5

194 11 0
                                    

- A WITTY BRAT -

--------

Dara's POV

Alam niyo feeling na para kang sinabihan ng crush mo na matagal ka na din niyang crush. yun ang nararamdaman ko ngayon.



pero wala akong crush dito sa higanteng nakatayo sa harapan ko ha.

"Dara narinig mo ba ako? bakit natulala kana diyan?"

tanong niya sa akin pero nakakaloko pa din ang mga tingin na binibigay nya sa akin. naka derp ang fota. kala mo naman kinagwapo niya pero oo na gwapo na siya.





"Wala kang paki. ano ba yang pinagsasabi mo, nakadrugs ka ba?"





taas kilay kong tanong sa kanya.

mas lalo pang lumawak pag ka kangiti netong lalaking to.

"don't you know?

.

.

.

.

.

.

.

that you are my drug."







nakarinig naman ako ng impit na tili. paglingon ko aba ang mga babaita akala mong bulate na nilagyan ng asin.

tsk sarap tadyakan eh.





'oh my pagibig nga kaya ... ohhhhhh' - kanta ng pesteng bommie



'pareho ang nadarama....'- segunda naman ni mingkki.





'eto ba ang simula?'- pataas taas pa ang kilay ni Chaerin sa akin..











isang malaking TSSSSSSSSSSSSS..



inirapan ko na lang silang tatlo.



naka cross arms akong hinarap tong malaking tenga neto.



"Alam mo kung babanat ka naman ganda gandahan mo. hindi kasi ako kinilig mas kinilabutan pa ako."

pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako sa harapan niya at nagtuloy tuloy akong lumapit sa pintuan.

binuksan ko yun at iniwan ko sila doon.

nakakaasar kasi, ang dami ko na ngang problema nakikisawsaw pa sila.



nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi ko na nga alam kung nasaan ako, basta ang nakikita ko lang ay isang napaka gandang gazebo. baka sa likod to ng university na to.





may nakita akong swing at umupo na lang ako dun. dumaloy lahat ng mga problema sa isipan ko.

hindi ko na alam kung anong uunahin ko sa mga iyon pero sisiguraduhin ko na tatapusin ko yun . hindi ako papayag na may maiiwan akong problema na hindi nalulutas.

Bad Boy Meets The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon