45th Chapter

131 10 3
                                    

-Bianca-

        Pagka-uwi namin, hindi ko alam ang magiging reaksyon ni mama pero si Derrick? galit ulit at wala nang iba pa ang emosyon niya. Ewan ko pero nasanay na ako sa kanya tsaka kahit ilang taon na talaga ang lumipas ay si miguel at si miguel parin ang nilalaman ng puso ko.

      Pagkapunta ko sa labas ay nag-iisip ako kung paano sasabihin kay Derrick na ayoko na. Na hindi ko talaga siya mahal kahit ilang taon na ang lumipas. Wala pa kasi siya. Nasa trabaho pa ata. Kaso hindi ako puwedeng magkamali na 8pm ang out niya at 9:49pm na. Nakakapagtaka lang. Papasok na sana ako ng makita ko naman si Derrick.

     "Derrick puwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa ng seryoso, walang halong biro. Sasabihin ko sayo 'to. Hindi na kita mahal. Sorry dahil hanggang ngayon mahal ko parin si Miguel. Ngayon pa lang para matuto ka. Marapat lang na umalis na kami."Saad ko sa kanya.

      "Pero lihim parin ang mga yun. kaya kahit na ano, akin ka parin." Galit na sabi ni derrick.

      "Doon ka nagkakamali Derrick. Maayos na sila. Ayos na kami at wala nang problema pa. Kaya kahit anong mangyari ay wala na akong masasabi kundi sorry dahil sinabi ko na mahal kita. Kaso hanggang sa pagiging kaibigan lang talaga ang naging parte mo sa buhay ko. Friends?"

    "kung yan ang sabi mo." Maikling sagot niya bago pumunta sa loob.

     Hindi ko na ulit nakita si Derrick sa huling pagkakataon. Pagkabalik namin sa bahay ay may nakahanda na pagkain.

     "Were back home ma. How's your life?" Well hindi naman sumama si mama at papa kahit na anong pilit ko.

     "Oh! anak bakit napauwi kayong tatlo?" Pambungad ni mama sakin.

     "Ma, pa, wala na kami ni Derrick kasi napagtanto ko na mahal ko parin si Miguel." Saad ko sa kanila.

     "Sabi ko na nga ba. Bianca, may regalo ako sayo." Nagulat ako kay papa dahil may regalo siya sakin. Na sobrang spesyal daw. Hinding-hindi na namin ito mapapakawalan. Kasi the last time na regalo sa akin ni dad ay regalo sakin para sa mga anak ko. Wierd talaga. Kaya naman binilisan namin ang pagkain tapos tumakbo kaming tatlo papunta sa kuwarto si mama at papa ay tulog na. Ewan ko ba kung ano yun pero hindi din namin mahanap na tatlo.

     "Ma? anong yung sinasabi ni lolo na regalo niya satin?" Tanong sakin ni Ivan na hindi ko din masagot. Kunwari ay nagbingi-bingihan na lang ako na hindi ko narinig ang tinanong niya at naghahanap parin sa sibasabing regalo ni papa.

      Hanggang sa sumuko na lang kami at hinigi ang sarili sa water bed na kama at yung dalawa sa carpet. At nang gumalaw ako para tumagilid nang maramdaman kung may parang bagay dito. Kaya naman inalis ko ang kumot na nakatakip doon sa bagay na yun. At ganoon na lang ang gulat ko kaya tinawag ko si Ivan at christina agad. Niyakap ng sobrang higpit at hinalikhalikan nila ang kanilang tatay.

     "Uy! andito na pala kayo. Ang talaga niyo kasing dumating kaya nakatulog na ako. Sige na. Tulog na mga anak." Sambit ni Miguel at tumabi sa amin.

    Nasa gitna sila kaya naman magka-layo kami ni Bianca. "Mahal na mahal kita Miguel."

      "Mahal na mahal din kita Bianca. At kahit anong mangyari hinding-hindi na kita iiwan, kasama lang kita ayos na ako. Mahal na mahal talaga kita Bianca." Saad ni Miguel na sobra ang ngiti at sinubukan niya ang abutin para mahagkan sa ako. At hindi na ako nagpabebe na ako. Kekereng-keng pa ba ako sa iba? ano ba yan syempre hindi na! ano pa ba ang hahanapin ko kay miguel? guwapo, mayaman, at higit sa lahat ay mapagmahal ng tunay.

Promise, broken or unbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon