23rd Chapter

426 16 4
                                    

-Bianca's POV-

Natigilan naman kami sa pagkain dahil may kunatok sa may pintuan. Kaya naman tumayo na si Joyce para tingnan iyon. Nagulat naman kami kasi biglang nagsigawan doon, kaya naman nagkaroon na ako ng hula kung sino iyon. Walang iba kundi si Barbie, at hindi nga ako nagkamali.

"Bakit ba kasi pinipilit mo pa ang sarili mo sa isang taong wala naman talagang gusto sayo? Barbie tanggapin mo na lang na hindi kayo magkakatuluyan." Pagpapaliwanag ko. Kasi alam ko naman na ayaw ni Miguel kay Barbie dahil tinatago niya ang tunay niyang ugali.

"Bakit Bianca!? Natatakot ka na mapasakin si Miguel? ha!? Ano? Mag-away na lang tayo!"-Barbie.

"Hindi ako nadadaan sa mga ganyan kaya please lang. Umalis ka na. Ayaw ko ng away."

"Aminin mo na-"

"Barbie, tama siya, kaya ngayon pa lang umalis ka na at baka masaktan pa kita. Bibigyan kita ng isang minuto na umalis o mapapaano dito."-Miguel

"Anong sinasabi mo? ha? Ikakasal tayo Miguel! tanga ka ba!"-Barbie

"edi ikaw na magpakasal sa lola ko! siya lang naman may gusto nun."-Miguel

"Hahahhaha, yan kasi Barbie! kaya ngayon pa lang umalis ka na."-kristoffer.

"Magtigil ka!"-Barbie.

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin. Hahahha.. talo ka na. Hahahha" Patawang sagot ni Julian. Naku kahit na siguro magunaw ang mundo walang pakialam ang mga kaibigan kong ito. Hahha..

"Mga bwisit kayo! Hindi pa tayo tapos. Ugh!" Saad ni Barbie bago lumabas. Well yung palang nangyari kanina.

-Flashback-

Sinundan ko siya sa may kuwarto niya pero ni-lock niya ito. Saan ba niya kasi nalaman yun? na buntis ako? Eh sikreto lang namin na tatlo yun.

Hanggang sa mag-lunch na ay bigla naman may nag-text sakin pagkita ko si Miguel lang pala. Wait? si Miguel nag-text sakin? ganito rin yung ginawa niya sakin noong nagalit siya ng masira ko yung PSP niya paano ba naman kasi, sariling boyfriend hindi ka pinapansin. Aaminin ko sa inyo na hindi talaga marunong na magkaroon nang relationship si Miguel noon dahil puro siya laro ng laro ng mga ewan diyan hanggang sa pinagtatanggal ko ito at doon nagbago. Ay ito pala yung sinabi niya. 'Kahit na galit ako, inaalala ko parin sikmura mo kasi alam ko na madali kang magutom' with matching simly face. Eksakto naman na may kumatok sa bahay. Kaya naman binuksan ko iyon at nagulat ako kasi nag-padeliver pala siya. Ganyan talaga yan kapag walang gana. Eh kasi bad mood dahil sakin.

"Heres the delivery maam."

"Thank you." Sabay pag-abot ko ng pagkain ay biglang may nag-salita sa likod ko. Nang mabigay na niya yung bayad ay agad niyang kinuha yung nasa itaas at umalis na agad. Naku naman. Mag-isa lang akong kumain nang lunch and I told you super BORING!!! Kaya si lang music ang kasama ko. Then it was 3pm nang mapag-isipan ko ang gagawin ko.

Binuksan ko yung pinto at tumabi kay Miguel. "Miguel, please naman kausapin mo na ako. Sige na. Kahit ano sasagutin ko."

"Ngayon? BUNTIS KA BA? Yung totoo?"

OMG!! Kinakabahan na ako sa isasagot ko! Shocks. Si Dereick nag-sabi! Nakakainis naman nung lalaking yun. Nakaka-bwisit naman siya. "Ummm.. ano... kasi... na-..... ah.... mag-papasundo sana ako... sayo.. ahhh.. ako... kasi.. nga Bu-busog na ako nun. Eh hindi ko na kasi mabuhat sarili ko kaya naman. Yun." Lagot ako dun. Sana naman matanggap niya yi.g paliwanag ko.

"Huh!?" Ewan na tanong at mukha niya.

hahahhah?! Sorry wala talaga akong masabi? Yun na yung paliwanag ko. Hahahgagag... nakakahiya. "Ahhhh.. Oo yun. Yun. Kaya naman sana mapatawad mo na ako?" Saad ko ng may kaba dahil may natitirang pagtataka parin sa kanya.

"Yun lang pala eh! Halika nga dito. Maghanda sakin mamaya si Derrick. Siguradong mababanatan ko siya nang todo." Sabay yakap sakin ni Miguel.

"Hahaha... huwag na. Kaibigan mo yan. Tandaan mo. Hahahha.."Hoooooo!! Safe! yes...

"hahagga ... kahit na." Nakita ko naman na pumikit na si Miguel. Huh? Hindi pala ito nag-siesta. Alam niyo kasi hindi kumpleto ang araw niya na hindi nagsi-siesta kaya tuwing lunch kapag may school madali siyang kakain ako naman ay mamaya pa kakain ng ilang minuto tapos punta kami sa grass tapos matutulog siya sa bag ko at yung bag niya ginawang tandangan kaya doon na ako kakain nang lunch tapos mga 1pm gigisingin ko na siya at tapos nun. Punta na kami sa klase namin well maghiwalay kami all the time request na din yan nang parents namin. Kasi daw baka mag-lampungan kami diyan sa tabi. Excuse hindi naman namin gagawin yun noh! may hiya naman kami sa prof. At kaklase namin. Wierd kung hindi. Hahahgga..

-End of Flashback-

"Bakit ba kasi napaka desperada niya? wierd ha?" -Joyce.

"Ehhhh.. ganon lang talaga ang nagagawa ng love." Saad ko kasi ganoon naman talaga diba?

"huh? Ewan ko sayo Bianca! Yun ang tawag na kahibangan sa isang tao na ayaw naman sayo at patuloy na sinisiksik ang sarili. Kaya noong nabwisit ang lalaki au pinatay niya ito. Tapos tulog-tulong ang magkakaibigan na itatapon ang katawan niya at kalimutan na oaea bang walang nangyari. Yun ang sabihin mo."

"Sobra ka naman Joyce, puwedeng paalisin lang. Sobra naman kapag pinatau naton siya."

"Ano ka ba Bianca! Dapat nga mabwisit ka sa sobrang ka-gagahan ng isa nating tinuring na kaibigan. Nakakainis."-Joyce.

"Tama na, ewan ko na lang kung ano pang magyari sa atin dito at ma-bwisit pa tayo. Eh ituloy na lang natin ang atin kainan at tapos nun ay magpahinga na tayo ulit at gusto ko ng matulog ulit. Kasi nga pagod parin ako."-kristoffer.

"Hahahagga .... ikaw talaga.... tama na ang Bad Vibes." -Joyce.

"Oo nga, tara na." Saad ko bago kami bumalik sa salas at kumain nang ini-handa ni Miguel at pagtapos namin ay pumunta na kami sa labas at uuwi na syempre nagpaalam na muna kami bago umuwi. At pagkauwi namin hindi na kami nagpalit pa. Diretso na kami natulog dahil super pagod parin kami dahil sa ginawa naming Movie marathon kahapon nakakainis. Lalaki na naman eye bags ko. Lalo na at malapit na pasukan. Ewan ko lang kay Miguel kung saan siya mag-aaral. Sana dito na lang siya at sana tigilan na kami ni Barbie kasi wala naman mapupuntahan yung pangaagaw niya kay Miguel. Sa bandang huli ako at ako parin ang pipiliin niya.

A/N: Hello guys, ito pa ang isa kung UD so sana pagtiisan niyo muna ang dalawa kung UD. Next time ulit. Baka mag-update ulit ako this Saturday or sa june 27 na. Thank you sa cooperation niyo guys. Sana basahin niyo 'till the end thanks ulit nang marami dahil nagtitiis kayo sa slow update ko.

Promise, broken or unbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon