All I need (2/2)

5.9K 116 48
                                    

Thirdy's POV:

After namin sa check up ni Bea dumaan muna kami dito sa bahay nila Manong, its been two weeks mula ng iwan siya ni Ate Ly, and since then lagi na namin siyang dinadalaw, hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ni Manong to handle stress, pero iba kapag dahil kay Ate Ly ang stress niya.
Pagkababa namin sa garahe sinalubong kami ng isa sa mga katulong nila.

"Maam, Sir, dito ho ba kayo manananghalian? Ipagluluto ko po kayo."

"Naku hindi na po, dinadalaw lang namin si Manong."

*My wife as she sat on the sofa as soon as nakapasok kami ng bahay. I look at her kasi mukhang hirap na talaga siya sa laki ng tiyan niya.*

"Sweetheart ako nalang ang aakyat sa taas, I'll just check on him at uuwi na rin tayo, ok ba yun?"

"No, ok lang Thirds, take your time dito nalang muna ako, sasamahan nalang ako dito ni Manang. Baka gusto na magsalita ni Manong, make him feel that you are ready to listen."

*I kissed her forehead, ang swerte ko talaga sa misis ko, I thank God for giving me that second chance on her.*

"Sige akyat lang ako, Manang pakisamahan nalang muna siya ha."

*Pag akyat ko sa taas dumiretso kaagad ako sa kwarto nila at kumatok bago itinulak ang pinto. Hay naku ayan nanaman si Manong naka salampak nanaman sa sahig at mukhang hindi pa naliligo. Tumabi ako sa kanya at umupo na rin sa sahig.*

"Manong, kumain kana? Nagwo worry na sila Mama sayo."
"Nakausap niyo na ba si Alyssa? Papatawarin niya pa kaya ako Thirds?"

*Hindi niya ako tinitiganan sa bintana lang nakapako ang mga mata niya.*

"Siguro Manong lets just give her time."

"Ang tanga tanga ko kasi eh, bakit ko ba ginawa yun?"

"Actually yan din ang tanong namin eh, bakit nga ba kasi?"

"Naiingit kasi ako sa inyong lahat, lalo na sayo, sa tuwing nakikita ko kayo nila Bea at Dustin, naiingit ako, ang tagal tagal na kasi Thirds, pangarap ko din naman na magka anak, gusto ko naman maramdaman yung mga nararamdam niyo nila Von at LA. Pero yun nga ganito pala."

"Akala ko ba mahal na mahal mo si Ate Ly."

"Mahal ko siya, mahal na mahal."

"Baka nga mahal mo siya, pero nakalimutan mo na dapat mas mahal mo siya kesa sa pangarap mo na magka anak. Kasi Manong minahal mo nga siya noon na kayong dalawa lang eh, so sana nanatiling ganun, sana may dumagdag man sa pamilya niyo o wala sana ganun parin."

*Hindi siya nakapag salita at umiyak nalang ng umiyak. Hinawakan ko siya sa balikat at tinapik tapik.*

"Manong alam ko na mahal mo siya, at pwede ka naman magka mali, at ito na yun. Sana lang wag ka naman sanang sumalampak lang dito, kung ayaw niya pa makipag usap, ok fine, pero sana continue your life para kapag ready na siya hindi naman mukha ka ng ermitanyo. Attend ka rin ng practice at games, akala ko ba tayo ang maghaharap sa finals?"

"Bwisit ka talaga. Pero salamat ha, for looking after me this past few days. Bukas wag kana dumaan dito, ok na ako,kawawa naman si Bea binabiyahe mo ng binabiyahe ang laki laki na ng tiyan eh."

*Natawa nalang ako at tumayo.*

"O siya sige na aalis na rin ako, for sure masakit na balakang ng asawa ko kakaupo doon sa baba."

*He just gave me a weak smile, but its good already, at least hindi katulad ng mga nakaraang araw na magsasalita ako at hindi niya lang ako papansinin.*
++++++++++++++++++++++++++

Kiefly collection of one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon