Broken pieces of me and you (1/2)

7.6K 120 28
                                    

“Buntis kaba anak?”

“Tay naman, hindi po ako buntis”

“Oh eh bakit kayo magpapakasal?”

“Ruel, hindi naman porke magpapakasal eh buntis na”

“Oo nga po Tay hindi naman po ako buntis kasi”

“Oh eh ano pala ang dahilan at nagmamadali kayo magapakasal?”

“Ahm tito I know it may sound cliche pero mahal ko po si Alyssa, kaya po kami magpapakasal kasi mahal po namin ang isat isa”

“Kiefer anak, alam naman namin na mahal niyo ang isat isa kaya nga kayo mag boyfriend-girlfriend eh diba? Pero bakit naman ganito kaaga anak? Parehas lang kayong 23, nagsisimula palang kayo pareho sa mga career ninyo, Oo nga malaki na ang ipon niyo kahit noon pa, pero marami pa kayong pwedeng pagdaanan, marami pang pwedeng mangyari sa mga individual paths niyo”

“Tyaka diba anak Alyssa aalis kana sa November pa Germany para don maglaro? Paano yun? Hindi mo na itutuloy?”

“Nay aalis parin po ako, yun nga lang po magpapakasal po muna kami ni Kief bago po ako umalis”

Eh paano kayo maghahanda para sa kasal? Anak March na ngayon, ilang buwan nalang November na, hindi ganoon kadaling maghanda para sa kasal anak, maraming dapat asikasuhin”

“Ah Tita napagkasunduan na rin po namin ni Alyssa na civil wedding muna sa June, pag uwi nalang po ni Alyssa dito ang Church wedding para po magkaroon po kami ng time man lang na magkasama bago siya umalis for Germany sa November.”

“Total naman pala eh nakapag plano na talaga kayo, wala na kaming magagawa kundi ibigay ang blessing namin ng Inay niyo, Kiefer alam ko na hindi mo gagawin pero sana alagaan mo ang anak ko at ang relasyon niyo, kayong dalawa lagi kayong magmamahalan at kung ano ano man tandaan niyo lagi lang kaming naka suporta sa inyo, Kiefer anak, mula ngayon wala na yang tito at tita na yan ha, kung ano ang tawag sa amin ni Alyssa yun narin ang itawag mo sa amin”

“Salamat po, Nay, Tay”

“Welcome to the family anak”
*********************

Ella’s POV:

*Kakarating ko lang dito sa gym para sa training namin at si Kief na kaagad ang sumalubong sa akin, alam ko na ang pakay niya, Den called me kagabi tungkol sa pangungulit ni Kiefer sa kanila ni Amy, pati si Bea at Jia kinukulit na rin niya, well I can’t blame him, kasi two weeks before sila ikasal ni Besh eh bigla nalang nag disappearing act ang magaling na babaeng yun, nakakaawa si Kief sa totoo lang, mula ng umalis si Alyssa kundi siya lasing daw sabi ni Thirdy eh lagi namang nangungulit sa mga taong may posibleng may alam kung nasaan si Alyssa at ngayon nga for the third time ako nanaman ang kukulitin niya.*

Ella: Kief, ang aga mo ah

Kiefer: Ells kaibigan mo din naman ako diba? Please naman sabihin mo na sa akin kung saan ko makikita si Alyssa.

Ella: Kief, honestly kung alam ko lang sinabi ko na sayo kaagad the first time palang na nakipag bugbugan ka sa bar nung nalasing ka dahil sa kanya. Pero Kief hindi ko talaga alam.

Kiefer: Maawa ka naman Ells, ikaw nalang ang pag asa ko, sila Bea, sila Den sila Tay Ruel lahat ayaw magsalita, please Ella, next week na yung kasal namin eh.

*I can’t believe I’ll see him in this condition, in just a week na bigla nalang nawala si Besh sobra na ang ipinayat ni Kief, puro narin siya balbas, dati ang ayos ayos niya sa sarili, ngayon ni hindi man lang siya nag isip na mag palit man lang yata ng damit bago pumunta dito.*

Ella: I know what Im going to tell you will not make you feel good now but I hope eventually will help you move on, pero Kief ito lang talaga ang alam ko.

Kiefly collection of one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon