-FOLLOWING IS NOT A GOOD IDEA--------
Dara's POV
Ano ang ginagawa namin ngayon? Wala. Hindi naman kami nakikinig eh. Hindi na namin kailangan makinig dahil alam na namin yan.
Nakikinig lng ako ng music sa ipod ko. Dahil wala naman kasing magandang gawin.
Yung tatlo ayun may kanya kanyang gnagawa. Nakakairita nga kasi napahiwalay ako ng upuan sa kanila. Pero ok lang yun. Maganda naman yung pwesto ko kasi katabi ng bintana.
Kaso...
Nasa likod ko naman yung EXO.
At lintek ramdam na ramdam ko yung titig nila. Ipinagsa walang bahala ko na lang. Tutal naman malapit ng maglunch break.
Aishhhh makaidlip nga muna. Sabay ub ob ko sa lamesa.
------------
Chanyeol's POV
hmmmmm ang galing naman ng pagkakataon. At dito pa malapit sa amin pumwesto si Dara.
Feeling ko inaantok siya. At tama nga ang hinala ko. Umubob sa lamesa niya eh.
Tiningnan ko naman yung taong nakaupo dun sa likod niya. Ahhhh si Dyo pala.
"pssssssstt.."
Tawag ko ng mahina sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. With his famous satansoo eyes.
Nagsign ako na palit kami ng pwesto. At aba inismiran lang ako. Lintian kailangan ko pa atang lumapit dito para mapilitan ng lumipat.
Tumayo ako ng palihim yung di mapapansin ni mam. Kaya lang malamang mapapansin ako sa tangkad kong to!
Kaya yumuko na lang ako. At dahan dahan lumapit kay Dyo.
Nagtataka naman yung iba kung anong ginagawa ko.
"Hoy. Lumipat ka na doon. Dalian mo na."
Sabi ko kay Dyo. Nangunot lang noo niya at tumayo na rin naman.
Umupo na ako sa pwesto niya. At dahan dahang inilapit ang lamesa at upuan ko Sa likod ni Dara.
Hayyyyyy kht likod niya ang ganda.
Hahawakan ko sana siya kaso ......
"Kung ako thayo di ko gagawin yan." sabi nung katabi ko bulol. Eh sino pa nga bang bulol dito. Si Sehun lang naman.
Etong taong to. Kanina pa ko nakakahalata dito eh. Kanina tinititigan niya si Dara. Ngayon naman papakialaman ako sa paghawak kay Dara. May gusto ba to kay Dara?
"Oy hyung wag mo kong ithipan na may gutho kay Dara. Dahil uunahan na kita. Wala akong gutho tha kanya."
Sabi niya sa akin habang nakapoker face siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Eh bakit mo ko pinapakailaman kung hahawakan ko siya?"
BINABASA MO ANG
Bad Boy Meets The Bad Girl
AcakA boy who always wants to fight, always having a bad temper, making anyone suffer when he got an eye on him/her. A boy whose face is perfect for any living women in this planet. Always out all night with his gang mates. A rich boy who can buy you if...