Alternative Ending Part 2

10 0 0
                                    

-Bianca-

     "Derrick hindi ko na kaya" Sabi ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga makalimutan si Miguel wala naman na akong pwedeng gawin doon. Kahit dalawang taon na ang nakalipas hindi ko parin siya makalimutan at kahit engaged  na kami for 9 months hindi ko na talaga kayang iwan siya.

    "Bakit? Two years na ang nakalipas. Bakit hindi mo parin siya makalimutan." Pagmamatigas niyang sagot.

    "Hindi ako naging tapat sayo, kasi after one year naghiwalay na din sila ni Barbie. Nag migrate ang maga-ama ko dito sa America after silang maghiwalay kaya naman isang araw nagkita kami sa paborito kong kainan at doon nagkaroon ulit kami ng communications na itinago ko sayo, parati kaming magkasama. Parati kong inaalagaan ang mga anak namin, wala eh. Mahal ko talaga siya. Wala na tayong magagawa. Kaya gamin mo na ang lahat. Ipapapatay mo na ako o kaya kung ano man ang gusto mo, gawin mo na. Pero sorry aalis na ako." Pagkatapos kong sabihin lahat nang yun ay umalis na ako. Yinakap ko siya sa huling pagkakataon at tinanggal yung singsing na bigay niya sa akin tapos ay binigay ito kay Derrick sa kanyang kamay. Kinuha ko lahat ng mga gamit ko at umalis.

    Pumunta ako sa bahay nila Miguel, kumatok hinintay para bumukas ang pinto at nakita ko si Miguel takang taka at nandoon nasa nila ako sa bahay nila. "Bakit?...."

    "Miguel, Alam mo, pagkatapos ng isang taon babalik at babalik parin talaga ako sayo eh." Mangiyak ngiyak kong sabi.

     "Alam kong mahal parin kita. Halika nga dito." Nagyakapan kami ng mahigpit at hinalikan ako ni Miguel at ramdam ko ang halik na yun. Yung sobrang tagal namin na hindi nagkita yun yung halik ng miss na miss ang isa't isa. "Pumasok ka na" saad ni Miguel at kiniha niya yung maleta sabay sarado sa pinto. Nagulat ako ng gising pa ang mga bata at nandoon sila para yumakap sa akin. Agad ko silang pinapunta sa kuwarto nila para patulugin, nang matapos ko ng patulugin ang mga bata ay bumalik ako sa kitchen at nakita ko si Miguel na nakapaghanda ng hapunan.

    "Tara kain."

     "Salamat." Sumubo muna ako bagk nagsalita ulit. "Paano nga pala kayo nagkahiwalay ni Barbie?"

    "Ah, bale sinabi ko lang talaga na hindi kami magkakatuluyan. Right after that naging baliw siya tapos hindi na niya nakontrol yung emosyon niya. Hanggang bumalik na kami dito sa america at dito na nanirahan ng maayos. Eh ikaw?"

   Sumubo ulit ako at sumagot.

   "Oh. Ngayong maayos na ang lahat hindi na talaga tayo magkakahiwalat. Salamat talaga sa diyos. Oras na ba ulit para bumalik tayo ng piloponas?" Tanong sa akin ni Miguel.

     "Basta magkasama tayong pamilya, ayos lahat ng mga desisyon na mga ganyan. Tsaka ang tagal ko na ring hindi umuwi eh. siguro nga oras na para bumalik."

-Philippines-

    Matapos ang 5 buwan na umayos ang buhay namin na pamilya ay bumalik na kami sa pilipinas. Natapos na rin ang lahat. Matapos iwan si Derrick sa America ay hindi na siya nagparamdam pa at maligaya na kami. Hindi naman naging mahirap ang lahat. Habang nagaayos kami ng gamit namin ay nag-aya ang mga bata na pumunta sa mall kaya naman pumunta kami habang naglalakad ay nakita namin ang hindi inaasahan, si Barbie. Ngumiti kami sa isa't isa at sumunod naman na nakakita ay si Miguel. Lumapit kami at nag kamay sa kanya.

     "Kamusta ka na?" Tanong ni Miguel nito.

  "Ayos na ako, eto - bagong buhay na. Siya nga pala si Brent. Brent this is friends Bianca and Miguel, Miguel Bianca si Brent Asawa ko." Nakipag-kamay kami sa asawa niya.

      "Congrats, nag lunch na ba kayo? Tara sama na kayo sa amin." Saad ko. Pero bago nun ay may dumating na lalaki at may sinabi kay Brent.

    "Sorry, pero next time. May biyahe kasi kami papuntang Belgium para sa isang partnership kaya bye muna. Basta, we'll keep in touch." Sagot ni Barbie at nagyakapan jami bago nagpaalam sa isat-isa.

Promise, broken or unbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon