang sa tingin ko tinamaan ako.

I have a boyfriend, yes. He's Seb. Hindi ko sya tinu-two time kase hindi naman ako two-timer at alam kong simpleng pagka-crush lang to. I know my limits. And I know, I wasnt capable of falling for someone na isang beses ko lang nakita.

Nangyari nga lang na yung isang beses na yon, naging madalas. Hanggang sa naging araw araw na. Ngayon pano ko sasabihin na I wasnt capable of falling for him kung araw araw ko na syang nakikita?

Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon