Chapter 9
Rinaya POV
Bakit di nya tinuloy ang sasabihin nya kanina? Weird.. Pero masaya talaga ako,siguro dahil di ko expect na papayag sya..
Pumunta na kami sa Dine Area at kumain na. Pagkatapos nun hindi na kami nagkausap pa. Papunta na ako sa kwarto ko. Biglang kumirot ang sentido ko kaya napahinto ako saglit sa paglalakad patungo sa kwarto ko. "Nadadalas yata ang pananakit ng ulo ko nitong mga nakaraang araw... Kailangan ko na sigurong matulog nang maaga at di na dapat magpuyat, baka mag alala lang sakin si C.A.."kausap ko sa sarili ko. At nagpatuloy nako sa paglalakad. Pakiramdam ko napakalayo ng nilakad ko patungo sa kwarto ko. Nahiga na ako at natulog.**habang mahimbing na natutulog si Rinaya ,sya ay nanaginip may mga bata syang nakikita sa panaginip nya. Tantya nya 10 taon na ang mga ito dalawang batang lalaki at isang batang babae ang mga ito. Di nya maaninag kung anong itsura nila dahil malabo ang kanyang nakikita,pero naririnig nya ang ilan sa pinag uusapan ng mga ito. Paiba iba nang lugar at pangyayari ang mga nakikita ni Rinaya sa kanyang panaginip.. Patuloy lang ang mga pangyayari sa kanyang panaginip**
C.A POVs
Maaga akong nakatulog kagabi,hindi na kami nakapag usap pa ni Leigh. Gusto ko na syang makapagpahinga dahil napagod ito panigurado sa pagtatakbong ginawa nila ng Espren nyang si Fortalejo.
Maaga din akong nagising. Linggo ngayon kung kaya yayayain kong magsimba si Leigh. Bumaba na ako sa komedor. Naabutan ko ang isa naming katiwala ruon.
"Manang ,gising na po ba ang Lady Leigh nyo??" wika ko"Naku Young Master hindi pa po bumababa si Lady Leigh dito sa komedor .. Baka natutulog pa sya? Tatawagin ko na po ba?" wika nito
"Hmmm.. Ako nalang ang magtutungo dun para gisingin sya. Salamat Manang". At tumalikod na ako,. Patungo na ako sa kwarto ni Leigh nang may naulinigan akong parang umuungol na tao sa loob ng kwarto. Dali dali ko iyong binuksan. Dahil may spare key ako ng lahat ng mga kwarto dito sa Mansyon Ko. Inikot ko ang buong kwarto wala namang ibang tao maliban sakin at kay Leigh kaya nagtaka ako kung ano at kanino yung naulinigan ko. Pero di ko na narinig pa ito. Nilapitan ko nasi leigh para sana gisingin ng bigla itong umungol kaya napahinto ako.
" si Leigh ang umuungol? Pero bakit???" tsaka ko napansin na namumutla sya. Sinalat ko ang noo nya. "Aii-yah inaapoy ka nang lagnat..anong nangyayari.." taranta na ako dahil di ko alam ang gagawin ko. Pero pansamantalang tumigil ako at pinakalma ko ang sarili. Kumuha ako ng bimpo at plangginitang may lamang mainit na tubig. Pupunasan ko si Leigh.
Habang pinupunasan ko sya mataman ko syang tinititigan. "napaka ganda mo padin Aii, walang nagbago sa itsura mo,mas lalo kang gumanda.. Pero hanggang kelan Aii.. Kelan kaba babalik bilang si Ayah na kababata ko". Mahina kong usal sa kanya.
"Kasama nga kita Ayah..pero di kita maabot,napakalayo mo saakin. Hindi kita matawag sa pangalang gustong gusto ko dahil baka maguluhan ka." mataman ko lang sya pinagmamasdan,hindi na sya umuungol di katulad kanina.
** Mag hapon ko syang binantayan hanggang sa bumaba ang lagnat nya. Pinapunta kona din ang Family Doctor namin para i check up si leigh.
"Sa tingin ko Young Master huwag syang masyadong mag isip at magpapagod makakasama sa kalusugan nya ito. At mas mainam din kung tatanungin mo sya baka may nararamdaman na syang kakaiba kung kaya bigla nalang nilagnat".ani ng Doctor ,Pag kuwan ay yumukod ito at nagpaalam ng umalis.
"Salamat,ipapatawag nalang ulit kita Doctor Suarez". Umupo ako sa tabi ni leigh at masuyong hinaplos ang kanyang mahabang buhok."Aii.. Nalalapit naba ang pagbabalik ng alaala mo?.. Kapag nangyari yon babalikan natin ang may kagagawan nito sayo ..sa atin". Nakuyom ko ang aking kamao,.. Napaisip ako nang malalim, hindi ko matanggap na SYA ang may kagagawan nang mga nangyari anim na taon na ang lumipas.
Nawala lang ang pag aagam agam ko ng muling umungol si leigh. Hinipo ko ulit ang kanyang leeg at noo. Napaso ako sa init nito.
"Kanina lang bumaba na ang lagnat mo Aii.." akmang tatawagan ko na sana si Doctor Suarez ng maulinigan kong nagsalita si leigh."Kirito...." ani ni leigh habang nagbibiling biling sa higaan nya.
i sniffed, hindi ko ineexpect na yun ang binanggit nyang pangalan.
"Sandali-- re-- Rrreeeiinnn,". Bigla akong napabaling sa nakahigang si Leigh. Bagamat alam kong natutulog sya at mukhang nananaginip. Bigla akong napangiti."Ang tagal kong di narinig yan mula sa mga labi mo... Aii". Maluha luha ako,At pinapahid ko iyon.. Pagkuwan ay tumayo ako para tawagin si Doc. Suarez.
"Babalik ako.. Aii". At lumabas na ako ng silid.