47th Chapter

133 9 1
                                    

-Barbie-

     Pagkalabas ni Miguel sa CR ay pumunta na kami sa may kotse.
   
"Bianca. Ayos ka lang ba?" Saad niya sakin. Kahit na nanggagalaiti ako sa mukha kong ito eh ang mahala kasama ko na siya.

    "Oo, ayos lang ako. Tara na baka kung ano pa ang mangyari sa atin dito." Saad ko at sumakay na kami sa kotse. Mabilis naman na pina-andar ni Miguel at kotse niya. Wala naman akong nagawa kundi ang titigan lang siya sa magdamag na biyahe namin. Sa kung saan man kami pumunta ngayon.

     "Kanina ka pa nakatitih sakin bianca. Baka mamaya niyan tunaw na ako? Hahha." Pabiro na sabi ni miguel ng mapansin niya na kanina pa pala ako nakatingin  sa kanya.

   "Hindi yan. Kasi ang tagal kitang hindi nakita eh. At hanggang ngayon mahal parin kita." Biglang lumabas ang mga yun sa bibig ko.

    "Ano ka ba. Ngayon na nandito ako. Wala ka nang dapat alalahanin pa dahil tayo lang at wala ng iba." Tumingin ako sa ibang direction at nakita ang isang magandang lugar. Lumabas naman agad ako at tumakbo ng tumakbo sa sobrang lakas ng hangin tila akala mo ay lumilipad ka na. Nagulat naman ako ng biglang may yumakap s likod ko. Humarap ako sa kanya at niyakap din si miguel. Nang bumitaw siya sa pagkakayakap ay agad siyang lumuhod.

      "Uy! Miguel. Anong ginagawa mo?" Saad ko sa kanya.

    "Bianca, gustuhin ko man na malaman ng buong pilipinas ang magiging sagot ay natatakot ako. Kaya naman dito, tayong dalawa lang ang nandito. Tatanongin kita. Maria Isadora Bianca Soler Umali, will you marry me? " Napaluha naman ako sa bigla niyang sinabi, hindi man ako ang totoong bianca ay alam ko sa labas ako si Bianca. Hindi magiging madali ang mga pangyayari pero titiisin ko ito para sa pagmamahal na para sakin.

    "Yes! Yes Miguel! Oo ang sagot ko." Napatalon naman sa sobrang saya si miguel at isinuot na ang sing-sing. Niyakap naman niya agad ako ng dahil parin sa sobrang tuwa.

   "Oo na talaga ang sagot mo bianca. Nananaginip ba ako o totoo na ba ito? Kung totoo nga ito kurutin mo nga ako." Imbes na kurutin ko siya ay hinalikan ko siya sa labi.

     "Hindi ka Nananaginip miguel.  Totoo ang lahat ng nangyayari. Hahaha. Tara na at baka hinahanap na tayo sa bahay. Wala naman na tayong gagawin dito diba. Tara na at sabihin natin kay mama at papa. Tsaka sa mga tao. For sure matutuwa ang lahat ng tao. Tara na bilis.

     Hinila ko siya pabalik sa kotse at pasakay na ako ng bigla niya akong pigilan.

    "Ayaw mo nang tumambay dito kahit saglit na oras pa?" Tanong ni miguel. Dito talaga ako nabwi-bwisit kay Miguel eh! Lahat na lang nang puntahan naming mga lugar gusto niya pinapatagak pa ang pagtatambay. Eh ano pa ba ang gagawin doon. Eh super boring doon. Maganda sana kung bar. Eh hindi naman. Kaya ano pa ang gagawin sa mga ganoong lugar diba?

    "Miguel. Alam mo dapat na natin itong sabihin sa kanila dahil masaya tayo diba? Kaya halika na." Saad ko kay miguel.

    "Ohhh. Sige. Tara na. Para naman masabi na natin sa kanila ang magandang balita." Bahagyang ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko sabay halik bago sumakay. At pinatakbo ang kotse at habang nagda-drive ay hawak-hawak parin niya ang kamay ko. Eh super corny naman nun kaya naman inalis ko ang kamay na nakahawak at humarap sa bintana na malapit akin at natulog.

   Nagising naman ako na nandoon na kami sa may bahay nila.

    "Bianca. Halika na. Nandoon na yung mga kaibigan natin at pamilya. Handa ka na ba na sabihin sa kanila ang ating nalalapit na kasal?"

    "Oo migs. Handang-handa na ako na malaman nila ang totoo. At readu na ako sa kasal natin agad." Saad ko bago bumaba at nasa harap na kami ng pintuan nila. Kaya mo ito barbie. Kahit saglit lang na parang bianca na marunong makisama kahit na ayaw na ayaw ko naman talaga.

Promise, broken or unbrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon